Tulog
As usual inaantok ako dahil puyat nanaman. Walang pagbabago. Kaya kaninang umaga ay gusto ko nang umuwi at sabihing may sakit ako at di ko na kaya pang mag-stay. Kaya lang tinamaan ako ng hiya. Walastik kasing hiya yan. Pwede naman kasi akong umabsent. Walang problema. Problema ko lang ay kung pano ko ipapakitang talagang sick ako. Kasi inaantok lang talaga ako at nanlalambot dahil sa puyat. Saka medyo mabigat din ang pakiramdam ko sa batok.
Kulog
Sa aking pagtyatyaga ay alas-dose na. Kainan na!!! Mabilis kong inubos ang pagkain ko. Medyo naduduwal na nga ako kasi di naman masyadong nanguya ang pagkain tapos tutulog pa ako.
Maganda na sana eh. Okay lang ang 30-minute idlip. Kaya lang biglang umulan. (Anong connect?) Di ba mainit? Init + lamig = kidlat = kulog ... waaaaaa ayaw ko yung dalawang huli!
So papunta na ako sa state ng pagtulog ng biglang narinig kong umulan. Masarap at malamig lamig na. Masyado kasing mainit. Ilang araw na humid ang panahon. Ang masama, (malamang kumidlat) ay kumulog ng pagkalakas-lakas. Meaning malapit lang ang kidlat! Huhuhu. Matitiis ko sana yung kumukulog ng mahina. Yung parang may nagbobowling lang. Kaso parang may giyera na at pinapasabog na ang kuta ng mga Hapon!
Isang malakas ng kulog (BOOM!) nagulat ako! Aatakihin ako sa puso. Pumintig nang hindi normal. Malakas. Ilang beses yun. Di ako nakatulog.
Aklat
Wala nang kinalaman sa kulog.
Para akong namakyaw ng libro sa library. Salamat at VIP ako. Nakahiram ako ng halos sampung libro. Babasahin ko kasi may exam ako sa Sabado. Ngayon ni hindi ko pa nasisimulan. Magrereview pa ako ng past topics at subjects namin. Parang kakayanin ko ng isang araw. Information overload nanaman ito.
Pulikat
May sumigaw sa pangalan ko. Sumagot ako. May sumisigaw ulit pero hindi na pangalan ko kundi aray na. Kapatid ko yata yun.
Tumakbo ako papunta sa kwarto nya at nakita ko siyang namimilipit. Nandoon na si mother para tulungan siya kaso maling paraan.
Pinulikat si kuya at si mama ay ginalaw-galaw ang paa niya na lalong ikinasakit ng pakiramdam ni utol. Napasigaw tuloy ako ng HUWAG!
Parang pinagsasamantalahan si kuya. Natatawa ako. Namimilipit siya sa sakit. Pagkalaki-laki pa naman niyang tao.
Tinulungan ko siya. Medyo matagal. Iginalaw ko lang ang paa nya sa kabilang direksyon ng pulikat. Minasahe ko ng konti ang paligid ng kanyang binti para lumambot ang muscle. Nahimasmasan siya. Natatawa talaga ako na naaawa.
Puyat
At sabi ko nga, walang pinagbago. Heto at puyat nanaman. Buti na lang bukas ay nagpaalam na akong di papasok. Pero madami pa din akong gagawin.
Madaming gagawin pero heto at pa-blog-blog pa ang bruha. Sana makapasa po ako sa exam at sana makapag-submit na ako ng Chapter I at III. Yung Chapter 2 ay to follow na lang. Madugo yun kasi English. Nosebleed ito!
creepsilog
5 years ago
August 28, 2009 at 5:23 AM
Goodluck sa studies!pagbutihan mo ha! Ano nga pala course mo?
Ingat
August 29, 2009 at 11:53 AM
August 31, 2009 at 8:25 PM
Dhianz: salamat! Aja! God bless din!
SA inyong dalawa: pasensya na natagalan ako magmoderate ng comment at magreply :P
Post a Comment