this on Facebook!

Chip Tsao is cheap

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

I don't know what's his problem. It is as if Chip Tsao knew Filipinos that much to insult us.

Gusto yata nya ng pansin tulad ng pansin na binigay ng mga Pinoy sa iba pang mga taga ibang bansa na nagbitiw ng di magagandang salita laban sa mga Pinoy.

Philippines according to him is a "nation of servants." He even brag that he gave his maid named Louisa, a degree holder of international politics from the University of Manila, a harsh lecture and threatens her that he will end her employment if war breaks out between the Philippines and China because of our claim to the Spratly Islands.

Is he out of his mind? As if he knew everything. As if he is a god that Filipinos won't care whatever he wants to say.

Totoo, ang mga Pinoy ang nagtatrabaho at nagpapaalipin sa ibang bayan ngunit di ibig sabihin nito ay may karapatan na sila, lalo na ang isang Tsinong katulad ni Tsao, na yurakan ang dangal ng kahit na sino.

Kani-kanina lamang ay nag-issue na ng apology ang HK Magazine (sampu ng kanilang mga publishers and editors) kung saan nagtatrabaho si Tsao. Malamang ay nalaman na nila ang tindi ng epekto ng ginawa ni Tsao at ang maaaring mangyari din sa kanilang bansa kung sakaling i-boykot ng mga Pilipino ang Hong Kong. Nasan si Tsao? Asan ang magaling na kolumnista na akala mo kung sino kung makapagsalita at manakot sa kanyang kasambahay. Wala yata siyang ari para idepensa at humarap sa gulong sinimulan niya.

Oo, balat-sibuyas ang mga Pinoy. Bakit ba? Kung ang pagkatao naman natin ang tinatapakan, nararapat lang na ipaglaban natin ito.







P.S. di po ako galit nakikipost lang hehe :P


All in One

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

I have a lot of stories to share so I think tama lang na pagsama-samahin ko na lang ang lahat sa isang post.

Una nagluto ulit ako ng bago kong specialty na tuna sisig since Friday ngayon at bawal ang pork.

Second, nag-fillet-o-fish ako sa McDonalds, sa sobrang pageenjoy ko sa pagkain, nalimutan ko ang binili kong take-out meal ng kasamahan ko. Nakabalik pa tuloy ako ng hindi oras sa McDo. Buti na lang walang nag-tangkang umangkin sa meal. Mahal din yun.

Third, tinopak ako kaya nagtattoo ako sa katawan. Di naman permanent, di rin henna. Ginamit ko ang liquid eyeliner at sinample ko sa kamay at binti ko. Astig! Si Ninya ay nilagyan ko din sa nape. Ang daming pumansin. Sikat siya!

eto yung tattoo.. pangit kasi nagsmudge at syempre binasta lang wehehehe






Fourth, antok nanaman ako dahil busog. Kahapon pa ako ganito.


Fifth, nanlibre si Eds. Sarrrrraaaapppp! Sa Zym kami pumunta. Ang kinain namin ay 3-star spicy beef spareribs (3 ang level ng spiciness... the hottest is 5), 1 order of Buffalo Chicken Wings,and Zym Special (pizza focaccia)<---dito di ko sure ang totoong tawag hehehehe di rin sya masarap kasi basta yun na yun. Sixth, WALA NA!


Tuna Sisig

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

My brother told me about this tuna sisig recipe. Sabi nya i-google ko daw para malaman ang ingredients at gawin ko minsan.

Kagabi lang ay hinanap ko na ang recipe. Astig! Picture pa lang ulam na. Andaming sibuyas. Sarap!

Naglabas si kuya ng isang Century tuna, ako naman ay dalawa (na matagal ko nang naitabi ... gagamitin ko sana sa diet kaso nakakasawang kainin kaya di na ako nag-diet hahaha) Anyway, ayun nga nagtry ako na iluto ang tuna sisig.

