this on Facebook!

Public Display of Affection

Posted by: Klet Makulet, 1 comments

Medyo gasgas na ito pero syempre gusto ko din alamin kung ano nga ba ang masasabi ng iba tungkol sa "Public Display of Affection" o PDA. Ano ba ang idea nila tungkol dito at hanggang anong level nila kayang sabihin na okay lang ito.



Sa ilang teens na nakausap ko, nagvavary ang sagot nila tungkol sa PDA. May ilan na open naman sa bagay na yun at may ilan na talagang diring diri (kuno) pag nakakakita ng nagpi-PDA.

Sakin kasi, hindi naman maiiwasan minsan talaga na makapag-PDA talaga ang magbf/gf. Yun nga lang dahil sa "pleasure" yun, nakakatempt din to go beyond the limit. Kaya kong i-tolerate yung HHWW (Holding Hands While Walking), akbay, smack (goodbye and hello kiss), pwede na din yung akbay at paminsan-minsang paghawak ng lalake o babae sa lap ng isa't isa (pwera massage action wehehe). Though ayoko na ako yung nasa sitwasyon na gagawa nun, carry kong makita sa harap ko ang simpleng PDA pero yung halos dun na sila gumawa ng kababalaghan ay parang gusto kong i-suggest na dun sila sa lugar na sila na lang para may privacy sila at syempre iwas kahihiyan na din at maging takaw-pansin.

Sorry ha medyo namulat lang ako na medyo may pagka-conservative pagdating sa bagay na yan pero nakakaintindi naman ako sa sitwasyon. Wag lang talagang $3x in public hahahaha.

Sabi nung iba, di daw nila kaya ang makakita ng magka-semi-yakap sa jeep o sa public place (yung isang kamay ng lalaki ay nakayakap sa katawan ng babae o parang akbay medyo mababa lang sa balikat mga bandang bewan o sa balakang na). Meron din na napapa-eww pag nagkiss in public kahit smack lang daw ay nakakahiya na.

Talagang iba-iba ang pananaw at pagtanggap ng tao about PDA. Kahit ako minsan nagbabago-bago din yun pananaw ko. Depende din kasi sa tao. Kung pano nila dalhin yung PDA nila. Meron kasi na parang kahit simpleng holding hands lang eh ang laswa na talagang tingnan. Bakit kaya? Kayo, anong masasabi nyo about this? Anong kaya nyong i-tolerate na makita at gawin?


Sari-sari

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Tapos ko na ang chapter 1 ng thesis ko. Makakapagpahinga ako habang di pa naibibigay sa akin ang resulta ng pang-ookray ng adviser ko. Lampas isang linggo din akong parang zombie dahil sa kulang sa tulog. Tuwing tanghali ay minamadali ko ang lunch ko para lang makasingit ng 30 minutes beauty sleep. Para akong baliw na kinakausap nila. Walang kwenta.


--*--*--*--*--*--


May fire and earthquake drill kami kanina. Andaming bloopers. May mga kunwari ay reporter tapos kumpul-kumpol naman sila. Ang mga tao ay nasa gilid gilid at wala sa gitna ng field. Kung totoong may earthquake malamang naguhuan na ang lahat. Saka kung ako yun, uuwi na lang ako sa amin.

Yung sunog naman, wala na nung dumating ang bumbero. Nalubog pa sa putik ang gulong. Patay kayo kay sister!

May kuha akong video ng kasama ko. Feel na feel nya yung drill. Mula sa earthquake hanggang sa sunog. May pagtago pa siya sa ilalim ng maliit na table at talagang nataranta siya kunwari.

--*--*--*--*--*--


Nagpunta ako sa SM. Kami pala. Sabi ko wala akong pera bukod syempre sa kaka-withdraw ko na pera na di naman pwedeng galawin dahil ibubudget ko pa. Pero nakabili ako ng dalawang compact mirror na wala naman akong paggagamitan. Baboy kasi yung itsura kaya binili ko. Tsk tsk.

