Pumapasok na ulit ako. At sa ilang semester na pinasok ko ito lang ang nalaman ko, Kailiangan munang turuan "muli" ang mga guro bago sila sumabak at magturo sa mga kabataan.
Di ako matalino pero lalong di ako "bobo." Alam ko kung sino ang may alam sa nag-aalam-alaman. Mapapansin yun sa kung paano sya sumagot sa mga bagay-bagay.
Bakit kailangan turuan muna ang mga guro? Kasi di nila alam ang kanilang sinasabi at ginagawa. Katulad sa reporting na lang. Para bang basta na lang sila pupunta sa harapan at magbabasa, magsasalita ng mga nasa isip nila na kahit sila ay di nila maintindihan kung ano nga ba ang ibig sabihin.
Nakakalungkot. Parang natakot tuloy ako. Kaya pala nagiging problema ngayon ang bumababang marka ng mga kabataan sa mga Assessment Tests like NCAE (National College Assessment Examination) o mga achievement tests dahil mismong ang mga guro ang may problema.
Kaya nga di ako kumuha ng kursong Edukasyon dahil alam ko na walang matututunan sa akin ang mga kabataan kundi puro kalokohan lang. Pero sila na naglakas loob na magtapos ng ganung kurso, sana naman ay matuto silang pahalagahan ang kanilang pagiging guro.
Pero naisip ko. Baka naman nagiging mataas lang ang standard ko. Pero hindi eh. Kahit ang kasama ko sa klase ay nagugulat sa mga nakikita nya at nalalaman. O baka nga talagang mataas lang ang mga expectations namin.
Nung college nga ako. Feeling ko niloloko lang kami ng mga teacher namin. May ilan kasi na talagang nagtuturo lang sa amin dahil para lang masabing nagtuturo pero wala talaga dun ang sense ng tinuturo. Na babasahin lang ang libro at tatawagin kami upang magpaliwanag. Kung siya man ang magpapaliwanag, babasahin nya sa English tapos ipapaliwanag ng Tagalog (AYOS!)
Kaya din siguro di ako magaling sa English kasi di magaling ang teachers ko sa English. Para bang mabuti pang mag-self study ka at mas may matututunan ka pa. Kung may di maintindihan ay saka magtatanong sa nakakaalam.
Isa pa na napansin ko ay ang mga librong nalimbag (printed) dito sa Pilipinas. Maraming mga libro na kailangan suriin mabuti. Maraming errors, maling impormasyon, maling spelling, maling pangalan, maling example at kung anu-ano pang mali.
Sana naman sa mga guro at mga gumagawa ng mga libro (na mga guro din) ayusin nila ang kanilang trabaho. Di sana para lang kumita at masabing nagtatrabaho. Sana andun ang naisin na makatulong at makapagturo ng mabuti sa mga kabataan at katandaan.
Di pa naman huli ang lahat. Mag-aral at intindihin ang inaaral. *bow*
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
March 24, 2009 at 9:52 AM
March 24, 2009 at 6:14 PM
actually bukod sa kailangan pa ulit silang turuan (update man lang sana) ay mismong sila (mga guro) ay walang kusa upang matuto.
Minsan kasi mismong ang eskwelahan na din ang may pagkukulang... di ayusin ang mga subjects na inooffer sa mga guro .. paulit ulit lang eh... since di magaling ang nagtuturo wala din natututunang matino ang mga bata at ang mga bata pagtanda ay magagaya lang din sa kanila... walang nangyayari.
salamat po sa pagcomment :D
Post a Comment