this on Facebook!

Long stressful Sunday

Posted by: Klet Makulet,

Naka-set ang alarm clocks (with s dahit madami sya talaga) ko mula 4:30 hanggang 5:00 ng madaling araw dahil 6:00 daw ay dapat nasa testing center na kami. Makikibantay kunwari ako sa mga magtetake ng licensure exam ng mga teachers.

4:00 a.m. isang "PAK!" ang narinig ko. Napabalikwas ang sa higaan. May pumutok. Walang ilaw pero may daloy ng kuryente sa mga saksakan. Malamang napundi na ang ilaw ko. Magdamag kasi ito na nakabukas pag natutulog ako.

Buti na lang at naka-charge ang aking baboy lamp kaya may ilaw akong nagamit para makalabas ng kwarto. Wala ding ilaw sa buong kabahayan. Napraning na ako. Andami kong naiisip... baka pinasok na kami ng magnanakaw...baka binaril ang katulong namin (exaggerated na)...at kung anu-ano pa.

Gamit pa din ang baboy lamp, lumabas na ako at tumuloy sa bathroom syempre naligo na. Ang hirap. Di naman kasi ganun kaliwanag ang portable lamp na dala ko.

Wala pang 5:30 ay naka-ready na ako. Buti na lang maliwanag na sa daan.

Tumitilaok na ang mga manok, nagtutwitter este twit twit na ang mga early birds, umeebs na ang mga bagong gising na aso at nagpapaypay na ng mga panggatong ang mga nasa bahayan sa iskinitang dinadaanan ko. Naglakad lang ako palabas ng village dahil wala pang jeep nang ganitong oras.

Dumating ako sa site ng maaga. Nawawala pa kami ng kasama ko dahil di naman namin alam ang gagawin. Pare-pareho kaming baguhan.

Sumunod kami dun sa mga di nakaputi. Puti kasi ang damit ng mga examinees.

Pinapasok na ako sa room kahit wala pa ang kasama ko. Magsulat na daw ako. Whatever. Dumating ang maganda kong co-watcher. Siya na ang pinabayaan kong magtrabaho (joke). Sinabi ko na lang sa kanya na bago lang ako at turuan na lang ako.

Nakakatuwa din pala ang mga teachers at soon to be teachers. Para silang bata na mag-eexam. Karamihan sa kanila ay makukulit at pasaway. Makulit kasi matanong. Naiintindihan ko naman. Mabuti nang magtanong kesa magkamali sa pagfifill up ng mga answer sheet nila. Pasaway naman dahil kahit na ilang ulit na naming sinabi ang instruction ay yung gusto pa din nila ang nasusunod. Garsh.

Ilan sa kanila ay naka-ilang re-take na din. Sana nga makapasa na sila.

Unang dalawang set, may nahuli sa pagsasagot. Di ko alam kung super slow ba sya in comprehension. Basta mabagal sya magsagot. Nasa part II na ang lahat, siya naman ay nasa Part I pa din.

Siya din ang isa sa pinakahuling natapos noong last part na. Nakakaantok magbantay. Kahit ngumuya ako ng ngumuya ng meryenda at maglalakad. Antok pa din ako.

After ng 6 to 6 na pagbabantay, nagsimba na kami. Sabi sa akin ng kasama ko, since daw late na kami ay dun kami sa isang simbahan na maliit malapit sa Cathedral dahil late yun magsimula.

Nakakastress. Kasi una, tabing daan ang chapel na yun kaya rinig ang mga bastos na nagbubusina. Ikalawa sintunado ang tunog ng sina-old na organ at sina-old din ang nagtutugtog. At dahil sintunado ang tugtog, sintunado na din ang mga kumakanta. Pati yung pari ay nagkamali mali na ng tono. Nakakastress na nakakatawa. Nagkakasala pa ako syet.

May tumabi sa amin na mag-asawa yata sila kasi may wedding ring ang lalake (di ko makita yung sa babae). Ang likot nila soooooooobbbraaa. Tingin ko may sakit yung lalake. Parang may Parkinson na MR na di ko maintindihan.

Huli ko nang napansin na kakilala ko pala ang babae. Di ko na pinansin. Siya ang babaeng kinaiinisan ko. Medyo nilalandi lang naman nya ang kapatid ko noon (taken na po ang kapatid ko). Di siya nakakatuwa.

Sa peace be with you portion ay sinadya kong di dumaan ang tingin sa kanila kahit na super nagpapapansin siya sa lugar nya. Paano ko nasabi? Napaka-unusual ng posisyon nya lago syang naka-lean sa luhuran. Di naman siya ganun noong di nya pa ako nakikilala. Siguro gusto nyang pansinin ko sya at kausapin. Asa!

Umuwi na kami agad. Sabi ko sa kasama ko malamang di na ako babalik pa doon. Nakakastress talaga.

Ngayon, heto ako. Absent. Sakit-sakitan. Stressed.


5
Galing ka ng kunwa-kunwarian!heheh!sakit-sakitan lang pala yan!heheh joke lang!

Medyo stressful talaga ang buhay, kung walang stress hindi ka buhay!heheh
@DRake
Naku kuya ngayon lang to. Pag nilalagnat ako ay pumapasok naman ako (defensive) :P
makulit ba sila? dapat sinabihan mong dapat pag kayo na ang teacher di rin kayo magalit sa matatanong pag may exam :P

teka bakit ang dami dami mong alarm clock? tulog mantika ka ba?

o easy lang, wag masyadong alert para di na iistress
oops blight pala
@Blight.. di po ako tulog mantika... kaluskos nga lang nagigising ako. Madalas lang sumisimple ako sa pag-idlip nakakalimot sa oras wheheheh

Unga dapat di sila magagalit.. lalo na pag tinanong kung ano ang tamang sagot wahehheheheheh
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com