--*--*--*--*--*--


Kapag sinabihan ako ng kung ano ang ulam. Aasahan ko talaga na yun ang ulam. Pipilitin kong umuwi ng maaga kahit na ano pa ang aking mga pupuntahan na meeting o gawain. Basta di ako kakain ng kahit na ano dahil nga naka-set ang utak ko sa ulam na pinangako. Tapos uuwi ako na gutom na gutom at malalaman ko na lang na iba pala ang ulam. Grrr.


--*--*--*--*--*--



May mga botohan. Wala lang nakiboto ako kasi sabi bumoto daw ako. Hahaha! Wala favor lang mula sa friend. Ayos lang. Kaso di ko kilala yun binoto ko. Ni hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanila. Yun pala death row na. Hahaha! Joke!

--*--*--*--*--*--


Yun lang!


Top 10 List of Emerging Influential Blogs of 2009

5
Posted by: Klet Makulet, 5 comments

Okay. Since I don't have anything in mind to post, here are the Top 10 List of Emerging Influential Blogs of 2009.

It’s a yearly writing project by Ms Janette Toral of Influential Blogger.

These are blogs that started anytime from May 1, 2008 to the present. They are gradually gaining a considerable amount of readership and influence. They also blog for various reasons such as expression of thoughts, sharing of knowledge and insights, events reporting or coverage, and some for profit.

Here is my top ten nominees

1. Pasyalera by Icey and Wayne
2. The Struggling Blogger by Roy
3. Tales from the Mom Side by Dee
4. Writing to Exhale by Jan
5. Father Blogger by Angel
6. Kelvinonian by Kelvin
7. A walk in the dark by Luke
8. It’s all a matter of perspective, mine by Holly
9. Lifelots by Irene
10. Zorlone by Doc Z

For more information about this contest, please visit Ms. Janette Toral’s page.

This event will not be possible without thanking our sponsors:

Absolute Traders, My Brute Cheats, Business Summaries, Fitness Advantage Club, Events and Corporate Video, Events at Work, Dominguez Marketing Communications, Red Mobile, Budget hotel in Makati, Lucio C. Tan Group of Companies, and Blog4Reviews.com.


Nakakalagnat

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Walang kinalaman ang A(H1N1) dito. At lalong walang kinalaman ang kung ano pa mang mga sakit. Pero mukhang lalagnatin ako dahil nalinis ko na din sa wakas ang basurahan sa bahay--ang aking kwarto, di kasi ako sanay na malinis eh.

Pero may sikret dito eh. Pero dahil sasabihin ko kung ano yung sikret, di na siya sikret (Malamang!)



Nakatago sa cabinet lahat ng kalat!!!



Klet Makulet's Want List

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments


photo source: www.boiseweekly.com


Dapat sana ay wish list ang gagawin ko. Pero, dahil taghirap ngayon at medyo may kamahalan ang mga gusto ko, malamang ay walang mag-aaksaya ng pera para maibigay ang mga gusto ko. Pwera na lang kung dead na dead sa akin yung tao o mayaman lang talaga siya. Sosyal!

Heto ang mga gusto kong mabili ngayong taon na ito:


1. Printer

Unang-una ito sa listahan ko ngayon dahil kailangang-kailangan ko talaga ito para sa aking thesis. Mas makakatipid kasi ako kung sa akin na ang printer at gagamit na lang ako ng mga murang refill. Nakapaghanap na din ako ng kung anong klaseng printer--Epson Stylus NX300 All-in-One Printer(Print/Scan/Copy/Fax) for only $69.99. Pero dahil wala naman akong pangbabayad sa shipping, dito na lang ako sa 'Pinas bibili. Ganun din naman yun eh.

2. Digital Camera

Ayoko nung mga uber expensive na camera na akala mo photographer sa park. Una, di ko kaya ang amount at bigat nito. Ikalawa, masyadong malaki. Ikatlo, basta ayoko. Pero kung libre kong makukuha, bakit hindi? Wehehehe.

