"Takot ako eh!" Yan ang sikat na linya ni Matet noong maliit pa siya.
Bago ko ituloy ang aking kwento tungkol sa pagkahilig ko sa pagdo-drawing, ikukwento ko muna ang ilang takot ko sa buhay. Malamang takot nyo din ito.
Naisip ko na i-post ang tungkol sa takot nang pag-uwi ko kahapon ay may nakita akong truck ng LPG na malapit sa akin. May sakay itong lalake na nagyoyosi. Natakot ako. Biruin mo ang lakas ng loob nyang magyosi habang nasa likod lang nya ang mga tangke ng gasul. Paano kung biglang may mag-leak? Paano kung yung upos ay maitapon sa mga tangke? Katakot kaya yun! Sa takot ko, lalo pa akong napalakad ng mabilis, halos tumakbo na ako dahil nakakangilong isipin na baka anumang minuto ay biglang may mangyari. Praning!
Isa pang naalala ko na related dyan sa LPG na yan. May mga mumurahing gas station dito sa amin na di marunong magpatupad ng tamang disiplina sa kanilang refilling station. Akalain mo ba naman na nag-loload ng gasoline ay naka-yosi! Anak ng Pusa! Lakas ng tama nung lalake na para bang di natatakot sa maaaring mangyari kung biglang pumatak ang kahit na kaunting upos na may baga pa (o siguro ay di niya naiisip pa yun dahil ang mahalaga sa kanya ay bisyo at pera). Nyahay! Katakot kaya!
Parang sa mga pagawaan ng mga paputok na pagka-dami dami ng ginagawa.
Di ba nga andami nang pagawaan ng paputok na nasunog, sumabog at naging new year ang paligid dahil sa kapabayaan? Isang malaking halimbawa na lang ang Starmaker Fireworks na matindi ang naging pinsala, di lang sa factory nila kung hindi pati na din sa paligid nila. Sabog!
Kelan kaya matututo ang tao na maging maingat no? Para bang walang kwenta ang buhay nila. O di kaya naman ay walang pakialam talaga sa sarili at sa mga taong maaaring mabiktima ng kapabayaan. Tsk tsk... Katakot Kaya!
creepsilog
5 years ago
Post a Comment