this on Facebook!

Sentimiento de pimiento

Posted by: Klet Makulet,

Parang hindi ko ata hinangad na maging superwoman. Yung naka bra at panty lang na may kintab-kintab para hindi halatang panloob pala siya. Ayoko din ng may kapa (yung telang pula o asul o kung anuman kulay yun na ninakaw lang sa kung kaninong sampayan). Ayoko din na sisigaw ako at iikot para magpalit ng anyo mula sa pagiging Klet sa pagiging Super Makulet (lalong kukulit lang pala hahaha), o kaya naman ay lulunok ng bato na di ko alam kung saan galing.At ayoko din ng boots na talo pa ang medyas ng mga sinaunang basketbolista na abot hanggang tuhod.



In short ayokong maging superwoman at hindi rin ako ganun.

Bakit ko ba nasabi ito? Wala naman, arte lang, Joke.

Ang sentimyento de pimiento ko ay ang pagpapatapon sa akin sa kung saan saang lupalop ng sa Luzon. Ilang linggo na akong naging lakwatsera. Akala ata ng mga damatans eh nag-eenjoy ako na magtravel-travel. Nakakapagod kaya!

Gigising ako ng madaling araw tapos dalawa hanggang tatlo o apat na oras na byahe. Dadakdak nang dadakdak tapos byahe ulit tapos pag-uwi ay ganun ulit. Garsh! So hard. (Echos!) Tapos... tapos... tapos... tipid na tipid pa sa panglafang! Pumapayat na tuloy ako (okay, inaamin ko tumataba pa din ako).

On the other side of the side of the side (daming side), madadagdagan ang mga lalagyan ko ng pin para sa aking map. Meron kasi akong biniling mapa ng Pilipinas at balak kong tadtadin ng mga push pins para kunwari hexplorer hakoh. Yun lang ang maganda dun. Wala nang iba.


Segway lang ...
Kahapon nga pala nasa Ateneo de Manila kami at nakichismis tungkol sa RH Bill. Ang narinig ko ay ang panig ng ilang mga taga-simbahan (mga pari). May punto sila pero nais ko din namang pakinggan ang punto ng mga gumawa nito. Sila na din ang nagsabi, may bahagi ang RH Bill na maganda at makakatulong. Kung magiging bukas lang talaga ang bawat panig sa pakikipagdayalogo ng maayos, at babawasan ng Simbahan ang pagiging sarado nila at ang mga nagsusulong ng Bill na maging agresibo, malamang magkakasundo sila.


4
klet... anoh nangyari? haha... parang nde lang akoh nakarelate sa binasa koh... lolz... haha... tulog na kc atah hangbrain koh.. lolz.. ei... uhm... ano bah sasabihin koh? ahh... thanks sa dalaw sa page koh.. 'unz.. haha... sige... dumalaw balik while etoh may time daw... patulog na ren.. kaya nite... Godbless!
Ikaw na ang explorer of the year hehehehe... Ipost mo kaya mga pics mo sa mga lakad mo!
haha! ayos itong post na ito, maraming naikwento sa kwelang paraan. nadagdagan na naman ang mga kakilala kong makulit sa mundo ng blogging.

more power, iha...err...more super power pala haha!

bloghopping from yffar's world.
@Dhianz - haha itulog mo na lang yan. Kahit ako medyo magulo talagang magkwento.

@glentot - ah eh... ano eh.. di ako yun hahah joke. ayaw i'm shy.

@Nortehanon - Salamt po. balik po kayo at pipilitin kong maenjoy ninyo ang mga kwento ko dito. tenchu ulit!
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com