Kailangan ko lang na magkaroon ako ng sarili kong digicam para di naman ako yung hiram ng hiram sa iba. Minsan kailangan ko din mag-invest sa ilang mga kaartehang ganyan. Sayang lang kasi yung Canon na sale last summer. Nag-inarte pa kasi ako, ayun, last minute naubusan ako.

Kailangan ko lang naman ng pang-point-and-shoot para kung may magustuhan ako na lugar, itsura, at mga bagay-bagay ay may picture ako. Madadaan naman sa Photoshop ang lahat para magmukhang D40 ang gamit na camera. Sabi nga nila, it's not the camera, it's the photographer.

3. Wrist Watch
Dati kasi, nakakapagtyaga na ako sa mga second hand na relo ng kapatid o magulang ko. Syempre, wala pa akong pera na pangbili ng mga anik-anik ko sa buhay kaya tiis sa pinaglumaang gamit.

Nung gumraduate ako, isa sa regalo ko sa sarili ko ay wrist watch at syempre since regalo ko, pera ko ang ginamit ko. April 2002 pa yun, 9 years and 3 months na ang nakakalilipas at hanggang ngayon ay yun pa ding binili kong Swatch Irony (Happy Joe) ang gamit ko (parang pang-boys yata ito pero ok lang cute naman).

Pero okay lang, at least original at expensive (noong panahon na yun) ang relo ko. Yun lang ang maipagmamayabang ko hehe.


4. Cellphone

Namaalam na ako ng tuluyan kay Nokia 3650 na tumagal ng 5 years sa akin at etong si Sony Ericsson T8 ay nagpaparamdam na din na malapit na siyang kunin ni Kamatayan, makikijoin din kay Nokia 6600 (Garsh! Lahat ay lumang unit na!) Isang phone na lang ang natitira at sira pa ang keypad.

Kailangan ko muna ngayon ng cellphone na mura, yung pang-text and call lang talaga. May nakita na ako sa SM Php1,600 lang na Nokia. Di lang kasi ako marunong tumingin at baka ilang buwan lang sira na. Iipon muna din ako.

Pero nangangarap at umaasa ako na minsan makakabili din ako tulad ng iPhone masaya na ako. Ayoko ng Blackberry di ako sanay sa qwerty na keypad parang yung 3650 na nakakanginig pag baguhan, di sanay.


5. Speaker

Isang maliit na speaker para sa mp3 player ko or para sa computer ko para naman di ako nagtya-tyaga sa mahinang sounds o kaya ay ear phone. Minsan ay titingin ako sa CD-R King. Basta maganda yun tunog, okay na ako dun.


6. Lan Cable

Sabi ko nga, madalas nagtyatyaga ako sa pinaglumaan o hiram lang. Itong ginagamit kong lan cable ay hiram ko pa sa pinsan ko. Pinagtyagaan kong ayusin ang sirang cable para lang makapag-internet dito sa room ko. Mura lang naman daw yung 10 meters na cable sa CD-R King.


7. Notebook

Oo. Kalabisan nga ang bumili pa ng isang computer kung may laptop na. Pero, di ba ang sarap lang naman na may naitatago kang maliit na computer sa bag at pwedeng gamitin anytime na gugustuhin mo? Parang camera din na madaling gamitin pag kailangan mo. Laptop kasi medyo mabigat. Saka mas cute. Kahit mumurahin lang basta notebook at makakapaginternet ako masaya na ako. Hekhek.

Sana manalo din ako sa raffle tulad ng kapatid ko. (Pray ala-Santino)

8. Portable HD

Kailangan ko ito. Promise. Sa lalaki na ng mga files ngayon, kulang na ang HD para mai-save lahat ng gusto kong itabi. Kung dati, diskette lang ay kaya nang mag-store ng files na kailangan sa isang report, ngayon, 4gig na ang thumb drive, kulang pa din!

Iniisip ko lang kung WD o Seagate ba ang kukunin ko. Pero sabi nga nila Seagate na lang na 1T sobra-sobra na. Medyo mahal nga lang.




