Hulaan nyo kung ano naman ang sakit ko ngayon. Di ba obvious sa title?
After the mute mode, maingay na ako ngayon dahil tinalo ko pa ang aso namin sa kakatahol. Yes! May ubo ako pero awa ni Lord di ko pa kailangan ng cable o antenna para makapanood. Ganito ata talaga pag sobrang stressed and busy (naks)
Busy nga ako pero nakakapag-blog pa ako. Nakakasilip sa Facebook at kung anu-ano pa. Sa sobrang busy ko, bukas ay makikipagkita ako sa mga online friends ko sa Mega Mall (dahil yun ang malapit na lugar sa lahat) sana lang maging masaya dahil kung hindi, magwowalk-out ako (joke!)
Speaking of Facebook, parang dumadami yata ang nag-aadd sa akin. Feeling sikat lang hehehehe.
At dahil feeling sikat ako, napapansin ko di na nilalangaw masyado ang blog ko, minsan na lang. Salamat sa napapasilip. Sana pagpalain kayo ni Lord. (Gaya-gaya lang sa post ng iba nakiki-thank you. Pero seryoso, SALAMAT.)
Bukas ay bababa nanaman ako sa bundok ng Tralala para makadaupang palad ang mga tao sa lungsod. Magsheshave na ako ng mga bala-balahibo ko sa katawan para di naman ako mukhang Ungta (Uyy! Nanonood ng Isla Noah!) Sana lang bukas ay di sayang ang effort ko, balita ko kasi nagrarally daw sa Mendiola, baka apektado ang aking pagpapakadalubhasa.
Teka may assignment pa nga pala ako. Bye na muna!!!
Pahabol: Isa sa mga ayokong epekto ng ubo ay yung di mapigilang wiwi dahil sa tindi ng pag-ubo. Kaya dapat laging walang laman ang pantog dahil kung hindi, mamamanghi ako nito Waaaaa!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
November 27, 2010 at 12:12 AM
paggaling ng ubo mo, kainan mo agad ng ice cream - reward mo sa sarili mo, pero wag sosobra kung ayaw mong ubuhin ulit. XD
November 27, 2010 at 3:02 AM
Nagsoftdrinks ako kahapon at kanina... karma na siguro kaya lumala yung ubo hehehe salamat po.
November 29, 2010 at 3:19 AM
November 29, 2010 at 10:04 AM
Post a Comment