this on Facebook!

Sa may Simbahan...

Posted by: Klet Makulet,

...Ako ay naghintay ng medyo may katagalan sa aking kasamang magsisimba. Medyo may inis dahil ayoko nang naghihintay ng matagal at nagmumukhang tanga sa hintayan. Nagmumukha kasi akong ewan na parang baliw na patingin-tingin na parang inindian ng ka-date. Buti na lang at dumating din. Yun nga lang nakapag-simula na ang misa nung kami ay pumasok. Babae ang kasama ko (pagliliwanag lang hehe.)


...Kami ay natawa at nagulat. Dahil bukod sa nakarinig kami ng salitang "lintik" mula sa Monsenyor ay biglang sumigaw siya at nanggulat sa kanyang homiliya. Kilala siya sa ganung istilo kaya lang madami pa din ang nagulat. Ako, hindi, pero medyo sinakitan ako ng tenga sa lakas ng sigaw nya. Nakakatawa kasi halos napalundag sa gulat ang ilan. Tawa tuloy ako ng tawa. Si Monsenyor naman ay nangingiti sa nangyari.


...Ako ay nainis. Paano ba naman may isang ale na nakiupo sa tabi namin. Kaso sikip na nga sa hilera namin at nagmove na kami ng nagmove ay panay pa din ang move nya papunta sa amin. May pagka-insensitive. Kaya di ko siya sinabihan ng "peace be with you" kasi ayokong maging plastic. Tama nang kasalanan ko ang mainis sa kanya kesa magkunwaring ok lang sa akin. Nagsorry naman ako sa Diyos sa inasal ko pero di sa kanya.


...May bad breath akong naamoy. Malabong sa akin yun dahil di ako nagbubuka ng bibig. At oo, di ako nagpaparticipate sa misa kasi nga inis ako. Di ko alam kung yung amoy ay nanggagaling sa active na katabi ng kasama ko dahil mas napalapit kami sa kanya o dun sa ale na insensitive. Dumating lang kasi siya nangamoy na. Napatakip tuloy ako ng ilong ng makailang ulit. Feeling ko kasi hihimatayin ako sa amoy. Bandang huli nag-candy siya. Malamang siya nga yun.


...Nakita ko yung soon to be ex ng kakilala ko. "Soon to be" kasi di niya (nung girl) alam kung magbebreak ba sila o hindi kasi nga di nagpaparamdam yung guy. Buti na lang nasa simbahan at di nya ako kakilala in person kasi kung hindi napagsabihan ko na siya sa pagpapahirap sa loob ng babae. No reaction na lang ako at kunwari di ko siya nakita. Pinagdadasal na lang namin siya.


...Natapos ang misa at umulan. Ayun! Nabasa kami.


5
sigurado ka bang breath yung naamoy mong bad, baka naman sa ibang butas nanggaling yung amoy na yun... hehehe
Hahaha! Naku pag ibang amoy na yun lalo na at yung galing sa bandang likuran ng tao ay baka malimutan ko po na nasa simbahan ako at mapapasalita nang "sinong umutot?! Ang baho ha!" hahahha Hininga po talaga yun kasi madalas po sa nakakausap ko eh nakakalimot yatang mag-toothbrush wehehhe
Sana tinanong mo ang ale:

"Miss kumakain ka ba ng tae?"

Ganun ang tamang diskarte. Nga pala add kita sa bloglist ko.
Drake: awww baka sabunutan po ako hahahaha. Saka di naman amoy tae.. amoy morning breath lang talaga pero hapon na yun so ibig sabihin mula umaga hanggang hapon ay di pa siguro nakapag-toothbrush wahehehe ang sama ko talaga :P
ay nalimutan ko sabihin salamat po Drake sa pag-add sa list mo..
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com