Ilan lang yan sa gusto kong mabili. Pero kung itototal ko ang gagastusin, kulang ang sampung taon para mabili ko lahat. Kaya isa-isa lang. Di rin naman masama na i-target ko siya at the end of the year. Baka lang kasi may maghimala.

Puro pangarap pa lang ang lahat ng yan. Uunahin ko muna siguro yung printer since kailangan ko na talaga yun for my research. At least isa man lang sa walo ay may natupad ako.

Kailangan ko lang ng puspusang pag-iipon mula sa napakaliit na perang natatanggap ko para maisakatuparan ang lahat ng luho ko na ito.

Ayoko namang umasa sa ginie at baka hingan ako ng isang bagay bilang kapalit tapos sa huli sasabihan lang ako na..."Ang tanda-tanda mo na, naniniwala ka pa din sa genie?!"


Blanco

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Blanko ang utak ko wala pa ding maisip na matinong ipopost for my update kung hindi ito lang. Isang entry na tungkol sa kablangkuhan ng isip.


Kung mamalasin ka nga naman, busy ka na blanko ka pa.

Kahit gusto kong magpost ng kung anu-ano eh di ko naman ma-feel kasi ang pangit naman kung masyadong trying hard. Eto di pa masyadong TH (Trying Hard nga!) Medyo lang.

Sa susunod ulit


Matrikula

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Naiintriga ako at kating-kati na sa kung anong title nung kantang paulit-ulit kong naririnig sa radyo tuwing umaga... Nasa album pala ito ni Gloc9 na Matrikula.

Nalaman ko na "Upuan" ito na kinanta ni Gloc9 feat. Jeazel of Zelle.Astig! Parang kanta ng Kamikazee sa Long Time Noisy na "Wala." May kwento, may dating at malaman.

Syempre maaaring para sa mga mayayaman ito o sa mga nasa puwesto sa gobyernong ayaw umalis sa kinaluluklukan. Sana madami pang ganitong mga klase ng kanta na di lang puro ngawa pero may kabuluhan.

Sa nais mapakinggan ang kanta...



photo source: glocnine.multiply.com


Eto ang lyrics...

UPUAN
Gloc 9 featuring: Jeanzell of Zelle
Jeazell Vocals:


Jeazell:
Kayo po na nakaupo
subukan nyo namang tumayo
baka matanaw
at baka matanaw ninyo
ang tunay na kalagayan ko

Gloc:
(ganito kasi un eh)
tao po nandyan po ba kayo sa loob
ng malaking bahay at malawak ng bakuran
mataas na pader pinapaligiran
at nakapilang mga mamahaling sasakyan
mga bantay laging bulong ng bulong
wala namang kasal pero marami ang nakabarong

lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
at ang kanin ay 'sing puti ng gatas na nasa kahon
at kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
ang sarap siguro manirahan sa bahay na ganyan

sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
na pag may pagkakatao'y pinag aagawan
kaya naman hindi nya pinakakawalan
kung makikita ko lamang sya
ay aking sisigawan

Jeazell:
Kayo po na nakaupo
subukan nyo namang tumayo
at baka matanaw
at baka matanaw ninyo
ang tunay na kalagayan ko

Gloc:
mawalang galang na po
sa taong nakaupo
alam nyo bang pagtakal ng bigas namin
ay di puno

ang dingding ng bahay namin
ay pinagtag-tagping yero
sa gabi ay sobrang init
na tumutunaw ng yelo

na di kayang bilihin
pag niligay sa inumin
pinakulung tubig sa
lumang takuring uling-uling

gamit na pangatong
na inanod lamang sa estero
na nagsisilbing kusina
sa umaga ay aking banyo

ang aking ina'y na ma'y
kayamanang isang kaldero
na nagagamit lang
pag ang aking ama ay sumweldo

pero kulang na kulang parin
ulam na tuyo't asin
an sikwenta pesos
sa maghapo'y pagkakasyahin

di ko alam kung talagang maraming harang
o mataas lang ang bakod
o nagbubulag-bulagan lamang po kayo
kahit sa dami ng pera nyo
walang duktor na makapagpapalinaw ng mata nyo
kaya

Jeazell:
Wag ka masyadong halata
bato bato sa langit
ang matamaa'y wag magalit
bato bato bato sa langit
ang matamaan ay
wag masyadong halata
wag kang masyadong halata

wag kang masyadong halata
wag kang masyadong halata
wag kang masyadong halata...

