this on Facebook!

Mute mode ako ngayon

Posted by: Klet Makulet,

Ma'am di po ako makakapasok kasi po masama ang pakiramdam ko...wala po akong boses ngayon. 

Text ko yan sa aking boss, amo, chief. Ineenjoy ko ang aking sick-leave ngayon.

Teka kilala nyo ba si Renz Verano? E si Michael Bolton? E yung mga punkistang sumisigaw na parang galit na tigre? Ganun ang boses ko ngayon. Kanina, wala. Para akong isa sa Bee Gees na nakiki-halinghing dahil walang boses (walastik sa mga example puro pangmatanda).



Nung isang-isang linggo, may tonsilitis ako dahil sa katakawan sa malamig na tubig. Di kinaya ni tonsil at nagalit, namula at namaga. Ganito din yung nangyari last month. Lumaklak na ako ng sangkatutak na antibiotic pero eto pa din.

Ngayon naman, nasobrahan sa kadaldalan. Nagasgas ang lalamunan ko na very sensitive kaya eto boses matanda na huhuhu. May concert pa naman ako bukas pano ko matatalo si Regine Velasquez nyan (joke!).

Kelangan ko ng voice pero hindi yung crackers.

Hay... bawal na ang matatamis. Bawal na din ang malalamig.

Ang nanay ko naman na adik tumawag pa talaga sa phone ko at di na lang nagtext. Alam naman nyang wala akong boses pero kinakausap pa ako sa phone. Ako naman si tanga, sinagot!

Tsukurimashou Tsukurimashou Sate Sate Na Ni Ga De kiru Ka Naa (ring tone ko hekhek)

Klet: Mmm (gusto kong iparating na wala pa din akong boses)

Mama: Masakit pa ba llamunan mo?

Klet: Mmmm (obvious ba?)

Mama: Mag-luya ka

Klet: (medyo nakulitan na kaya sumagot na ako using my husky voice kasing husky ng coconut husk) Ayoko po sinusuka ko din.

Mama: Maganda nga yun...

Klet: Maanghang kaya!

Mama: Uubuhin ka naman pag nag-kalamansi ka

Klet: ayoko po

Mama: Marami tayong kalamansi (ayaw paawat) Iihaw mo tapos ipatak mo sa lalamunan mo.

Klet: Nyahh! Anuba? Kung anu-ano pinagagawa sa akin...

Mama: (LOL sa kabilang linya parang nakakaloko) E yun ginagawa ni Lola mo sa akin noon.

Klet: Weh ikaw yun. Ayoko nga po.

Mama: Alam ko na!

Klet: Ano?

Mama: Ice cream tayo...tapos halo-halo sa Chowking... tapos ...tapos...

Klet: Ayaw nyo akong papasukin bukas? E di lalo na akong nawalan ng boses...

Mama: (tumatawa nanaman na parang baliw sa kabilang linya... nananadya) Pabili ka na lang sa kuya mo ng lozenges o kaya Pei Pak Wa.

Klet: AYAW!

Napakamaalalahanin ng nanay ko pero parang sablay kung magbigay ng mga ipapayong gamot. Buong araw akong nananahimik dito sa bahay. Buti na lang at di ako pumasok dahil kung hindi baka kahit tunog di na ako makakapag-produce ngayon. Gasgas na gasgas na lalamunan ko kasi kakadaldal.

Sana lang bukas may boses na ako kasi kailangan ko talaga nito. Barker pa naman ako sa terminal ng jeep baka masisante na ako ng amo ko.



8
ako nalang sasama sa nanay mo para mag ice cream tapos halo-halo sa chowking. XD

sana ay gumaling na ang lalamunan mo.

saang terminal ka nagtatrabaho? barker din kasi ako dati. XD
@Yffar - hahaha tapos iinggitin ako. Parang kanina, kumakain siya ng Oishi na maanghang di naman pwede sakin pero inaalok ako nakakaloko talaga.

Salamat! Sana nga gumaling na to kasi mawawalan ako ng trabaho hehehe

Ah eh dyan lang sa tabi-tabi (di ko masabi kasi illegal wahehehe)
Yan ang hindi ko pa natry sa buong buhay ko at parang gusto ko matry one time hehehe...
wow. ba't ang ganda ng page mo?
hehehe. ang hirap tlga pag my tonsil. naransan ko na rin yan eh...
Yffar pwed ba isama nyo na rin ako.. hihihi..
mas mganda ksi pag marami.LOLOLOLOLOLOL
@glentot -- ang alin ang di mo natatry pa? ang di magsalita? o yung mga gamot na sinasuggest ng nanay ko?

@Ester Yaje -- ah eh salamat sa dryicons sila ang gumawa po nito :P

@athena -- weheheh sabay nakisama. Oo sobrang hirap pag may tonsilitis pero ngayon ay kasama na yung may gasgas ang lalamunan dahil sa kadaldalan.
Ako nga rin masakit lalamunan ko... me tonsilitis dn ako... makapagluya nga...
@Dorm Boy ... sana wag mo ako sisihin pag naanghangan ka wehehehhe
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com