this on Facebook!

Del Monte Fit 'n Right

Posted by: Klet Makulet,

May mga ideas pero kulang sa facts. Masamang magkunwaring may alam. Pero ishe-share ko na din.

Habang naglilibot ako sa SM Supermarket, patingin-tingin ako sa presyo at sa calories ng mga pagkain. Syempre patingin-tingin. Painspect-inspect. Ilalagay sa basket at pag di swak sa budget ay ibabalik sa shelves.

Isa sa nakakuha ng pansin ko ay ang Del Monte Fit 'n Right.


Eto ang mga bagay na napansin ko at gustong i-share:

  1. Bukod sa 300mg ng L-Carnitine and B Vitamins 1, 6, and 1, ito ay may mababang calories PERO iba-iba ang number of calories per flavor.
  2. Ang Pineapple ang may pinakamataas na calorie content per serving at ito ay 100 calories.
  3. Ang iba ay (kung di ako nagkakamali) may 80 to 90 calories depende nga sa flavor. Ang pinakamababa ay ang bago nilang flavor na kulay violet ata yun (puro yata wehekhek!).
  4. Ang nakalagay sa packaging ibang flavor, lalo na ang mga naunang flavors like Pineapple, ay "with L-Carnitine that helps burn fat" pero sa iba, ay may naidagdag na word at ang nakalagay ay: "with L-Carnitine that MAY help burn fat."
  5. Kailangan mong magexercise para maging fit ka. Dahil kung laklak ka lang ng laklak ng fit 'n right, malamang walang mangyayari sayong himala.
  6. 3x a day ang recommended intake nito. Ibig sabihin, gagastos ka ng malaki para pumayat!
Ayun lang! Try ko balikan yung bagong flavor at nang maging matino naman yung info na binigay ko. Adios!


2
Anonymous said...
July 9, 2009 at 9:30 AM
check mo rin kung ilang servings ang recommended nila. alam ko 2 servings dapat e. bale 2 bottles 3 times a day. ewan ko lang ha. di naman kase ako umiinom nyan e.. :P
-blight
Ang alam ko once every meal lang kasi syempre kelangan di ka lumampas ng number of calories per day. Kung 2 servings per meal ka at 100 calories yung ininom mo, e di naka-600 calories ka na. Kung 2000 calories ang target mo, 1,400 calories na lang ang pwede mong kainin. Ang konti lang nun parang parang 1 donut ka lang per meal. Himatay ang abot mo wehehehe
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com