Jeazell Vocals.... until fade...


Isa pang nagustuhan ko dito sa album na ito ay ang "Bayad Ko" feat. Noel Cabangon na nagpasikat ng kantang "Kanlungan".

Galing!


Internet Addiction

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Ang sabi nila, ang ADDICTION daw ay isang obsessive-compulsive disorder. Naoobsess ka sa isang bagay at di mo mapigilang gawin nang paulit-ulit hanggang maging dependent ka na dun psychologically and physically habit-forming.

Maraming klase ng addiction at ilan dito ang pagiging adik sa shopping, food, gambling, sex, alcohol, porn, shoplifting, at internet addiction na hanggang ngayon ay pinagdedebatehan pa kung ito nga ba ay ihahanay sa mga psychological disorders na nakatala sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders o DSM IV.


photo source: seedpublishers.com


Ang internet addiction din ay maraming klase tulad ng addiction sa online games, ebay, blogging, forum, cybersex, porn, social networking (friendster, myspace, multiply, facebook, etc.)chatting or instant messaging, atbp.

Maaaring ang ilan ay di aamin na sila ay adik. Malalaman na lang nila at matatanggap ang katotohanan pagkatapos nilang maka-get over sa adiksyon.

Adik ka ba? Gusto mo bang malaman kung adik ka nga? Try mo itong Internet Addiction Test (IAT) at alamin kung gaano ka na ba ka-hook sa internet.



Tinatamad ako

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ang katamaran ay dagling lumukob sa aking katauhan kaya't ang kakulitang di nakikita ay malabo nang magpakita.

Ang mga kaisipan ay patuloy na dumadaloy ngunit ang katawan ko'y parang ayaw pang magpatuloy.

Paumanhin kung may nabibitin, paumanhin 'pagkat minsa'y tinatamad din.

Tinatamad ako. Bow!


Minsan talaga dumadating ang panahon na tatamadin ka kahit na may maiuupdate ka. Pinapalipas lang naman ito tapos ayun, sipag na ulit. Mukha ngang hindi na ako tinatamad kasi nag-update na ako :P


Del Monte Fit 'n Right

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

May mga ideas pero kulang sa facts. Masamang magkunwaring may alam. Pero ishe-share ko na din.

Habang naglilibot ako sa SM Supermarket, patingin-tingin ako sa presyo at sa calories ng mga pagkain. Syempre patingin-tingin. Painspect-inspect. Ilalagay sa basket at pag di swak sa budget ay ibabalik sa shelves.

Isa sa nakakuha ng pansin ko ay ang Del Monte Fit 'n Right.


Eto ang mga bagay na napansin ko at gustong i-share:

  1. Bukod sa 300mg ng L-Carnitine and B Vitamins 1, 6, and 1, ito ay may mababang calories PERO iba-iba ang number of calories per flavor.
  2. Ang Pineapple ang may pinakamataas na calorie content per serving at ito ay 100 calories.
  3. Ang iba ay (kung di ako nagkakamali) may 80 to 90 calories depende nga sa flavor. Ang pinakamababa ay ang bago nilang flavor na kulay violet ata yun (puro yata wehekhek!).
  4. Ang nakalagay sa packaging ibang flavor, lalo na ang mga naunang flavors like Pineapple, ay "with L-Carnitine that helps burn fat" pero sa iba, ay may naidagdag na word at ang nakalagay ay: "with L-Carnitine that MAY help burn fat."
  5. Kailangan mong magexercise para maging fit ka. Dahil kung laklak ka lang ng laklak ng fit 'n right, malamang walang mangyayari sayong himala.
  6. 3x a day ang recommended intake nito. Ibig sabihin, gagastos ka ng malaki para pumayat!
Ayun lang! Try ko balikan yung bagong flavor at nang maging matino naman yung info na binigay ko. Adios!


