this on Facebook!

Internet Addiction

Posted by: Klet Makulet,

Ang sabi nila, ang ADDICTION daw ay isang obsessive-compulsive disorder. Naoobsess ka sa isang bagay at di mo mapigilang gawin nang paulit-ulit hanggang maging dependent ka na dun psychologically and physically habit-forming.

Maraming klase ng addiction at ilan dito ang pagiging adik sa shopping, food, gambling, sex, alcohol, porn, shoplifting, at internet addiction na hanggang ngayon ay pinagdedebatehan pa kung ito nga ba ay ihahanay sa mga psychological disorders na nakatala sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders o DSM IV.


photo source: seedpublishers.com


Ang internet addiction din ay maraming klase tulad ng addiction sa online games, ebay, blogging, forum, cybersex, porn, social networking (friendster, myspace, multiply, facebook, etc.)chatting or instant messaging, atbp.

Maaaring ang ilan ay di aamin na sila ay adik. Malalaman na lang nila at matatanggap ang katotohanan pagkatapos nilang maka-get over sa adiksyon.

Adik ka ba? Gusto mo bang malaman kung adik ka nga? Try mo itong Internet Addiction Test (IAT) at alamin kung gaano ka na ba ka-hook sa internet.



3
Hhmm, I think Im sort of! Before ko i-open ang outlook, check muna ko ng PEX, FB, Blog, FN, etc! haha
ako dati sa facebook, restaurant city at pet society addict... pero cured nako...
Chyng...
hala! addict! heheheh


gillboard...
cure na nga ba? baka may konti pa... Yan lang ang kagandahan sa addiction na yan, pag busy ka na, nawawala sa systema. parang ako :P
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com