Tulad ng namayapang si Francis Magalona, gusto ko rin na maging isang magaling na photographer. Kung meron nga lang photography club dito na tatanggap sa akin kahit wala akong malupit na SLR o digital camera ay sasalit talaga ako.
May ilang alam na din naman ako sa tamang pagkuha ng mga pictures. Kaaya-aya naman nang tingnan ang mga kuha ko di tulad noon na binasta lang.
Isa pang nakakuha sa atensyon ko ay ang The Cloud Appreciation Society na madalas na nafefeature sa Philippine Daily Inquirer(PDI). Astig! Ang galing ng mga kuha nila.
Hanga din ako sa isa pang picture na pinost sa PDI na kuha ni FrancisM sa anak nya na si Clara, simple pero malaman at maganda ang konsepto.
Puro cellphone photography lang ang nagagawa ko dahil syempre taghirap at mahirap lang ako para bumili ng magandang camera, kahit digicam man lang (yung dati kong binili ay nagkaroon na ng mold sa lens kaya di ko magamit, nawala pa ang battery ko hu-hu-hu).
Plano ko sanang magkaroon ng camera, yun lang kakuriputan ko ang nananalo kesa sa gusto ko.
Nakikihiram-hiram na lang ako ng cam ni kuya... mabigat lang hehe.
Minsan, try ko post dito ang ilan sa mga kuha ko noon gamit ang isang digicam. Ayun lang po!
photography photo from www.cengage.edu.au
creepsilog
5 years ago
Post a Comment