Matagal, mabagal at magulo

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Kung hindi ko lang talaga kailangan ang magtapos ng pag-aaral, sana, hindi na ako nagtyatyaga sa school na pinapasukan ko ngayon.

Para lang makapag-enroll ka, kailangan na lumipat lipat ka sa iba't ibang windows na halos iisa lang din naman ang nagrereceive ng papers mo.

example:

Staff1: Sa window no. 21

Student: (lipat sa window no. 21 at si Staff1 din ang tumanggap)

Staff1: (may babasahin. may ibang uunahing gawin. pipirma. tatak.)

Student: Sir yung paper ko po?

Staff1: Alin yun?

Student: Yun pong inabot ko sa inyo kanina para po mageenroll

Staff1: (hahanapin ang papel. Iikot sa kabilang table. papasok sa isang booth. kakausapin mula doon sa booth ang katabi nya kanina sa table nya. Ikot. Ikot) Sa Window no. 1

Student: (punta sa window no. 1. Abot ng papers kay Staff1 na pinirmahan ni Staff1)

Staff2: (may kung anong itinype sa computer. Nagsulat sa papel. calculator. sulat ulit) 5,000 pesos

Student: (nagabot ng bayad)

Staff2: Window no. 10

Student: (punta naman sa window no. 10)

Staff2: (inabot ang resibo with his pirma and all)



Grabeh! Babayad lang ang dami-daming dinadaanan at pinupuntahan! Ang tagal! Ang bagal! Ang gulo!

Kanina nga lang may isang estudyante na nagulat sa kanyang babayadan. Dapat daw ay 4,500 pesos lang ang babayadan nya pero biglang nadagdagan nang halos 1,000 pesosesoses. Paikot-ikot lang yung staff at babalik sa estudyante at magbibigay ng reason na di makatotohanan. New student daw kasi siya kaya may dagdag. What?! Okay, ipagpalagat nang new student. Para ano yun? Kahit nga kami last time, kahit old student kami biglang new student daw kami kaya mas malaki ang bayad namin. Tapos kahuli-hulihan ang dinahilan nila ay late daw kami nag-enroll. 750 pesos din ang nawala sa amin nun!

Ganyan din kapag magrerequest ng mga credentials tulad ng Transcript or copy of grades o kaya kahit evaluation. Paaabutin pa ng 3 linggo minsan lampas pa ng isang buwan dahil di nila agad naaasikaso. Pag bumalik ka sa binigay nilang date, saka lang nila gagawin ang trabaho. Magtatype. Magpapapirma. Magsiseal. Ang masama pa, wala ang signatory!

Kadalasan, kapag lalapit ka sa window nila ay parang mga bingi na di ka papansinin kahit tinawag mo na ang kanilang pansin. Kunwari busy-busyhan ang effect. Nakatutok sa ginagawa nila kahit dapat ay inuuna nila ang mga client nila. Kulang ang kalahating araw para sa isang simpleng bagay na wala namang pila. As in ikaw lang ang client pero parang ang daming inaasikasong tao.

Eto ang matindi! Ang mahal na nga ng tuition fee dagdag mo pa ang pagkaginto-gintong miscellaneous fee na ang pangit naman ng service tapos andami pang extra na babayadan. Ngayon lang ako nakaranas na nag-thethesis na may bayad ang panelist at adviser kahit sa undergraduate lang! Pati statistician ay ginto ang bayad! Que Barbaridad!

Tapos, makikita mo na lang na ang kanilang facilities at services ay di man lang maayos at kapaki-pakinabang. Library na nga lang nila parang mall sa laki pero ilang area lang naman ang may laman. At eto pa ha. Library na may nagseseminar! Paano kang makakapagfocus sa binabasa mo o iniisip mo kung ang library na dapat ay tahimik ay merong seminar na pagkalakas-lakas ng speaker na parang wala ka talaga sa library nila.

