Garsh! Anlaki ng nalibre ko sa pagpapacheck-up ko. Mga 3 consultations x 500 e di 1500 na yun. Tapos andaming mga lab test like 2D Echo at blood chem, urinalysis etc. Mga lampas din yun ng 1k.
Kaya lang kakalibre sa akin. Binawian naman ako sa gamot.
Yung 2D Echo ko na result ay may "mitral valve prolapse" daw ako. Okay wla na akong magagawa pa dun. So binigyan ako ng mga gamot.
Urinalysis ko ay normal naman daw. Samantala ang aking Blood Chem ay mataas ng konti sa normal ang aking chole-chole...Cholesterol! :P
Di naman yun bago sa akin kasi talagang tumaba ako. Ang hinihintay ko lang ay yung bigyan sana ako ng doctor ng pampapayat na gamot. Kaya lang puro supplements ang binigay sa akin. Biomega at Proflavanol. Sabagay at least wlang side effects sa akin.
Nataga naman ako sa presyo dun sa antibiotics na nireseta sa akin. Kasi tinanong ako kung may sorethroat ako e sakto kahapon ay nilalagnat-lagnat ako so sinabi ko. Dyukopo tumataginting na 90 pesosesoses ang isang tableta x 14 for 1 week yun. Laglag ang kadatungan ko.
All in all ang libre ay naging magastos pa. Pero at least kahit paano nalibre nga ako sa doctor's fee at sa aking lab tests. Salamat sa health card ko. Di nga lang ako nakapagpa-PT para sa aking ankle sprain kasi nga masama na ang pakiramdam ko.
Pero kahit may sakit ako nakapagpa-check pa ako ng thesis ko at nakapagpapirma para sa proposal defense. Bukas papasok na talaga ako. Pramis!
creepsilog
5 years ago
October 20, 2009 at 1:54 PM
Ingat palagi!
October 21, 2009 at 8:24 PM
Post a Comment