Ingredients:
Century Tuna (its up to you if what kind of canned tuna you're going to use, you can make use of tuna in brine, tuna in veggie oil, tuna with calamansi, tuna light etc. wag lang yung mga katulad ng mechado, caldereta na tuna)
soy sauce
pepper
vinegar
oil
chopped onions
(mas marami mas masarap)
garlic


*ang recipe na ito ay parang sa adobo lang, ginawa lang na sisig style ang presentation*

Preparation

1. Pagsama-samahin ang tuna, soy sauce, vinegar, pepper, onions (konti muna) and garlic sa isang kawali.
2. Hayaang matuyo ang sabaw (opo di aalisin ang sabaw ng tuna) at halu-haluin.
3. Maglagay ng kaunting oil sa pan para medyo maprito ang tuna.
4. Before hanguin, add the rest of the chopped onions.
5. Serve with calamansi.

Enjoy eating!


I wasn't able to take a picture of my end product since we're all hungry at talagang natakam kami sa tuna sisig.

This recipe is timely since may mga araw na di pwedeng kumain ng meat.






Boyet and Bayani, what's the difference?

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

Boyet Fajardo, a known fashion designer and Bayani Agbayani were two of the most searched on YouTube and talked about persons over the internet. Both have videos uploaded showing their bad side.

What's their difference?

On Boyet's situation, a Duty Free employee asked for his ID since he presented an unsigned credit card. It was a standard operating procedure but the designer grew angry and threatens the employee. He said he can get him (the employee) fired with his connections. When asked what will settle the situation, he asked the employee to kneel down and let him slap the poor man's face. The employee immediately kneels down (while crying) to end the confrontation (no slapping of the face happened). He even apologized (even if he's right).

Bayani on the other hand was drunk. His car accidentally bumped on another vehicle that started the commotion. Four men approached him. One of them who's also drunk irritated Bayani with his comment. Though under the influence of alcohol, the comedian was able to settle things with the owner of the vehicle he just bumped. He paid 6,000 pesos for the damage. He also apologized. But he still want to fight the guy who annoys him. According to report, Bayani did want to settle the situation immediately but the the guy just pissed him so he wants to have a fight.


Both committed mistakes. But what the fashion designer did, (instead of just giving an ID) did a harsh remarks and even embarrassed the employee, it was irrational and inhuman.

Bayani for me is just showing a natural reaction (aside from being drunk) to a hasty remark. He admitted his mistake and paid the damages. He did not ran away from his obligations.

Boyet may win over the employee but lose his precious name and patrons while Bayani will still be the same (though others may hate him for swearing and being a nuisance that night.)



Turuan muna ang mga guro

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Pumapasok na ulit ako. At sa ilang semester na pinasok ko ito lang ang nalaman ko, Kailiangan munang turuan "muli" ang mga guro bago sila sumabak at magturo sa mga kabataan.

Di ako matalino pero lalong di ako "bobo." Alam ko kung sino ang may alam sa nag-aalam-alaman. Mapapansin yun sa kung paano sya sumagot sa mga bagay-bagay.

Bakit kailangan turuan muna ang mga guro? Kasi di nila alam ang kanilang sinasabi at ginagawa. Katulad sa reporting na lang. Para bang basta na lang sila pupunta sa harapan at magbabasa, magsasalita ng mga nasa isip nila na kahit sila ay di nila maintindihan kung ano nga ba ang ibig sabihin.

Nakakalungkot. Parang natakot tuloy ako. Kaya pala nagiging problema ngayon ang bumababang marka ng mga kabataan sa mga Assessment Tests like NCAE (National College Assessment Examination) o mga achievement tests dahil mismong ang mga guro ang may problema.

Kaya nga di ako kumuha ng kursong Edukasyon dahil alam ko na walang matututunan sa akin ang mga kabataan kundi puro kalokohan lang. Pero sila na naglakas loob na magtapos ng ganung kurso, sana naman ay matuto silang pahalagahan ang kanilang pagiging guro.