Kapag naman sa klase. Ni hindi mo mahanap ang professor mo dahil ang dami-dami niyang sideline. Dean ng ganito. Officer ng ganito. Principal ng ganito. Presidente sa ganito. May pinuntahang ganito. Hanuba!!!!

Maaaring sasabihin sa akin na bakit ako nagtyatyaga. Dahil itong school lang naman na ito ang nag-ooffer ng course na kailangan ko. Dito ko din kasi ako nagsimula. Sayang ang tuition ko noon. Di naman ako sustentado ng magulang ko o nang kung sino man. Isa pa, ito lang ang malapit. Kaya ang magagawa ko na lang ay ang magtiis at magreklamo sa blog na ito.

Pagkadami-daming kaekekan!

Clue: Itong school na ito ay may pangalan ng dating presidente ng Pilipinas at dating gobernador ng isang probinsya. Kung di nyo kilala, wag nang alamin wala din namang kwenta!


Baby is now OK

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Sa wakas! Narelease na din si Baby Mav (my brother's baby boy)! After 6 days of confinement. Grabe!

Tomorrow he is scheduled for "suob" or "tawas" kasi daw baka may kung anong nakabati/galaw sa kanya. Lam nyo naman ang mga Pinoy but I think wala naman mawawala kung idadaan si MAv sa ganun since madami na ding instances na gumagaling yung ibang mga kakilala namin na super critical sa ospital pero nagagamot ng faith healing.

Sana nga ay tuloy-tuloy na ang paggaling nya. According kasi dun sa doctor na tumingin, Steven Johnsons daw yun... pero mukhang di naman ganun kalala. Since there are some symptoms that are not present and syempre yung itsura sa mga nareresearch namin is not the same as what appeared to baby's skin.


Yung naunang nabanggit ng doctor is Angioneurotic Edema, yun ang medyo kapareho pa ng symptoms and itsura. Ipinipilit na SJ yung sakit, muntik pa tuloy di macover ng Maxicare yung bill ng bata.

Gandang tulong na din talaga ang mga health cards dahil sa mga ganitong panahon ay ang laki ng natitipid. Imagine, sa halip na 24k ang bill, 2,250 na lang. Galing!

Bukas malalaman talaga namin kung may masamang hangin na naging dahilan ng sakit ng bata. Very sudden kasi eh. And the doctor looks like she's not sure about her diagnosis.

Than you po Lord ok na si Mav.


Busy with Error

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Okay, first buhay pa ako. Hindi ako nawala pero lumampas ako sa bababaan ko sa bus. Mahirap kasi pag nabibingi dahil sa lech na earphone na yan. Di ko narinig na Magallanes na pala. Pero di ko din kasi alam na dun din ang Mantrade. Akala ko kasi magkaiba sila. Bano!

Napagod ako pero enjoy. Salamat ng marami sa mga nameet ko ulit at planong mameet ulit sa susunod na pagkikita. Sana nga dito naman kasi unfair na (hmp!) kayo naman ang bumyahe ulit at papaakyatin ko kayo sa grotto dali!!!!


Busy ako sa work. Since bagong career nga di ba? Then medyo tinutulungan ko pa yung pumalit sa akin at kailangan pa niya ng ibayong supervision. Tinatapos ko pa din yung mga progress report. Malapit na. Isa na lang. At marami pang isusunod.


Mag-uupdate sana ako. Kaya lang etong si Blogger eh laging error. Ang tawag daw sa error na ito ay bX-xovb7t. At isang napaka-henyong tao na siguro ay adik sa blogging ang nakakuha ng kasagutan. Ang pangalan nya ay si Anwarblog at heto ang link ng problema naming lahat CLICK!. Alisin lang daw yung post template sa Settings/Format at presto! makakapagpost na. At heto nga at nakakapagpost na ako. Di ko lang alam kung maisusubmit ko ito hehehehe.

Balik sa EB... Konti lang ang nagastos ko. Libre ang lunch at dinner ko pati pamasahe pabalik. Salamat sa lahat! Enjoy at masaya ako. :P

Namiss ko to!

Sa uulitin!


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com