Para pa rin akong inaalon. Garsh!
Az and I went to Alabat Island. Alam nyo yun? Sa Quezon Province yun.
Eto ang mapa:
Yung naka-pula sa isla ang Alabat Island. Mga isa at kalahating oras pag bumyahe gamit ang malaking bangka na may katig at isang oras naman kapag Roro ang sinakyan.
Pagdating namin sa Atimonan Port (pantalan) nanlalamig na kaming dalawa ng kasama ko dahil nakikita namin ang alon. Medyo malakas at may kalakihan. Ang paalala sa amin ng mga matatanda, wag tutuloy kapag maalon. Kaya lang sabi naman nung nasa port na natural na klase ng alon lang yun. So kahit kinakabahan ay tumuloy kami.
Heto ang itsura ng alon sa Atimonan Port:
Parang isdang patalon-talon sa tabi ng port yung mga bangka pati yung Roro (medyo maliit na barko na kayang magdala ng mga sasakyan tulad ng jeep at cars). Naunang tumulay pasakay sa bangka ang kasama ko at ako ay naiwan na nakatulala habang iniisip ko kung paano ako tatawid sa makitid at tumataas-babang bangka. Buti na lang inalalayan ako nung manong. Wag daw akong mag-alala, wala pa naman daw nahuhulog doon. (maniwala ako!)
Eto naman yung sinakyan namin na malaking bangka na may katig:
Adventurous at exciting ito! Para kaming nakasakay sa Viking o Anchors Away. Sumisigaw ang mga kasabay naming mga first-timer din. Kami naman ay tawa lang ng tawa. Sila di nag-eenjoy. Mukhang natatakot at nahihilo na. Kami naman, though aminanong kinakabahan ay inenjoy namin ang trip na ito.
Sa bandang Alabat Island ay kalmado ang tubig. Maganda. Malinis. Mukhang simple ang klase ng pamumuha ng mga taga-rito.
Sandali lang kaming nag-stay dahil hanggang 1:30pm lang pala ang last trip mula sa Alabat pabalik sa Atimonan, Quezon. Buti na lang nakasakay kami sa Roro. Medyo mas nakakatakot ng konti kasi nga malaki, ramdam namin ang paggiling-giling ng barko. Hanggang ngayon nga ay para pa akong hinehele ng dagat.
Heto yung Roro:
Eto yung sa roof deck (Regular passenger kami at di kami dun sa Aircon na room kasi di kami mageenjoy:
Eto pa! Nung patawid na kami sa bakal na tulay ng barko, biglang umusad palayo ang barko dahil sa biglang malakas na alon. Napaurong pa tuloy kami. Muli, inalalayan kami nang mga mababait na manong. Salamat.
Sinong mag-aakala na makakarating ako sa mga lugar na malalayo at makakasakay sa mga nakakakabang sasakyang tulad nito. Wala! Naenjoy namin ni Az ang Alabat Island. Sa uulitin!
creepsilog
5 years ago
October 28, 2009 at 2:05 PM
Ingat
October 28, 2009 at 8:03 PM
Post a Comment