Pero naisip ko. Baka naman nagiging mataas lang ang standard ko. Pero hindi eh. Kahit ang kasama ko sa klase ay nagugulat sa mga nakikita nya at nalalaman. O baka nga talagang mataas lang ang mga expectations namin.

Nung college nga ako. Feeling ko niloloko lang kami ng mga teacher namin. May ilan kasi na talagang nagtuturo lang sa amin dahil para lang masabing nagtuturo pero wala talaga dun ang sense ng tinuturo. Na babasahin lang ang libro at tatawagin kami upang magpaliwanag. Kung siya man ang magpapaliwanag, babasahin nya sa English tapos ipapaliwanag ng Tagalog (AYOS!)

Kaya din siguro di ako magaling sa English kasi di magaling ang teachers ko sa English. Para bang mabuti pang mag-self study ka at mas may matututunan ka pa. Kung may di maintindihan ay saka magtatanong sa nakakaalam.

Isa pa na napansin ko ay ang mga librong nalimbag (printed) dito sa Pilipinas. Maraming mga libro na kailangan suriin mabuti. Maraming errors, maling impormasyon, maling spelling, maling pangalan, maling example at kung anu-ano pang mali.

Sana naman sa mga guro at mga gumagawa ng mga libro (na mga guro din) ayusin nila ang kanilang trabaho. Di sana para lang kumita at masabing nagtatrabaho. Sana andun ang naisin na makatulong at makapagturo ng mabuti sa mga kabataan at katandaan.

Di pa naman huli ang lahat. Mag-aral at intindihin ang inaaral. *bow*



Photography

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments



Tulad ng namayapang si Francis Magalona, gusto ko rin na maging isang magaling na photographer. Kung meron nga lang photography club dito na tatanggap sa akin kahit wala akong malupit na SLR o digital camera ay sasalit talaga ako.

May ilang alam na din naman ako sa tamang pagkuha ng mga pictures. Kaaya-aya naman nang tingnan ang mga kuha ko di tulad noon na binasta lang.

Isa pang nakakuha sa atensyon ko ay ang The Cloud Appreciation Society na madalas na nafefeature sa Philippine Daily Inquirer(PDI). Astig! Ang galing ng mga kuha nila.

Hanga din ako sa isa pang picture na pinost sa PDI na kuha ni FrancisM sa anak nya na si Clara, simple pero malaman at maganda ang konsepto.


Puro cellphone photography lang ang nagagawa ko dahil syempre taghirap at mahirap lang ako para bumili ng magandang camera, kahit digicam man lang (yung dati kong binili ay nagkaroon na ng mold sa lens kaya di ko magamit, nawala pa ang battery ko hu-hu-hu).

Plano ko sanang magkaroon ng camera, yun lang kakuriputan ko ang nananalo kesa sa gusto ko.

Nakikihiram-hiram na lang ako ng cam ni kuya... mabigat lang hehe.

Minsan, try ko post dito ang ilan sa mga kuha ko noon gamit ang isang digicam. Ayun lang po!

photography photo from www.cengage.edu.au


Transferring RSD

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

My RSD or Red Shoe Diary, as how they tagged the blogging area in one of the forums I've joined, is very important to me. You see, I was able to share my candid self to others and been able to meet friends and express myself.

It was in 2005 when I started posting at the RSD, after 100 posts in any area of the said forum. That was I think a week after I registered. I'm so excited to post and peek into the mysterious area, aside from the Men's Room Premium of course where ladies like me cannot enter.

It has been my diary for more or less three years. I only stopped when the owner decided that anyone can see the diary. Then 100 post rule was back but my enthusiasm did not. I still post if I have time. I try to keep in touch with my old friends who were also forum addicts. Until job came into my life and got busy with work.

It's hard to adjust from being the boss to staff. Also, as a forum and chat addict, it's so hard to get over with the things I get used to do. Really, really hard.

