I was riding a jeep (naks! English! Sige tagalog na lang baka duguin ako) nang isang babae mula sa isang school ang sumakay din. Mukhang student teacher yata yun.
Di kagandahan, (kung makapanlait akala mo naman...) umupo at maya maya ang paper bag na may mga documents ay nalaglag at halos sumabog ang laman. Slow motion ito. Si babae inabot ang nahulog na gamit habang si lalake sa tapat nya (gwapo ito) ay inabot din ang nahulog na gamit. Nagkatinginan sila. Eeeeenggggk!!! (Buzzer sound.. pano ba yun?) Di yata sila match.
Dun ko naisip ang title na kilig factor. Ang pacute effect ay nito ko na lang naidagdag.
Naisip ko din na parang wala na akong kakilig-kilig sa katawan. Ay meron pa pala. Ganun yata talaga kapag sobra sobra yung kilig tapos di man lang narereciprocate hekhek joke lang. Wala lang talaga akong makitang kakikiligan at walang mga ganung effect ngayon. Matatanda na kasi ang nasa paligid ko. May cute man puro baby o super bata. Baka magalit si Aling Dionisia at sabihing may Magnolia MElk pa ako sa Labeh este may gata pa ako sa labi. Hihihihi <--- landi ng tawa. Sarap kurutin sa singit. Wehehehe
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment