Di pa yata nasiyahan ang Ondoy at nagtawag pa ng kakosa nyang bagyo, yung mas malakas pa sa kanya. Parang nakakaloko ah.
Sabagay, sabi nga ni Kuya Drake (blogger) wag sisihin ang isang natural na pwersa ng kalikasan. Ngunit sana naman di sabay-sabay o sunod-sunod. Papahingahin muna ang mga tao sa hirap na dinadanas. O baka ang gusto nila (ng mga bagyo kung nag-iisip man) ay isahang bagsak na lang para wala na ulit masira pang pinag-ipunang gamit.
Ngayon, sa pagdating ni typhoon Pepeng, iniisip ko ang aso ko. Di dahil sa malamang na babaha kundi alam kong mababasa siya ng ulan at matatakot din sa lakas ng hangin. Ngunit doble naman ang nararamdaman ko para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Inisip ko, paano na sila? Kaya pa ba?
Sana nga less rain itong si Pepeng... yun nga lang expect more wind daw, pano naman yun? Liliparin naman ang mga sasalantahin? Susmiyo naman! Sana mabasag ang bagyo sa pagdaan sa mga kabundukan. Sana mataas si Pepeng at di masyadong bumaba sa lupa.
Ngayon ay naririnig ko sa balita na umaapaw na ang ilang mga lawa... ayan nanaman po.
Goodbye Ondoy, hello Pepeng. Please leave us unharmed.
creepsilog
5 years ago
October 3, 2009 at 7:06 PM
October 5, 2009 at 9:18 AM
Post a Comment