...Ako ay naghintay ng medyo may katagalan sa aking kasamang magsisimba. Medyo may inis dahil ayoko nang naghihintay ng matagal at nagmumukhang tanga sa hintayan. Nagmumukha kasi akong ewan na parang baliw na patingin-tingin na parang inindian ng ka-date. Buti na lang at dumating din. Yun nga lang nakapag-simula na ang misa nung kami ay pumasok. Babae ang kasama ko (pagliliwanag lang hehe.)
...Kami ay natawa at nagulat. Dahil bukod sa nakarinig kami ng salitang "lintik" mula sa Monsenyor ay biglang sumigaw siya at nanggulat sa kanyang homiliya. Kilala siya sa ganung istilo kaya lang madami pa din ang nagulat. Ako, hindi, pero medyo sinakitan ako ng tenga sa lakas ng sigaw nya. Nakakatawa kasi halos napalundag sa gulat ang ilan. Tawa tuloy ako ng tawa. Si Monsenyor naman ay nangingiti sa nangyari.
...Ako ay nainis. Paano ba naman may isang ale na nakiupo sa tabi namin. Kaso sikip na nga sa hilera namin at nagmove na kami ng nagmove ay panay pa din ang move nya papunta sa amin. May pagka-insensitive. Kaya di ko siya sinabihan ng "peace be with you" kasi ayokong maging plastic. Tama nang kasalanan ko ang mainis sa kanya kesa magkunwaring ok lang sa akin. Nagsorry naman ako sa Diyos sa inasal ko pero di sa kanya.
...May bad breath akong naamoy. Malabong sa akin yun dahil di ako nagbubuka ng bibig. At oo, di ako nagpaparticipate sa misa kasi nga inis ako. Di ko alam kung yung amoy ay nanggagaling sa active na katabi ng kasama ko dahil mas napalapit kami sa kanya o dun sa ale na insensitive. Dumating lang kasi siya nangamoy na. Napatakip tuloy ako ng ilong ng makailang ulit. Feeling ko kasi hihimatayin ako sa amoy. Bandang huli nag-candy siya. Malamang siya nga yun.
...Nakita ko yung soon to be ex ng kakilala ko. "Soon to be" kasi di niya (nung girl) alam kung magbebreak ba sila o hindi kasi nga di nagpaparamdam yung guy. Buti na lang nasa simbahan at di nya ako kakilala in person kasi kung hindi napagsabihan ko na siya sa pagpapahirap sa loob ng babae. No reaction na lang ako at kunwari di ko siya nakita. Pinagdadasal na lang namin siya.
...Natapos ang misa at umulan. Ayun! Nabasa kami.
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
August 3, 2009 at 9:00 AM
August 4, 2009 at 9:44 PM
August 5, 2009 at 7:46 PM
"Miss kumakain ka ba ng tae?"
Ganun ang tamang diskarte. Nga pala add kita sa bloglist ko.
August 5, 2009 at 9:23 PM
August 5, 2009 at 9:24 PM
Post a Comment