6 a.m. gising na gising pa ako. Siguro from 4:30 to 6:00 lang ang naitulog ko o baka less pa. Paano ba naman itong si Santi (isang pasaway na bagyo) ay nananalasa sa Pilipinas.
1 a.m. parang may bowling session sa kisame namin dahil sa lakas ng hangin ni Santi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Natatakot ako kahit na alam ko na safe kami sa baha o sa landslide. Pero baka malay mo biglang may mangyari tulad sa Manila at Pampangga o Baguio. Mahirap na.
Noong Friday, sabi ko sana ay wala kaming pasok ng Saturday. Sana i-declare. Eto yata yung sagot sa panalangin ko. Pero simula nang dumating si Santi, walang tigil ako sa pagbawi sa hiling ko. Sabi ko kay Lord "Okay lang po na may pasok kami ng Saturday hinaan nyo lang po ang bagyo."
Lumabas na lang ako ng room ko at nangulit sa magulang ko. Nabawasan yung takot ko kasi alam ko na safe ang bahay at safe ang family ko. Sa room ko kasi medyo exaggerated ang tunog. Parang Dolby digital surround sound masyadong malakas at akala mo nasa loob ng room yung bagyo. Akala mo wala na yung bubong sa lakas ng kalampag pero pag labas ng room, medyo mahina lang naman.
Mabait si Lord, humina nga ang bagyo after ilang oras at signal #2 na lang kami mula sa kahapong signal #3. Pero uncertain pa din ako kung may pasok kami o wala. Tumawag na ako sa pinapasukan ko, walang sumasagot. Baka nilipad na sya.
Sana nga walang pasok. Baka absent ang ihatol sa akin pag nagkataon.
Sa ngayon 7 a.m. na wala nang ulan at hangin. Nagiisip pa din ako kung papasok ako. Sana wala!
Scary Santi
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsTrip to Alabat Island
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsPara pa rin akong inaalon. Garsh!
Az and I went to Alabat Island. Alam nyo yun? Sa Quezon Province yun.
Eto ang mapa:
Yung naka-pula sa isla ang Alabat Island. Mga isa at kalahating oras pag bumyahe gamit ang malaking bangka na may katig at isang oras naman kapag Roro ang sinakyan.
Pagdating namin sa Atimonan Port (pantalan) nanlalamig na kaming dalawa ng kasama ko dahil nakikita namin ang alon. Medyo malakas at may kalakihan. Ang paalala sa amin ng mga matatanda, wag tutuloy kapag maalon. Kaya lang sabi naman nung nasa port na natural na klase ng alon lang yun. So kahit kinakabahan ay tumuloy kami.
Heto ang itsura ng alon sa Atimonan Port:
Parang isdang patalon-talon sa tabi ng port yung mga bangka pati yung Roro (medyo maliit na barko na kayang magdala ng mga sasakyan tulad ng jeep at cars). Naunang tumulay pasakay sa bangka ang kasama ko at ako ay naiwan na nakatulala habang iniisip ko kung paano ako tatawid sa makitid at tumataas-babang bangka. Buti na lang inalalayan ako nung manong. Wag daw akong mag-alala, wala pa naman daw nahuhulog doon. (maniwala ako!)
Eto naman yung sinakyan namin na malaking bangka na may katig:
Adventurous at exciting ito! Para kaming nakasakay sa Viking o Anchors Away. Sumisigaw ang mga kasabay naming mga first-timer din. Kami naman ay tawa lang ng tawa. Sila di nag-eenjoy. Mukhang natatakot at nahihilo na. Kami naman, though aminanong kinakabahan ay inenjoy namin ang trip na ito.
Sa bandang Alabat Island ay kalmado ang tubig. Maganda. Malinis. Mukhang simple ang klase ng pamumuha ng mga taga-rito.
Sandali lang kaming nag-stay dahil hanggang 1:30pm lang pala ang last trip mula sa Alabat pabalik sa Atimonan, Quezon. Buti na lang nakasakay kami sa Roro. Medyo mas nakakatakot ng konti kasi nga malaki, ramdam namin ang paggiling-giling ng barko. Hanggang ngayon nga ay para pa akong hinehele ng dagat.
