this on Facebook!

Gray hair

Posted by: Klet Makulet,

Ilang taon na ba ang lumipas? Noon ako ay napakasipag pa na magpost at makipag-kulitan sa mga bumibisita sa aking blog. Halos hindi na din nadadaanan itong munti kong paraiso.



2015 pa yung huli kong post na medyo may karimarimarim pang tagpo dahil sa katulong namin na nalaman namin na hitad pala talaga. Naawa pa kami yun pala ay sumama ng kusa sa lalaking kapitbahay namin. Pero magmomove-on na ako dun dahil tinubuan na ako ng madaming puting hibla ng buhok sa iba't ibang parte ng katawan ko.

Tumatanda na nga ako. Halos marami nang nagbago.

Nung nagsisimula pa lang ako sa pagboblog ay kalahati pa lang ng aking size ng katawan ngayon ang katawan ko noon. Kung 25 ang bewang ko noon, salamat sa Diyos at di pa naman 50 ngayon hahahah 40 lang (keber!) Hindi na din ako kasing kulit tulad ng dati. Mas masungit pa nga ngayon.

May asawa na din ako at wala pa ding anak pero di yun ang kwento.

Sabi nga sa kanta "tatanda at lilipas din ako" pero may blog ako na iiwanan. Isang blog na wala kang matututunan kundi puro kabulastugan hahahaha.

Naalala ko lang bumisita at chumika kaya nagpost ako.

Kung tutuusin wala pa ding kwenta ang post na to. Lelz!


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com