this on Facebook!

Weekend of misadventures

Posted by: Klet Makulet,

Napapamura ako sa isip dahil sa mga nagyari sa akin nung Sabado at Linggo. Hindi ko akalain kasi na yung magandang plano ay magiging magulo. Pero may good part din naman. Heto ang mga nangyari:



Saturday Morning..
As usual, di nanaman ako nakatulog dahil gumawa ako ng assignment ko na isa-submit ko sa unang subject ko ng Sabado. Sandamakmak na libro ang inuwi ko at nagtyagang magbasa at paganahin ang maliit kong utak para mag-isip. In fairness, 10 pages ang nagawa ko (isama mo na ang front page saka yung references).

Naligo na ako ng alas-tres at sumakay na ng bus papuntang kabihasnan (kabihasnan daw o!) Opo bumababa ako ng bundok para mag-aral. Pagkakuhang-pagkakuha ng bayad ko ni Manong Kundoktor, sleeping beauty na ako. Nagising lang ako dahil nauubo na ako (malapit na sa Manila yun) pumikit ako ng kaunti at Manila na.

Naiihi na ako nun pero pinigil ko (remember, magaling ako sa pigilan) naisip ko, sa school na lang para di na ako magbabayad ng limang piso at saka di na ako makikipagpatintero kay kamatayan sa pagtawid. To make the story short, sumakay ako ng LRT 1 and 2 at naglakad ng konti papuntang PUP at nag-aral.

Tinipid ko ang sarili ko dahil may lakwatsa ako ng gabi baka kulangin. Atat na akong mag-alas singko. Gusto ko nang pumarty-party.

Last subject ko na. Kitikitext na ang mga tropang adik. Wala pang 5pm ay pinalayas na kami ng prof namin.


Ang simula ang sumpa...

Confident akong sumakay ng LRT papuntang Cubao. Sabi ko, alam ko pa ang pasukut-sikot papunta ng Mega Mall (kung saan kami magkikita-kita) dahil dati kong ruta yun nung call-girl pa ako. Pero pagdating ko sa Araneta Center Cubao, nagsimula na ang misadventures ko.

Bukod sa malabo ang mata ko, tanga din ako pagdating sa mga direksyon. Pagpasok ko ng mall, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kakanan ba o kakaliwa. At kahit nakakahiya, nagtanong na ako sa mga naghaharutang mga lalake sa isang tindahan. Dun sa tinuro nila, nawala pa din ako (hindi na ako nagtanong).

Pagkatapos ng halos kalahating oras na umikut-ikot sa mall, nakita ko ang isang pila. Nakipila ako kahit di ko sure kung papuntang MRT station yun. Ilang minuto din yun.

Sa wakas, nakabili na ako ng ticket papuntang Ortigas (kahit ang sabi sa akin ng kasama ko ay sa Shaw daw ako bumaba). Pagpasok ko sa station, may dalawang hagdan: ang isa ay may nakalagay na "to Taft" at yung isa ay walang sign. Ako si tanga, di ko muna binasang mabuti ang nakalagay sa likod ng card, nagdecide ako na umakyat sa hagdan na walang sign. Nakisiksik sa tren. At nalaman kong papunta palang kabilang dulo ang nasakyan ko.

Para akong nag-exercise papuntang kabilang lane. Bumili ulit ng card. At matiwasay na nakasakay papuntang Ortigas. Pagdating dun, meron nanaman akong problema. Hindi ko alam kung saang parte ng station ang Mega Mall puro billboard lang kasi ang nakikita ko. Nakailang beses akong bumalik-balik hanggang nanghula na lang ako at nagdasal sana tama ang ginawa ko.

Ilang kilo din ng taba ang nawala sa akin. Sa Food Court kami nagkita-kita. Ginamit ko ang aking malabong mata para isa-isahin ang mga pagmumukha ng mga tao dun. Halos 7 na siguro akong nakarating sa tagpuan. 5:00 pm ang usapan. Halos 2 hours pala akong nawawala. Parang tanga lang.