Heto yung Roro:
Eto yung sa roof deck (Regular passenger kami at di kami dun sa Aircon na room kasi di kami mageenjoy:
Eto pa! Nung patawid na kami sa bakal na tulay ng barko, biglang umusad palayo ang barko dahil sa biglang malakas na alon. Napaurong pa tuloy kami. Muli, inalalayan kami nang mga mababait na manong. Salamat.
Sinong mag-aakala na makakarating ako sa mga lugar na malalayo at makakasakay sa mga nakakakabang sasakyang tulad nito. Wala! Naenjoy namin ni Az ang Alabat Island. Sa uulitin!
Makulet's Business
Posted by: Klet Makulet, 4 commentsSa hirap ng buhay, kailangang dumoble kayod. Lalo na at nag-aaral pa ako at di ko kaya na basta yung maliit na sweldo sa work ko lang ang ipangtutustos ko sa pag-aaral. Kaya isip ako ng isip kung ano pa bang raket ang mapapatos ko para kumita ng extra.
Isa sa naisip ko ay ang online business (pwera ang blogging) kung saan magbebenta ako ng aliw kagamitan like murang bahay, lupa, kotse ay hindi pala mga murang accessories ng mga babae o kaya naman mga damit, sapatos pero ang problema, di naman ako gumagamit nun so malamang wala akong masyadong idea tungkol dun. Pero iniisip ko pa din yun kung may masisimulan ako.
Isa pa sa iniisip ko ay ituloy ang naunsyaming business namin ng aking mga batchmates. Ang tusok-tusok business mga fishballs, kikiam, kwekwek atbp na pwedeng itusok sa maliit na stick. Tapos iced tea o kaya shake. Medyo mamumuhunan lang ako ng kaunti at presto may business na ako. Medyo naiisip ko lang kasi na talo ako sa bayad sa upa sa lugar kasi makikihati ako sa space sa shop ng kapatid ko. But anyway sabi ko nga, why not give it a try. Kumita man lang ako ng konti bawas na yung mga bayarin sa lpg, tauhan, at rent sa space ay masaya na ako.
Ipupuhunan ko na siguro muna ang sumobrang pera ko na pangthesis ko.
--------------------
Speaking of thesis, naapprove na pero di pa din nangyayari ang proposal ko. Baka inugatan na ako dito ay di pa din ako makatapos. Gusto ko nang gumradweyt!!!
Nakadalawa na pala ako
Posted by: Klet Makulet, 4 commentsNung July, nagpost ako ng Klet Makulet's Want List. Bale walo lang ang nilista ko kasi yun ang sa tingin ko ay gustung-gusto ko talaga. Sabi ko pa nga noon ay mga sampung taon siguro ang aabutin bago ko matupad ang mga yun o malamang imposible.
Pero pero!!! Nakadalawa na ako day!!! Aba akalain mo makakatupad din pala ako ng wish want list ko. Tenchu Lord!
Heto yung list ko (yung naka-slash out ay natupad ko na):
1. Printer
2. Digital Camera
3. Wrist Watch
4. Cellphone
5. Speaker
6. Lan Cable
7. Notebook
8. Portable HD
Yung printer ay kahapon ko lang nabili. Canon Pixma iP1980. Maganda pero malaki at maingay parang ako hehehehe. Yung cellphone naman ay nakuha ko lang sa bangketa (joke) dual sim na nokia (di ko alam ang klase) at dahil dual sim ibig sabihin di siya orig at isa itong impostor. As i've said kailangan ko lang ng extra phone para sa Globe ko at pati Talk n Text ko ay naisama na din bongga!
Magastos na libre
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsGarsh! Anlaki ng nalibre ko sa pagpapacheck-up ko. Mga 3 consultations x 500 e di 1500 na yun. Tapos andaming mga lab test like 2D Echo at blood chem, urinalysis etc. Mga lampas din yun ng 1k.
Kaya lang kakalibre sa akin. Binawian naman ako sa gamot.
Yung 2D Echo ko na result ay may "mitral valve prolapse" daw ako. Okay wla na akong magagawa pa dun. So binigyan ako ng mga gamot.