As an admin I was able to keep my RSD and the last thing that I was able to do was to have it back but let it remain closed since I cannot post anymore, and nobody seem to care.


Before the diary was set to general viewing, I tried to transfer my RSD in one of my favorite free blog. I "copy-paste" the entire page there so that every little detail is saved so that if time will come that the owner again get a whim of doing something unexpected, I have the copy.

I'd like to thank the owner and the pioneer members who became my online friends and essential part of my diary. That's the best diary I've ever had.

To the owner, please don't delete my RSD please :D

*PS... wala lang heheheheh



Sa Jeep: Upong Syete na!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Nakasakay ka na ba ng jeep? Olats ka pag di pa o sosyal ka lang talaga at di mo na kailangan pang sumakay ng jeepney, tumabi sa mga di pa naliligo, mangamoy usok at magkaroon ng libreng pulbos mula sa alikabok ng daan.

Pag sumasakay ng jeep at punuan, tandaan lang sana ng mga kalalakihan at pati na din ng mga kababaihan na nagpapaka-bayani, na wag na pong umusog (mag-move) going outward ang puwitan sa upuan (hirap ipaliwanag) kasi lalo lang sisikip ang uupuan ng inyong tinutulungan.

I-move na lang ang mga binti upang magkaroon ng space para sa bagong uupo. Katulad na lang kanina yung manong ay umusog pa na kapantay ang upo sa mga hita, e di nasikipan lalo ako. Tapos nagtaas pa sya ng kamay, nahilo pa tuloy ako. Waheheheheh

Naalala ko nung elementary ako. Puno na ang jeep pero kailangan ko nang umuwi dahil gabi na (takot akong mapagalitan lalo ng nanay ko.) Pinilit kong isiksik ang katawan ko sa mga pasaherong nagsisiksikan na. Ewan ko ba kung bakit walang gumagalaw para medyo bigyan naman ako ng konting space. Ang ginawa ko, since di naman ako pwedeng sumabit sa jeep dahil nakapalda ako, umupo ako sa sahig (Imagine that!) Paksyet kasi yang mga matatandang di marunong magbigay ng konting lugar eh. Buti na lang at may isang girl na kinurot ang boyfriend at siyang pinaupo sa sahig at ako sa upuan (hekhek joke lang), I mean yung lalake ay pinasabit na lang. Salamat sa kanila.


Sa lahat ng mga nakasakay sa jeep, tandaan lang sana na ang upuan ay di para sa gamit, sa anak na walang bayad (lalo na pag punuan, Husmiyo! paupuin nyo ang nagbabayad!) at wag patagilid umupo dahil syete pesos lang ang binayad nyo!

Utang na loob din sana, kung di pa kayo naliligo, wag magtaas ng kamay, nakaka-himatay. Sa driver, wag lang pa-sweet lover, sana sweet din amoy mo. Sa mga nagyoyosi, may araw din kayo! waheheheh kainis lang kasi bagong ligo ka tapos yoyosi sa tabi mo. Sarap upakan. Di pa marunong magbasa, NO SMOKING pero smoke ng smoke mga insekto!

Yun lang... wahehhehe buti na lang at syete na lang at di na seven-fifty ang pamasahe no? :P


Comments

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

I'm sick but this won't stop me from blogging. Naks!

Anyway, as I was checking my other blog, natutuwa ako with the number of comments that I get. Dati kasi pa-isa-isa then dalawa or madalas ay wala. Ngayon five or more na! That means napapansin na din ang pinaghirapan ko yun nga lang at minsan ay di ako nakakapag-update dahil sa busy schedule or super pagod na pag-uwi ko at di ko na kayang mag-open pa ng computer and post.

Sana dumami pa...

Dito naman sa site na ito, iisa pa lang ang matyagang nagpopost ng comment, si Teng... Thanks Teng! Friend nga kita wahehhehehe.


