this on Facebook!

Textmate sa Landline???

Posted by: Klet Makulet,

Di ko mapigilan ang sarili ko. May tumawag dito sa bahay, sa landline namin. Ang sabi "Can you be my textmate?" WTF?!

Bago yun hello lang ako ng hello at baka kakilala ko ang nasa kabilang linya. Inulit lang nya ang tanong kaya ang sagot ko ay hindi pwede. Pinigilan pa nya ako nung ibababa ko na yung phone. Pero sorry binaba ko.

After 5 to 10 minutes, tumawag ulit. Tinatanong nya ang number ko. Ang sabi ko hindi pwede. Bakit daw. Sabi ko "Alam mo kung katextmate lang kailangan mo, magtetext ka sa kahit na anong number at may katextmate na nya yun." Di pa nakuntento kinulit pa din ako (Ako naman kasi sagot ng sagot gusto din hahaha) Sabi ko sorry may asawa na ako (wala pa syempre... wag muna) May asawa na din daw sya. Sabi ko aba masisira ang pamilya natin sabay baba ng phone.

Di ko gawain talaga ang magbaba ng phone basta kasi nga kabastusan yun kaya lang wala naman ako magawa kaya binaba ko na but di malakas kasi masakit din sa tenga yun hehehehe.

Then yung yaya ng pamangkin ko ang pinasagot ko. Binagsakan nya ng phone. Then tumawag pa ulit yung asawa naman ng kapatid ko ang pinasagot ko. Sabi ko mag-English sya. Tawa ako ng tawa kasi paos o hoarse ang boses. Tawa kami ng tawa. Alam naming nahihirapan yung guy at nahihirapan na din si ate pero nageenjoy. Napatawa nya ako...kami... at in fairness, maganda ang boses nya. Pero wala pa ding kilig factor hmp!


7
Gusto lang naman kitang makausap pero binabaan ako nung babaeng matigas ang boses, nung tumawag uli ako!

Pasensya na kung naistorbo kita!













hahahahhaha

joke lang!

ingat
Kuya Drake

Ang yaman mo naman halos mga sampung beses ka tatawag from middle east? hahahah Natuwa lang ako dun sa guy kasi uso pa pala sa kanya yun heheheheh...

Nga pala update: ayon sa yaya ng pamangkin ko nung tumawag ulit. Tinanong daw kung nakakaistorbo na sya at sinagot daw nya na "upo" (bisaya ng konti kasi kaya upo) kaya ayun sabi sige ibaba na daw nya... nahiya din si mokong :P
Wow Teng, baka secret admirer mo yun? Nyahahahaha! Nakakapikon nga yung mga ganyang klase ng tao. Lech!
Teng...

Nakow... sikret admirer ampf...

Pinapakausap ko na lang sa yaya at katulong baka sakaling magenjoy sila sa isat isa... wag lang kaming mananakawan dahil dyan :P
nakow ang saya nyan~
pag may nanggagago samin, nagpapanggap kami na punerarya tinawagan niya at nagtatanong ng mga detalye sa "bangkay" at may mga promo akong sasabihin. lols
Sinabihan mo sana mag-apply siya sa call center.. Yung pang-Oubound kasi mahilig siya magtatatatawag...

ahihihi..

Apir!!
@manik_reigun
sabi nga ng tito ko dapat daw ganun. Ganun lagi ang ginagawa nya eh. Kaso yung boses ko kasi yata pang-malaswaan hahahah joke lang boses 10yo lang daw ako eh hhihihih pwera biro. Ay malamang di ka maniwala sige joke na lang pala wahehehehhe


@Goryo
Di nga po marunong mag-english eh wahehehhe siguro pwede siyang OJT sa mga company yung taga tawag like sa SM pag merong sale wahehheeh
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com