Urinalysis ko ay normal naman daw. Samantala ang aking Blood Chem ay mataas ng konti sa normal ang aking chole-chole...Cholesterol! :P
Di naman yun bago sa akin kasi talagang tumaba ako. Ang hinihintay ko lang ay yung bigyan sana ako ng doctor ng pampapayat na gamot. Kaya lang puro supplements ang binigay sa akin. Biomega at Proflavanol. Sabagay at least wlang side effects sa akin.
Nataga naman ako sa presyo dun sa antibiotics na nireseta sa akin. Kasi tinanong ako kung may sorethroat ako e sakto kahapon ay nilalagnat-lagnat ako so sinabi ko. Dyukopo tumataginting na 90 pesosesoses ang isang tableta x 14 for 1 week yun. Laglag ang kadatungan ko.
All in all ang libre ay naging magastos pa. Pero at least kahit paano nalibre nga ako sa doctor's fee at sa aking lab tests. Salamat sa health card ko. Di nga lang ako nakapagpa-PT para sa aking ankle sprain kasi nga masama na ang pakiramdam ko.
Pero kahit may sakit ako nakapagpa-check pa ako ng thesis ko at nakapagpapirma para sa proposal defense. Bukas papasok na talaga ako. Pramis!
Tsek ap
Posted by: Klet Makulet, 6 commentsKung noon ay payat ako at maitim (hmm di naman masyadow,) ngayon naman ay mapusyaw na ang kulay ko (parang mula sa kape ay naging milo na lang... joke) ay tumaba naman ako ng sobra. Parang may mali.
So ayun nga, mataba na ako. Weno naman?! Heto namimigat syempre, madaling mapagod, masikip ang damit, malakas lumafang, and so on and so forth...
Nung minsan nakakaramdam ako ng istres at konting discomfort sa katawan. Kaya napagpasyahan ko na mag-absent muna at harapin ang aking sarili. Medyo pasaway pa din kasi umiinom pa din ako ng alkohol (supdriks ba) saka ngumangasab ng nagmamantikang taba ng baboy (yeah!)
So kanina ay nagpa-check up ako kay doctor doctor I am sick. Sinabi ko na may sumasakit sa puso ko at hindi ito inlababo o winasak na puso kundi naghihingalong puso at iba pang mga reklamo na madalas na nyang naririnig sa kanyang pasyente. So nirequire nya ako na magpa-2D Echo. So go lang ako. Malakas ang loob ko kasi covered ako ng card ko.
Tinanong ako nung miss kung first time ko. Tumango ako. At pinapasok na ako sa room. Pinahiga ako ng babae at sinabing tanggalin ko na daw ang strap ng bra ko (huwattt?!) Okay, OA na reaction lang yun saka joke lang. Di ako tumutol. Akala ko yun lang ang ipapagawa sa akin (hikbi) yun pala ay may mas masama pa siyang binabalak. Pinataas nya ang damit ko hanggang dibdib. Kung noong nagpa-ultrasound ako ng aking mga laman loob, ay hanggang pisngi lang ang nakikita sa aking mga hills (hills kasi di sya kalakihan wahehehehhe) ngayon ay gusto nyang alisin ko na ang bra ko. Di ako tumutol. Napakagat labi na lang ako at tumulo ang luha (charot!)
Ayun, medyo matagal at madiin ang lola mo sa paggawa ng proseso ng 2D echo na yun. Inikot-ikot nya ang umiilaw na something sa tapat ng puso ko. Nakatagilid ako kaya di ko makita ang pinipindot pindot nya sa computer. Iniisip ko baka magka-scandal ako. At di pa siya nasiyahan sa burlesk kong katawan. Pinataas pa nya ang kaliwang kamay ko sa unan. Feeling ko tuloy, ako si Rose ng Titanic na dinodrawing ni Jack.
Binigyan na nya ako ng tissue to wipe off the excess jell at gusto yatang maki-touch, naki-wipe din sya. Hahay!
