Sa totoo lang, ang ipopost ko sana ay ang blog ko tungkol kay Manny Pacquaio dahil kakatapos ko lang makapanood ng libre online. Pero biglang may kung anong humihila sa akin para i-check ang aking dashboard at tingnan ang mga iniistalk kong bloggers.
Una kong sinilip ang blog ni Kuya Gillboard sa kanyang "Limang Taon" at syempre binasa ko siya at ninamnam ang kanyang post dahil nakakarelate ako sa kanya kaya nga madalas ko siyang bosohan.
Nagblush ako sa pagkakabasa ko ng pangalan ko sa post nya. Parang isang artista ang bumanggit ng pangalan ko at nakapansin sa akin. Sa totoo lang, masaya ako na may nakakarecognize sa simpleng pangboboso ko. Although malaki ako sa size, sa blogosperyo ay napakaliit ko lang kumpara sa mga sikat na bloggers di ba? Kaya sobrang natuwa ako na mapasama sa pinapasalamatan ni Kuya Gillboard. Thank you din.
Isa pang nagpataba sa mataba ko nang puso ay ang pagkapanalo ko ng FREE LUNCH! Siguro naawa siya sa akin dahil kinarir ko ang pagsagot hahahaha. Lampas isa kasi ang pinost ko at nagkamali pa ako ng ginamit kong google account dun sa isa sa sobrang pangangarir.
Aaminin ko, taga bundok ako pero pipilitin ko na makapunta sa i-seset na date ni Kuya Gillboard. Bagay na bagay sa akin yung napanalunan ko dahil matakaw ako hahaha joke (baka matakot bigla si Kua Gillboard na ilibre ako.) Kahit Jollibee lang okay na ako. Kailangan ko nga lang ng tutulong sa akin para di ako maligaw kasi nga di ako marunong sa pasikot-sikot sa kalakhang Maynila.
Siguro ang mapansin ako ay panalo na ako. Isasangat ko na din na panalo si Manny Pacquiao sa laban nila ni Margarito. ika-walong title na niya ito. (galing sumingit di ba? heheh.)
Muli, maraming, maraming salamat po at happy anniversary sa blog!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
November 14, 2010 at 2:54 PM
November 14, 2010 at 3:00 PM
November 14, 2010 at 5:11 PM
November 14, 2010 at 9:40 PM
November 15, 2010 at 11:35 AM
November 16, 2010 at 1:39 AM
November 16, 2010 at 2:35 AM
November 16, 2010 at 2:52 PM
@Glentot namotivate ako sa comment mo dati hehehehe
@iprovoked naku blush blush nanaman si me. hehehehe mabuhay ng mga Pinoy bloggers! althought di ko make-claim na nakakapagpromote ako ng magagandang post wheheheh ...salamat sa lahat. :P
November 16, 2010 at 4:02 PM
November 16, 2010 at 5:38 PM
Post a Comment