My brother told me about this tuna sisig recipe. Sabi nya i-google ko daw para malaman ang ingredients at gawin ko minsan.
Kagabi lang ay hinanap ko na ang recipe. Astig! Picture pa lang ulam na. Andaming sibuyas. Sarap!
Naglabas si kuya ng isang Century tuna, ako naman ay dalawa (na matagal ko nang naitabi ... gagamitin ko sana sa diet kaso nakakasawang kainin kaya di na ako nag-diet hahaha) Anyway, ayun nga nagtry ako na iluto ang tuna sisig.
Ingredients:
Century Tuna (its up to you if what kind of canned tuna you're going to use, you can make use of tuna in brine, tuna in veggie oil, tuna with calamansi, tuna light etc. wag lang yung mga katulad ng mechado, caldereta na tuna)
soy sauce
pepper
vinegar
oil
chopped onions (mas marami mas masarap)
garlic
*ang recipe na ito ay parang sa adobo lang, ginawa lang na sisig style ang presentation*
Preparation
1. Pagsama-samahin ang tuna, soy sauce, vinegar, pepper, onions (konti muna) and garlic sa isang kawali.
2. Hayaang matuyo ang sabaw (opo di aalisin ang sabaw ng tuna) at halu-haluin.
3. Maglagay ng kaunting oil sa pan para medyo maprito ang tuna.
4. Before hanguin, add the rest of the chopped onions.
5. Serve with calamansi.
Enjoy eating!
I wasn't able to take a picture of my end product since we're all hungry at talagang natakam kami sa tuna sisig.
This recipe is timely since may mga araw na di pwedeng kumain ng meat.
creepsilog
5 years ago
Post a Comment