Ramdam ko dahil isa din ako sa milyun-milyong Pilipinong nagtitipid ng pera para may magagastos at makakain pa sa kinabukasan. Ang mga kabataan at ang mga nakakaintindi ng sitwasyon ay may kinikimkim na sama ng loob sa mga nasa katungkulang walang pangingiming gumastos ng halos milyong piso para lamang sa isang hapunan.
Buti pa sila, sisiw lang ang magtapon ng pera, samantalang ang taong bayan ay nangingimi pang gumastos ng kahit piso para sa isang pagkaing maglalaman sa gutom nang tiyan.
Buti pa sila, hindi nila nararamdaman ang hirap pagkat puro sarap na lang sila at pagpapakasasa sa rangya ng buhay bilang nasa puwesto.
E ano naman kung libre lang ito? Tama bang ikatuwiran ito? Hangal ba ang tingin ng MalacaƱang sa taong bayan na ang ganitong rason ay magpapahupa na lang basta-basta sa galit sa kanila? Malamang hindi.
Kung tutuusin, wala silang karapatang gumastos ng ganoon kalaki lalo na at ang kanilang bansa ay baon sa utang, lubog sa baha ng kahirapan, natatabunan ng gumuguhong pangarap at patuloy na umaasa sa pangakong matagal nang napako. Sa halip na ang halos isang milyong pisong ginastos ay ipinambabayad na lang sa ilang taong utang ng PGH sa tubig at kuryente na siyang inaasahan ng mga mahihirap na di kayang bumayad sa mataas na bayarin sa pagpapagamot, sa halip na ikinain ay igugol ang perang ginastos sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo, na dapat ay inilalaan na lang sa mas kapakipakinabang na mga bagay kesa sa isang gabing puno ng kaganidan at kaswapangan.
Bukod pa sa marangyang hapunan ay ang biglang paglobo ng kayamanan ng mag-asawa. Buti pa sila. Ang saya-saya no?!
Kay lakas ng loob na ipagmalaking di siya kumikita habang nasa posisyon samantalang kabi-kabila ang mga patunay at nagsusumigaw na katotohanang nangangamkam at nagpapakasasa sila sa yamang dapat ang taong bayan ang tumatamasa.
Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ano kaya ang sasabihin ng ama nyo kung nabubuhay pa siya? Siguro ay ikinahiya ka na niya sa pagyurak sa pangalang kaniyang iningatan.
Buti pa sila, para silang mga manhid na walang nararamdamang kahit na anong hiya sa sarili. Deadma! Wa Pakels!
Buti pa sila... Paano na ang masa?
creepsilog
5 years ago
August 12, 2009 at 2:31 PM
Minsan ang buhay ay ganyan
Tanging sila lang ang nakikinabang
Ginagamit nila ang pera ng bayan
Nilulustay at hindi pinahahalagahan
Marami ang mahihirap ngayon
Dapat sila sa atin ang mag-ahon
Subalit lalo pa nila tayong binabaon
Sa putik ng kahirapan at gutom
Naks may tula din ako
Ingat
August 13, 2009 at 10:13 AM
ang sabi naman nila e di pera ng bayan yun.. pera nila.. tingnan mo kung sinong nakapirma di ba si gloria? e di kanya nga yun...
di naman masamang kumain ng masarap na pagkain.. di rin kasalanan ang kumain sa mamahaling lugar lalo na kung libre naman (daw).. ang problema nga lang kung kelan naman uso ang pagtitipid e saka sila bumanat ng ganun... 20K for meals.. kung sino man ang nagbayad nun, kung sana pinamigay nya yun sa mga constituents nya e di sana mas maraming natuwa.. bilhan nya ng bigas, biik, kamote o kahit pataba e di sana mas maraming nakinabang..
ayon sa ilang article na umiikot, nung si barrack ang naglibot sa ny kumain sila sa resto at wala pang $200(tig 70 lang ata sila) ang nakain nilang mag asawa yun.. presidente na yun ng mas mayamang bansa...
pero wala talaga eh.. pakapalan ng mukha ang uso.. kelangan nilang magpasikat.. naalala ko tuloy yung nabasa ko dati... para sa isang 3rd world na bansa halos lahat ikinahihiya ang pagiging dukha..
-blight
August 13, 2009 at 8:25 PM
Di po yan tula... mukha lang syang tula weheheheh ... Ikaw tong magaling eh...
Blight...
Hahahah sabagay di na siya purong Macapagal.
Ganun ata talaga pag pinakapal na ng kaswapangan ang mukha nila.
Post a Comment