After ko magpaboso. Dumeretso ako sa SM at nag-grocery. Pag-uwi ko, medyo sikip na yung jeep pero nagtyaga na ako kasi gusto ko nang makauwi agad. Dalawang lalake ang katabi ko at medyo may kalakihan ang mga katawan kaya nag-lean ako forward para yung mga braso nila ay di dumidikit sa aking side. Ayaw ko kasi nung ganun napaka-uncomfortable. So in short, nahihirapan ako ng konti sa aking posisyon. Nagmomove ako palayo sa guy na nasa kaliwa ko kasi galaw sya ng galaw at kinukuha nya lagi sa bulsa ang kanyang phone. At di pa siya nasiyahan, dahil medyo malaki ang space sa likuran ko, nilagay nya ang kamay nya sa upuan. Dun na ako nagalit. Sabi ko "pwede yun kamay?!" (di pa tama ang sentence ko pero nagets na nya, ikaw na ang taasan ng kilay at simangutan) sabay bumulong pa ako na..."hirap na nga umupo tapos gaganun pa!" Matagal ko na din gustong gawin yun sa lahat ng mga katabi ko lalo na yung mga guys na insensitive o masyadong kups at manyak talaga. Sinasadya o hindi, dapat alam nila kung paano ang pagrespeto sa katabi. Hmp! Imbyeran. Pati kanina sa isa pang jeep na sinakyan ko sabi ko "Makiki-move na nga po!" kala mo kasi pag-aari nila ang upuan. Kulang na lang humiga na sila dun.
Totoo nga ang sabi sa horoscope ko, magiging masyadong prangka ako sa loob ng anim na buwan. Garsh ang ganda ko! joke lang!!!
If I were a boy
Posted by: Klet Makulet, 2 commentseven just for a day
I'd roll out of bed in the morning
and throw on what I wanted and go"
Bagay na kanta ng mga babaeng pusong lalake...pero wala bang "If I were a girl" para patas naman sa mga lalakeng pusong babae. *joke*
Anyway, hindi ko planong i-topic ang identity crisis ng iba. Feel ko lang yung kanta.
Naiinis ako dun sa guy. Affected! Hehehe.
Sa babae, more on emotion ang reason nya but for the guy, ang dahilan nya for acting like that is because para sa kanya, basta umuuwi sya sa girl nya ay tama na yun. Parang mali.
Kaya nga pati ang batas kapag nanlalake ang mga babae, matindi na ang kaso samantalang ang mga lalake ay kahit harap-harapan nang nambababae basta hindi binabahay ay okay lang.
Meron pang topic sa isang forum na di ko na napupuntahan ngayon, ang pinagdedebatehan ay kung "innate" ba sa mga lalake ang pagiging "polygamous" kumbaga, natural. Pero di ba, kung gugustuhin nilang maging monogamous eh magagawa naman. Naitatak lang sa isip nila yun. Hindi naman sya norm at lalong hindi tradisyon.
Parang noon. Ang mga lalake lang ang pwede sa ganito at sa ganoong bagay samantalang ang mga babae ay tamang muchacha na lang sa bahay. Buti na lang di na ganun. Malamang sumama na ako sa mga nag-aklas.
Heniway, sa mga kalalakihan na nais i-express ang kanilang naiisip dito ay welcome kayo pwera away ha. Peace! :P
Textmate sa Landline???
Posted by: Klet Makulet, 7 commentsDi ko mapigilan ang sarili ko. May tumawag dito sa bahay, sa landline namin. Ang sabi "Can you be my textmate?" WTF?!
Bago yun hello lang ako ng hello at baka kakilala ko ang nasa kabilang linya. Inulit lang nya ang tanong kaya ang sagot ko ay hindi pwede. Pinigilan pa nya ako nung ibababa ko na yung phone. Pero sorry binaba ko.
After 5 to 10 minutes, tumawag ulit. Tinatanong nya ang number ko. Ang sabi ko hindi pwede. Bakit daw. Sabi ko "Alam mo kung katextmate lang kailangan mo, magtetext ka sa kahit na anong number at may katextmate na nya yun." Di pa nakuntento kinulit pa din ako (Ako naman kasi sagot ng sagot gusto din hahaha) Sabi ko sorry may asawa na ako (wala pa syempre... wag muna) May asawa na din daw sya. Sabi ko aba masisira ang pamilya natin sabay baba ng phone.
Di ko gawain talaga ang magbaba ng phone basta kasi nga kabastusan yun kaya lang wala naman ako magawa kaya binaba ko na but di malakas kasi masakit din sa tenga yun hehehehe.
