this on Facebook!

Magulo ang 2010

Posted by: Klet Makulet,

Ang title ko dapat ay "Madamot ang 2010" pero binago ko. Napaisip kasi ako. Hindi naman pala masyado. Kaya pinalitan ko. May baguhan naman. Ginawa kong magulo. Kasing gulo ng kwarto ko. Garsh!


Kumbaga sa putahe, hindi ko ma-explain kung matamis, maalat, mapait, maasim, malinamnam o mapakla ang buhay ko nitong papaalis na taon ng 2010. 

Nagsimula naman na okay ang lahat. January 2 nagdate na agad kami ng boylet ko. Nagpagupit sya, nagpa-hair relax naman ako. Hindi ko inaasahang magiging katulad nang nangyari sa buhok namin ang relasyon namin (eemote? NOT!) Nung nagpagupit sya, yun na pala ang huling punta nya dito (di sya pumanaw... nawalan lang ng oras na umakyat ng bundok) naputol din ang communication line namin. At ako na nagparelax ay nasobrahan sa relax pagdating sa relasyon... pag galit ako, di na ako nagpaparamdam (mga two weeks?) Sa sobrang relaxed, ilang beses nang magtapos ang aming relasyon.

Ngayong 2011, pupunta na daw ulit siya dito, hindi na muna ako magpaparelax at hahadlangan ko ang pagpapagupit nya. Kesehodang magmukha siyang ermitanyo! Wapakels!  (na-dala?!) As if naman may kinalaman talaga. Basta pinipilit kong bumait. Saka na ako magagalit paglipas ng January hehehe.

Medyo madugo din ang unang quarter ng 2010 ko. Dumanak ang pinaghalong pawis, luha, uhog, at dugo dahil sa thesis ko. Naranasan ko na hindi matulog para tapusin ang manuscript. Naubos din ang naitatabi kong savings sa bangko dahil sa mga buwayang nagpapayaman sa eskwelahang yun. At kahit tapos na ang defense may mga kung anu-ano pang kaeklatan silang nalalaman. Mandatory ang pagpapa-edit sa isang prof dun at syempre may datung na kapalit. Doble-doble ang fee. Kamuntik ko na silang ipa-XXX. Sayang, pagkakataon ko na yun para mag-artista (charot!) Sunod-sunod ang paglabas ng pera mula sa thesis proposal, hanggang sa final defense at pati ang graduation celebration ko. Pero happy ako dahil lahat yun pinaghirapan ko at masasabi kong napagtapos ko ang sarili ko. 

Yung natitirang 3/4 ng 2010, sobrang kawawa ang feeling ko. Dun ko naranasan na magpalibre, mangutang at malubog sa kumunoy ng utang(na wala sa hinagap ko na magagawa ko at mangyayari), magpaawa, hindi kumain dahil walang pera, i-divide ang breakfast para may lunch, hindi bumili ng bagong damit kasama na ang undies at medyas (may butas na nga yung iba huhuhu *paawa effect*) at bumili ng ukay-ukay kasi nga walang pera (di yun bago kaya wala pa din akong bagong damit).

Buong taon, di ko nalinis ng mabuti ang kwarto ko. Nagbagong taon kasi na mukhang basurahan ito at hanggang ngayon, mukha pa din itong dump site. Pero nagawa kong itapon na yung mga karton, plastic, at ibang papel... di ko lang mabigla kasi nasasaktan akong magbawas ng kalat dito... may sentimental value na din kahit yung talagang basura ha (nagkaroon kami ng connection...naging attached kami sa isa't isa).

Tumaba ako. OO TUMABA PA AKO LALO! Wala na ngang pera pero tumataba pa din! Yung di ko pagkain ng madami sa umaga at tanghali, binabawi ko sa gabi wehehehe. Nalulong nanaman ako sa bisyo (Ang paglaklak ng softdrinks)

Bukod sa pagtaba, nagpabaya din ako sa itsura ko. Pumapasok ako na di nagsusuklay ng mabuti, di nagpopowder, di nagpapabango, di naglolotion, magulo ang damit, and yes may araw na di nakapag-toothbrush....ng mabuti dahil nagmamadali (kala nyo di nagtoothbrush no?

Ilang beses na napundi ang ilaw ko sa kwarto at pati na din sa work area ko (nag-usap yata sila na padilimin ang mundo ko). 

Yun muna ang pangit. Syempre may maganda naman. Bukod sa gumraduate na ako, nakapag-aral ulit ako at salamat dahil kahit madaming against sa pag-aaral ko, natuloy pa din. Nakakalakwatsa ako minsan kahit na nawawala sa kalakhang Maynila (newbie kasi at promdi). Nameet ko ng mas madalas ni boylet sa Maynila kahit galit ako. Nakakain sa Chinese restaurant. Nawala at nahanap. Lumamon mag-isa. Sumakay sa LRT at bus ng Mag-isa (in short natuto akong maging independent)

Marami pang nangyari pero alam ko na kahit walang nagbabasa ng blog ko, mas lalong walang magkakagustong magbasa nito kung hahabaan ko pa lalo. 

Ngayon, pinipilit kong baguhin lahat. Nabayaran ko na lahat ng utang ko. Haharapin ko ang 2011 ng debt free. Siguro yung mga pagbabago ko ay sa susunod ko na lang ikukwento.

Harinawa maging maganda na ang 2011 ko. 


2
ahihihi nakakatuwa ka naman magkwento hahaha. kahit masaklap ang ilang mga karanasan mo eh nakuha mo akong patawanin.

ay ay ganun pala yun. sige hadlangan mo ang pagpapagupit nya! ipasara mo lahat ng salon! ipag day off mo lahat sila at bayaran mo ang sahod nila for the day! chos! :D
Jayvie, puro reklamo nga eh hehhe naka naman kung babayadan ko pa sila, magbebreak na lang kami ng boylet ko kung ganun hahaha joke. salamat sa pagcomment at pagdaan... sa uulitin!
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com