Naikwento na ng kapatid ko ang tungkol kay Jacque Bermejo. Isang Filipina na naka-base ngayon sa Dubai at nagpagalit sa mga kababayan niya dahil sa sinabi niya sa kanyang Facebook account. Ayon sa umano kanya “buti n lng am hir in dubai! Maybe so many sinners bak der!so yeah deserving wat hapend!” Sinabi kong umano dahil ayon sa bagong statement nya na na-hack daw ang kanyang account at di siya ang nagpost noon. Sino kaya? Hmmm.
Kung totoo man na siya nga yun. Tulad noong isang post ko tungkol kay Tracy Borres ay parang katulad nang kay Jacque. Maaaring di makataong salita na nanggaling sa isang kababayan na katulad ni Candy Pangilinan na binaba ang pagkatao ng mga Igorot na parang di rin sila tao nang humirit siya ng joke na "Tao Po Ako, Hindi Po Ako Igorot." Tao lang din sila at di sila perpekto. Pero di ko sila pinagtatanggol. Alam kong mali. Sabi ko nga, tulad nakararami at malamang kasama ka na din doon pati na ako, nakakapagsalita tayo ng mga bagay-bagay nang di nag-iisip.
Naalala ko yung biglang sinabi ng yaya ng pamangkin ko "maigi at nabawas-bawasan ang tao sa Manila" na nung pinansin namin at parang napag-isip isip niyang mali pala yun. Malamang, naisip ko, dahil di kami nasalanta ay nakakapagbitaw siya ng ganoong mga salita. Siguro kung may kakilala siya doon o kapamilyang nadamay sa bagyo at baha ay di niya masasabi yun at malamang isa na din siya sa galit kay Jacque Bermejo pero hindi.
Hindi ako natutuwa kahit joke. Kasi unang panood ko pa lang doon sa video footages sa TV ng mga binaha at lalo na yung isang grupo na inanod sa ilog at nagkawatak-watak nung humampas ang kanilang kinatatayuang bubong ay parang naiiyak na ako.
Parang isang pangkaraniwang panlalait ito sa mga may kapansanan o mga "chaka" o mga "jologs" o mga "hampas lupa" na nakikita sa paligid. Simpleng banat na walang balak manakit pero iba yung epekto.
Malamang sa makakabasa nito, maaaring may magalit sa yaya ng pamangkin ko. Pero di ko rin masisisi nga, dahil di nga niya nararanasan yun. Pero sana di rin tayo makigaya sa kanila na ipagdasal na sana ganito at ganun sila para malaman nila yung pakiramdam.
Yung mga tumutuligsa, kung ang pagtuligsa ay sa paraang masama, anong pinagkaiba ninyo sa kanila? Wala. Pareho lang kayong di nagiisip sa mga salita. Pareho lang kayong masama. Sa halip na lait-laitin mo din ay pagsabihan sa matinong paraan o ipagdasal na lang siya na sana maliwanagan ang utak niya at magsisi sa sinabi. Di ka na nang-away di ka pa nagkasala. O di ba?
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
September 30, 2009 at 4:41 PM
Ingat
October 1, 2009 at 1:08 AM
It makes a whole world of difference.
Thanks for leaving a comment on my blog. Hope you don't mind that I added you in my links :)
October 2, 2009 at 5:46 PM
tama. may little jacque sa bawat isa sa atin.
@Eternal Wanderer
thank you for your comment and thank you for adding me.
Post a Comment