Sana yung dumadaan (kahit di nakakaintindi ng Tagalog) ay makapag-comment naman or share ng thoughts nila about my post, pwera foul words at spam hekhek.

Sa lahat ng nagbabasa ng blog ko, THANK YOU VERY VERY MUCH!


Katakot kaya!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments


"Takot ako eh!" Yan ang sikat na linya ni Matet noong maliit pa siya.

Bago ko ituloy ang aking kwento tungkol sa pagkahilig ko sa pagdo-drawing, ikukwento ko muna ang ilang takot ko sa buhay. Malamang takot nyo din ito.

Naisip ko na i-post ang tungkol sa takot nang pag-uwi ko kahapon ay may nakita akong truck ng LPG na malapit sa akin. May sakay itong lalake na nagyoyosi. Natakot ako. Biruin mo ang lakas ng loob nyang magyosi habang nasa likod lang nya ang mga tangke ng gasul. Paano kung biglang may mag-leak? Paano kung yung upos ay maitapon sa mga tangke? Katakot kaya yun! Sa takot ko, lalo pa akong napalakad ng mabilis, halos tumakbo na ako dahil nakakangilong isipin na baka anumang minuto ay biglang may mangyari. Praning!


Isa pang naalala ko na related dyan sa LPG na yan. May mga mumurahing gas station dito sa amin na di marunong magpatupad ng tamang disiplina sa kanilang refilling station. Akalain mo ba naman na nag-loload ng gasoline ay naka-yosi! Anak ng Pusa! Lakas ng tama nung lalake na para bang di natatakot sa maaaring mangyari kung biglang pumatak ang kahit na kaunting upos na may baga pa (o siguro ay di niya naiisip pa yun dahil ang mahalaga sa kanya ay bisyo at pera). Nyahay! Katakot kaya!




Parang sa mga pagawaan ng mga paputok na pagka-dami dami ng ginagawa.

Di ba nga andami nang pagawaan ng paputok na nasunog, sumabog at naging new year ang paligid dahil sa kapabayaan? Isang malaking halimbawa na lang ang Starmaker Fireworks na matindi ang naging pinsala, di lang sa factory nila kung hindi pati na din sa paligid nila. Sabog!



Kelan kaya matututo ang tao na maging maingat no? Para bang walang kwenta ang buhay nila. O di kaya naman ay walang pakialam talaga sa sarili at sa mga taong maaaring mabiktima ng kapabayaan. Tsk tsk... Katakot Kaya!



Drawing

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Bata pa lang ako ay mahilig na akong gumuhit. Kahit na ang nabubuo kong itsura ay distorted, para sa akin ito ay napakaganda na. Lahat naman di ba ganun talaga? Sino pa ba naman ang unang dapat na humanga sa sariling gawa kung hindi sarili.

Sa pagkakaalala ko nagsimula akong gumuhit ng hindi abstract nung umuso ang kantang "A Whole New World" dahil sina Alladin at Princess Jasmine ang naging subject ko. Natatandaan ko pa na sa yellowpad pa ng nanay ko ako nagtatyaga na magdrawing gamit ang pulang colored pencil na napulot ko lang sa kung saan.

Uso pa noon ang comics na nakasampay sa tindahan at nirerentahan ng bente-singko pesos para sa isang araw para mabasa. Doon ako natutong gumuhit ng magandang mata (inuulit ko, para sa akin ang gawa ko ay napakaganda na kaya ang sinasabi ko ay ayon sa akin lang.) Sa simula ay madaya pa ako. Ipinapailalim ko sa papel ang comics at kokopyahin ko ang drawing doon. Presto! May magandang drawing na ako. Pero syempre pagtagal-tagal ay natutunan ko na din ang magdrawing ng di nandadaya.


Ang sabi nga di ba, "practice makes perfect" at tama si AiAi delas Alas sa "Tanging Ina N'yong Lahat" na nobody is perfect so why practice? Hindi ko talaga ma-perfect ang pagdo-drawing pero sigurado naman ako na gumaganda naman ang ginagawa ko habang tumatagal.