Then yung yaya ng pamangkin ko ang pinasagot ko. Binagsakan nya ng phone. Then tumawag pa ulit yung asawa naman ng kapatid ko ang pinasagot ko. Sabi ko mag-English sya. Tawa ako ng tawa kasi paos o hoarse ang boses. Tawa kami ng tawa. Alam naming nahihirapan yung guy at nahihirapan na din si ate pero nageenjoy. Napatawa nya ako...kami... at in fairness, maganda ang boses nya. Pero wala pa ding kilig factor hmp!
Kilig Factor, Pa-cute Effect
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsI was riding a jeep (naks! English! Sige tagalog na lang baka duguin ako) nang isang babae mula sa isang school ang sumakay din. Mukhang student teacher yata yun.
Di kagandahan, (kung makapanlait akala mo naman...) umupo at maya maya ang paper bag na may mga documents ay nalaglag at halos sumabog ang laman. Slow motion ito. Si babae inabot ang nahulog na gamit habang si lalake sa tapat nya (gwapo ito) ay inabot din ang nahulog na gamit. Nagkatinginan sila. Eeeeenggggk!!! (Buzzer sound.. pano ba yun?) Di yata sila match.
Dun ko naisip ang title na kilig factor. Ang pacute effect ay nito ko na lang naidagdag.
Naisip ko din na parang wala na akong kakilig-kilig sa katawan. Ay meron pa pala. Ganun yata talaga kapag sobra sobra yung kilig tapos di man lang narereciprocate hekhek joke lang. Wala lang talaga akong makitang kakikiligan at walang mga ganung effect ngayon. Matatanda na kasi ang nasa paligid ko. May cute man puro baby o super bata. Baka magalit si Aling Dionisia at sabihing may Magnolia MElk pa ako sa Labeh este may gata pa ako sa labi. Hihihihi <--- landi ng tawa. Sarap kurutin sa singit. Wehehehe
Long stressful Sunday
Posted by: Klet Makulet, 5 commentsNaka-set ang alarm clocks (with s dahit madami sya talaga) ko mula 4:30 hanggang 5:00 ng madaling araw dahil 6:00 daw ay dapat nasa testing center na kami. Makikibantay kunwari ako sa mga magtetake ng licensure exam ng mga teachers.
4:00 a.m. isang "PAK!" ang narinig ko. Napabalikwas ang sa higaan. May pumutok. Walang ilaw pero may daloy ng kuryente sa mga saksakan. Malamang napundi na ang ilaw ko. Magdamag kasi ito na nakabukas pag natutulog ako.
Buti na lang at naka-charge ang aking baboy lamp kaya may ilaw akong nagamit para makalabas ng kwarto. Wala ding ilaw sa buong kabahayan. Napraning na ako. Andami kong naiisip... baka pinasok na kami ng magnanakaw...baka binaril ang katulong namin (exaggerated na)...at kung anu-ano pa.
Gamit pa din ang baboy lamp, lumabas na ako at tumuloy sa bathroom syempre naligo na. Ang hirap. Di naman kasi ganun kaliwanag ang portable lamp na dala ko.
Wala pang 5:30 ay naka-ready na ako. Buti na lang maliwanag na sa daan.
Tumitilaok na ang mga manok, nagtutwitter este twit twit na ang mga early birds, umeebs na ang mga bagong gising na aso at nagpapaypay na ng mga panggatong ang mga nasa bahayan sa iskinitang dinadaanan ko. Naglakad lang ako palabas ng village dahil wala pang jeep nang ganitong oras.
Dumating ako sa site ng maaga. Nawawala pa kami ng kasama ko dahil di naman namin alam ang gagawin. Pare-pareho kaming baguhan.
Sumunod kami dun sa mga di nakaputi. Puti kasi ang damit ng mga examinees.
Pinapasok na ako sa room kahit wala pa ang kasama ko. Magsulat na daw ako. Whatever. Dumating ang maganda kong co-watcher. Siya na ang pinabayaan kong magtrabaho (joke). Sinabi ko na lang sa kanya na bago lang ako at turuan na lang ako.