May good points naman. May bago akong na-meet, si Grace ang babaeng hindi ko alam kung paano napasagot ni Estong (baka ginayuma o nagmakaawa para magka-GF lang heheh joke lang!) Lahat sila naka-eyeglasses pinipilit nila akong maki-join (may salamin din kasi ako pero ayokong magpa-uto. Isa pang magandang nangyari ay nalibre kami ni Estong sa Kenny Roger's Roasters at binigyan nya kami ng sokolet (Tobleron) Salamat nga pala Estong ha! Sa uulitin!

Kaunting segway sa kwento. Mineet ko ang mga kaibigan ko sa isang forum na ang tawag ay Mukamo (Ang sarap kaya, try nyo!) Hindi na nga lang ako ganun ka-active dahil marami akong pinagkakaabalahan. Ang mga mineet ko ay sina Uno, Darkstone, Grace24 at si Liberty. Hindi dumating ang mga sumusunod na sinugnaling: Madhouse, esorannod, at Ilyn. May mga ininvite din kami na di na nagparamdam at di ko na sasabihin at baka ako pa ang sisihin.

Balik tayo sa kasawiang palad. Katakawan ko, di ko inunti-unti ang kain ko, kya hinangin ang tyan ko. Sumakit. Hinala ko, hindi taos sa puso ni Estong ang panlilibre (peace!)

Natapos ang paglafang, napagpasyahang umuwi na ang bawat isa dahil may kanya-kanya pa kaming plano sa buhay. Ako naman, biglang pinilit ng nanay ko na makitulog sa bahay ng asawa ng kapatid ko. Sira ang plano ko.

Mabuti ang puso nina Grace 24 at Liberty na sabayan ako papuntang Glorietta. Hinatid ako ni Grace 24 sa mismong tagpuan namin ng kapatid ko at ng asawa nya. Nahahalata ang pagiging taong bundok ko dahil tatanga-tanga nga ako. Pinapauwi ko na si Grace dahil akala ko yun na mismo ang pupuntahan ko, hindi pa pala. Kung nilayasan nya na ako, malamang umaatikabong walaan nanaman ang nangyari sa akin. Baka marinig na lang ng kapatid ko na tinatawagan ang pansin nila sa information. "Calling the attention of Erick and Karen, your sister wearing nothing is here at the information center. please get her now or we will dispose her after 5 seconds" Ang saklap nun!

Bumili ako ng twister fries at Coke sa Mcdo na hindi ko nakain. Lumala ang ubo ko. 11pm na kami nakauwi ng bahay dahil nagshopping pa yung dalawa( huhuhu bawal magreklamo kaya sumusunod lang ako) Mga 12 na halos kami nakatulog dahil nilinis pa yung hihigaan ko.

Part 2 ng kasawian... (Medyo light na lang)
Mga 3 am gising na kami. 4am daw kami aalis. Di ako naka-jebs tinatakot kasi nila ako na mahirap mag-flush at marami pang seremonyas ang gagawin bago jumebs. Mabilis akong naligo, walang kuskusan. Nagbuhos na lang ako ng nagbuhos ng tubog hanggang maginhawahan ang pakiramdam ko. Nagbihis ako ng nakabukas ang pinto buti at may dala akong tapis.

8:00 ng umaga ang oras ng klase ko at 4:30 am pa lang ay naghiwalay na kami ng kapatid ko babalik na daw sya sa kabundukan. Wala pang LRT noon. Wala akong alam na gagawin.Lumulutang ang utak ko dahil konti lang ang tulog ko. Ni hindi ko nabawi ang di ko pagtulog nung Friday ng gabi.

Nakita ko ang Lugaw Express na tinubigan lang yata ang lugaw nila. Binagalan ko na lang ang kain ko, Mga lampas kalahating oras kong hinahalo-halo yung lugaw hanggang lumamig. Hirap din akong gumalaw dahil dalawang malaking bag ang dala-dala ko.

Mga 5:00 narinig ko na ang ingay ng LRT. Saka ko lang nilubayan ang lugaw na di ko pa nauubos. Yung lakad ko dati na mabilis, ngayon ay parang lakad pagong. Kailangan kong matagalan dahil wala naman akong alam na pupuntahan. Isang hakbang ay inaabot ng ilang segundo... parang may sakit lang. Kung pwedeng magbasa ng mga nakapost sa ding-ding talagang binabasa ko. Kunwari interesado ako. Hindi ako agad sumasakay ng LRT, pinapalampas ko yung isa tapos sa kasunod ako sasakay. Balak ko nga paaabutin ko ang stay ko sa LRT hanggang dulo tapos babalik ako. Kaso sayang ang pera.

