Sa hirap ng buhay, kailangang dumoble kayod. Lalo na at nag-aaral pa ako at di ko kaya na basta yung maliit na sweldo sa work ko lang ang ipangtutustos ko sa pag-aaral. Kaya isip ako ng isip kung ano pa bang raket ang mapapatos ko para kumita ng extra.
Isa sa naisip ko ay ang online business (pwera ang blogging) kung saan magbebenta ako ng aliw kagamitan like murang bahay, lupa, kotse ay hindi pala mga murang accessories ng mga babae o kaya naman mga damit, sapatos pero ang problema, di naman ako gumagamit nun so malamang wala akong masyadong idea tungkol dun. Pero iniisip ko pa din yun kung may masisimulan ako.
Isa pa sa iniisip ko ay ituloy ang naunsyaming business namin ng aking mga batchmates. Ang tusok-tusok business mga fishballs, kikiam, kwekwek atbp na pwedeng itusok sa maliit na stick. Tapos iced tea o kaya shake. Medyo mamumuhunan lang ako ng kaunti at presto may business na ako. Medyo naiisip ko lang kasi na talo ako sa bayad sa upa sa lugar kasi makikihati ako sa space sa shop ng kapatid ko. But anyway sabi ko nga, why not give it a try. Kumita man lang ako ng konti bawas na yung mga bayarin sa lpg, tauhan, at rent sa space ay masaya na ako.
Ipupuhunan ko na siguro muna ang sumobrang pera ko na pangthesis ko.
--------------------
Speaking of thesis, naapprove na pero di pa din nangyayari ang proposal ko. Baka inugatan na ako dito ay di pa din ako makatapos. Gusto ko nang gumradweyt!!!
creepsilog
5 years ago
October 25, 2009 at 6:14 PM
Taragis na yan ang hirap ng word verification sa ibaba!
October 25, 2009 at 7:56 PM
November 4, 2009 at 10:15 PM
marunong ka bang gumawa ng yema? sama mo na rin yun. :D
-blight
November 9, 2009 at 8:21 PM
ah eh magastos at matrabaho yun eh saka for sure libre lang ang mangyayari pag nagustuhan mo yun whehehehe
Post a Comment