Nakakatuwa din pala ang mga teachers at soon to be teachers. Para silang bata na mag-eexam. Karamihan sa kanila ay makukulit at pasaway. Makulit kasi matanong. Naiintindihan ko naman. Mabuti nang magtanong kesa magkamali sa pagfifill up ng mga answer sheet nila. Pasaway naman dahil kahit na ilang ulit na naming sinabi ang instruction ay yung gusto pa din nila ang nasusunod. Garsh.
Ilan sa kanila ay naka-ilang re-take na din. Sana nga makapasa na sila.
Unang dalawang set, may nahuli sa pagsasagot. Di ko alam kung super slow ba sya in comprehension. Basta mabagal sya magsagot. Nasa part II na ang lahat, siya naman ay nasa Part I pa din.
Siya din ang isa sa pinakahuling natapos noong last part na. Nakakaantok magbantay. Kahit ngumuya ako ng ngumuya ng meryenda at maglalakad. Antok pa din ako.
After ng 6 to 6 na pagbabantay, nagsimba na kami. Sabi sa akin ng kasama ko, since daw late na kami ay dun kami sa isang simbahan na maliit malapit sa Cathedral dahil late yun magsimula.
Nakakastress. Kasi una, tabing daan ang chapel na yun kaya rinig ang mga bastos na nagbubusina. Ikalawa sintunado ang tunog ng sina-old na organ at sina-old din ang nagtutugtog. At dahil sintunado ang tugtog, sintunado na din ang mga kumakanta. Pati yung pari ay nagkamali mali na ng tono. Nakakastress na nakakatawa. Nagkakasala pa ako syet.
May tumabi sa amin na mag-asawa yata sila kasi may wedding ring ang lalake (di ko makita yung sa babae). Ang likot nila soooooooobbbraaa. Tingin ko may sakit yung lalake. Parang may Parkinson na MR na di ko maintindihan.
Huli ko nang napansin na kakilala ko pala ang babae. Di ko na pinansin. Siya ang babaeng kinaiinisan ko. Medyo nilalandi lang naman nya ang kapatid ko noon (taken na po ang kapatid ko). Di siya nakakatuwa.
Sa peace be with you portion ay sinadya kong di dumaan ang tingin sa kanila kahit na super nagpapapansin siya sa lugar nya. Paano ko nasabi? Napaka-unusual ng posisyon nya lago syang naka-lean sa luhuran. Di naman siya ganun noong di nya pa ako nakikilala. Siguro gusto nyang pansinin ko sya at kausapin. Asa!
Umuwi na kami agad. Sabi ko sa kasama ko malamang di na ako babalik pa doon. Nakakastress talaga.
Ngayon, heto ako. Absent. Sakit-sakitan. Stressed.
Goodbye Ondoy, Hello Pepeng
Posted by: Klet Makulet, 2 commentsDi pa yata nasiyahan ang Ondoy at nagtawag pa ng kakosa nyang bagyo, yung mas malakas pa sa kanya. Parang nakakaloko ah.
Sabagay, sabi nga ni Kuya Drake (blogger) wag sisihin ang isang natural na pwersa ng kalikasan. Ngunit sana naman di sabay-sabay o sunod-sunod. Papahingahin muna ang mga tao sa hirap na dinadanas. O baka ang gusto nila (ng mga bagyo kung nag-iisip man) ay isahang bagsak na lang para wala na ulit masira pang pinag-ipunang gamit.
Ngayon, sa pagdating ni typhoon Pepeng, iniisip ko ang aso ko. Di dahil sa malamang na babaha kundi alam kong mababasa siya ng ulan at matatakot din sa lakas ng hangin. Ngunit doble naman ang nararamdaman ko para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Inisip ko, paano na sila? Kaya pa ba?
Sana nga less rain itong si Pepeng... yun nga lang expect more wind daw, pano naman yun? Liliparin naman ang mga sasalantahin? Susmiyo naman! Sana mabasag ang bagyo sa pagdaan sa mga kabundukan. Sana mataas si Pepeng at di masyadong bumaba sa lupa.
Ngayon ay naririnig ko sa balita na umaapaw na ang ilang mga lawa... ayan nanaman po.
Goodbye Ondoy, hello Pepeng. Please leave us unharmed.