6:00 a.m. Nasa Pureza na ako. Mabagal pa din ang lakad ko. Tumambay ako sa Mini Stop. Pati pagpili ng pagkain ay tinagalan ko din mukhang shoplifter lang ako nun.Yung kape at hotdog sandwich ay kinain ko ng halos isang oras.

7:00, ako ang unang estudyante dun sa school. Balak ko sanang mag-CR kaso baka may mumu pa ng oras na yun kaya pinalipas ko muna ang oras ko sa pagtatype ng ilalagay ko sana sa blog ko. Kaso di ko rin naman nagamit ngayon dhail eto na nga ang ipopost ko.

Pinalayas na kami ng teacher namin ng 10 am. Naghintay ako sa boyfriend ko until 1am (dahil may trabaho pa sya) 2 oras akong palakad-lakad at isang oras akong kumain ng tanghalian. Pinagod lang naman nya (boyfriend) ako sa paglalakad sa Glorietta.nag-usapa ng mga walang kwentang bagay tapos sabi ko uuwi na ako sa bundok at inaantok na ako. Bumili lang kami ng cough syrup tapos hinatid na nya ako.

Nilaklak ko yung cough syrup. Di ko napansin, halos nkalahati ko pala yung isang boteng maliit. Nagka-cramps yung sikmura ko at unti-unting nanikip ang paghnga ko ko tapos parang hirap din ang puso ko sa pagtibok... kinalma ko ang sarili ko. Buti na lang buhay pa ako.

Bawat ubo, umiinom ako ng tubig. Wala pang kalahati yung byahe, naiihi na ako. Buti nakaabot pa sa bahay yung wiwi.

Pagkakain ko, natulog na ako. Mula 7 kagabi until 8 am kanina ang tulog ko.

Pasensya na ang haba ng kwentong walang kwenta. Tata!


10
medyo mahina rin ako sa direksyon, pero hindi ako nahihiya magtanong. wala namang mawawala, malay ba nila kung taga-saan ako. XD

inaabangan ko mangyayari sa jebs mo, haha, akala ko kasi majejebs ka habang nasa daan/labas dahil hindi ka nakajebs nung umaga. (ito talaga ang inabangan ko, kaya lang wala, sayang. pfft. LOL) XD
@Yffar naku ever ready na ako dyan. Since malayo ako sa bahay, lagi akong may dalang gamot sa sakit ng tyan. Hayaan mo pag meron, ikukwento ko ahahahah
Ahhhmm, basta ako, kahit magkanda-ligaw na sa daan, never ako magtatanong! hahaha.. Kunyari alam ko yung lugar na pupuntahan ko! LOL...
@iprovoked ang hirap naman nun! Baka kung saan na ako mapadpad nun. Pero mas madalas nagtatanong ako sa kakilala ko nagtetext ako o tumatawag. Kaso that time, takot akong maglabas ng phone kong Jurassic.
Nakaka-frustrate kaya maligaw, nangyari na yun sa akin at naluluha na ako gusto ko na lang tumakbo sa street at magpasagasa...
naks, nakipag eb pa. next time dala ka kasi ng map. hehe
@glentot marami akong kwento na nawala ako. As in! Nakakaiyak talaga lalo na kung parang pakiramdam mo ay sinasadya nung nagutos sayo na pumunta dun na mawala ka hehehe
@kwentong balentong - wala sigurong magagawa ang map kung nasa loob ako ng Araneta Center Cubao at nawawala ako mismo sa loob ng mall at kung di ko rin alam kung alin ang papunta ng north at south hehehehepasensya promdi eh
off topic klet: nitatamad kasi ako magcompose ng email. kung ok lang sayo sa january na lang ang lunch at puno na ang kalendaryo ko for december. :(
ako na ang sinungaling. pero mahal talaga kita. promise.
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com