Mula kina Jasmine, Alladin at genie in the lamp ay naging abala ako sa pagguhit ng mga mukha ng tao at ang pinakagusto kong ginuguhit ay ang mukha ng crush ko (kahit alam kong di talaga nya kamukha, pinapaniwala ko ang sarili ko na siya yun at kamukha nya yun HA-HA-HA!) Pipikit lang ako, iimaginin ko na ang mukha nya--Clean cut hair, China eyes, pointed nose, at kissable lips (Ahay! landi! haha!)

Di lang naman si crush ang subject ko palagi. Nandyan si Vince Hizon na naging paborito ko noon dahil nga sikat na sikat ang Ginebra (teka gaano na ba ako katanda at mukhang di na yata naglalaro ang sinasabi kong player na ito?) Anyway, kahit nga si Vince ay di nakaligtas sa paglapastangan sa mukha nya sa drawing ko.

Dumating pa nga ang panahon noon na pakiramdam ko ginagago lang ako ng mga kaklase ko o inuuto dahil pinagkakaguluhan nila ako noon at pinipilit na sila ay i-drawing ko. Pinupuri-puri pa nila ang gawa ko at sinasabing maganda at magaling daw ako. Ako naman ay si tanga at naniniwala.

Minsan kasi ay naisipan kong iguhit ang mukha ng kaibigan ko gamit ang Staedler pencil at nakita ito ng mga kaklase ko. Isa-isa na silang nakipag-kontrata sa akin para sila din ay makalibre ng mala-charcoal pencil na drawing ko kuno.

Sabagay, saan ka nga ba naman makakahanap ng libreng ma-istetch ang mga pagmumuha nila kung hindi sa akin. Kahit na nga ba di ganoon ka-perfect ang pagkakagawa ay pwede na rin.

Naalala ko pa nga noon na maging teacher ko ay nagpagawa ng drawing ng picture nya. Naging malaking hamon sa pagiging artist ko kuno ang pagguhit sa mukha niya. Di sa panlalait, nahirapan talaga ako. Paano ba naman, medyo exotic kasi ang kanyang face. Maaaring itanong nyo sa akin kung bakit ko ba naman kasi tinangka ko pang iguhit siya kung alam kong di ko naman kaya. Paano ba naman, siya ang nag-request at takot ako na baka pag hindi ko siya pinagbigyan ay baratin ako sa grade at bumagsak ako at di pa maka-graduate.

At ayun na nga, pinagbigyan ko. Binigyan niya ako ng pinakamaganda na sa kanyang larawan at sinimulan ko na ang aking malaking parusa sa buhay. Di lang yata linggo ang inabot ko kung hindi halos buwan samantalang yun iba ay oras lang ang tinagal. Halos sumuko ako pero sa awa ni Lord natapos ko. Sabi ko sa sarili ko noon kasi na kailangang maging maganda si ma'am kung hindi baka ibagsak niya ako. Kaso yun nga mukhang talagang di kayang baguhin ang katotohanan.

Tumyempo pa ako sa pag-abot ng drawing sa kanya, yung time na cool sya at malabong magalit. Nang makita nya, nagulat sya. Ang sabi, bakit daw ang pangit. Gusto ko sanang sabihin, "nagtaka pa kayo e mukha nyo yan," pero syempre di pwede di ba? Dagdag pa niya, bakit daw ang layo ng itsura. Sabi ko, "ma'am best ko na po yan," kahit gusto kong sabihin na talagang mahirap iguhit ang mukha niya. Siguro ay umaasa siya na kahit sa drawing ay gumanda siya. ANG SAMA KO TALAGA! I'm sorry ma'am talagang wala nang pag-asa yan. Pinaulit nya hanggang sa nagkalimutan na kami sa bagay na yun. Buti naka-graduate na ako.

Itutuloy...





 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com