this on Facebook!

Anniversary?

Posted by: Klet Makulet,

Napapaisip ako everytime na may nagpopost tungkol sa anniversary o birthday ng kani-kanilang mga blog. Kelan nga ba ang Bertdey ni Klet Makulet?



Sinilip ko yung subscription ko ng domain ng kletmakulet.com at November 27 2008 pa pala ito. April naman yung una kong post. Bata pa kung tutuusin kumpara sa mga bigating bloggers out there (yes, English!) Pero kelan nga ba ako nagsimulang mag-blog? Napost ko na yata ito noon. Ikukwento ko pa ba? Pilitin mo muna ako! (after 1 second) Sige na nga! Kukuwento ko na! (Papilit pa eh no?!)

Di pa yata uso ang Friendster noon sa Pinas o di pa ito sikat, mga 2003 or 2004 ay nagboblog na ako. di pa naman ako matanda pero maaga lang akong natutong magblog. At tulad ng dati, ganun pa din ako, walang kwenta. Basta kung anu-ano lang. Di pa ako marunong mag-forum noon kaya online journal na ang kinakarir ko.

Nagboblog ako noon una dahil ininvite ako ng friend ko na mag-online journal na lang; ikalawa, ayoko nang nakakalat ang mga diaries (oo nagdidiary ako may angal?) ko at nabubuklat ng mahal kong nanay na kutkutera; ikatlo, para kunwari in ako; ikaapat, para makapagtago ng sikwets online. Kamalas-malasan nga lang, may kung sinong mahadero't mahaderang nag-chuchu sa nanay ko at sinabi ang address ng blog ko (noon) at nawalan ako ng gana at natakot na din na baka mabunyag ang aking mga pinakatago-tagong dark secrets!!!

Para akong playgirl na papalit-palit ng blog. Lampas sampu na siguro ang nagawa ko. Kadalasan ay tungkol sa sarili ko (tulad nito) at yung iba naman ay mga pang-entertainment o pang charing lang. At lahat ng blog ko ay puro pseudonym ang gamit ko.

At bumalik tayo sa una kong tanong... kelan nga ba ang anniversary o birthday ng blog ko? Ang sagot? Ewan ko. baka may makatulong sa akin. Di ako makapag-decide. Siguro April na lang (di daw makapag-decide hehehe)

Wala man akong pakulo, sana may bumati din sa birthday ng blog ko. Pero matagal pa yun tapos after noon ay birthday ko naman. Saka na ako magpapaulan ng papremyo pag mayaman na si me. Sa ngayon, basa na lang muna si you. Okies?


5
Alam mo naiimagine ko ang brain activity mo habang nagsusulat ka ng blog. May boses ang utak mo na nagmomonologue. Tapos may isa pang boses, utak mo rin, na sabat nang sabat haha! Keep it up kakaaliw :)
@glentot hahahah parang baliw lang hehehe :P thank you talaga sa pagbisita palagi.
Oh well, congratulations sa anniversary ng blog mo! ang maganda dyan eh dapat nanlilibre ka para mas madami pa daw ang blessings na matanggap mo. hehehehe.. Goodluck sa'yo! :]
ei remind moh kme kapag malapit na bday nang blog moh... para mabati ka naman... akoh naman minsan eh medyo ewan lang minsan.. ni nde koh nga nacelebrate nang matino ung bdayz nang blog koh it juz turned two.... siguro sa 3rd na lang... tipong that'll be my post for a month... lolz...

akoh ren mahilig akoh sa diary... i think my first ever diary eh 4th grade eh kalerki lang kc nabasa nagn ate koh... tinapon koh tuloy un.. sayang!

pero lately eh sad nde akoh nakakapag diary kaya minsan tumatalak na lang akoh sa blog... but i miss writing on mah diary or journal... really... ung express moh lang lahat nang emotions moh w/out... shoot can't think of d' word... ahh w/ out screenin' watever u gonna say... unz...

akoh naman nde mean ang paggawa koh nang blog... meron lang akong writer na sobrang kinatuwaan koh actually naligaw ren lang akoh sa kanyah... i was juz tryin' to find a joke dat day for my friend nd lumabas ung blog nya sa result sa google... so 'unz... nd i thought i'd try to make a blog of my own kahit i'm not much of a writer tlgah... nd here... 2years after... nag-aadik pa ren once in a while...

mag-entry daw bah ditoh? lolz... eh napadaldal nd i feel like ur a good listener den naman eh... ingatz... stay makuletz...

Godbless!
@iprovoke hahaha may ganun? pag mayabang este mayaman na ako tulad ni kuya glentot at ni gillboard papaparty-party ako :P

@Dhianz weheheh okay lang yan. sarap nga magbasa ng mga comments eh. Paalala mo din sa amin ang birthday ng blog mo para greet ka din namin. Masarap talaga magdiary wag lang mababasa ng mga di dapat makabasa :P
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com