this on Facebook!

Pasado

Posted by: Klet Makulet,

Isang linggo ko din akong kating-kati nang malaman ang grade ko sa comprehensive exam na dumagdag sa kalyo ng daliri ko dahil sa walang kamatayang essay tungkol sa kung anu-anong bagay.

Pakiramdam ko pa nga babagsak ako dahil sa kalokohan ko sa sagot ko dun sa tanong na "What is your philosophy in life?," Di ko alam kung naikwento ko na ito last time, ang isa sa mga sagot ko ay "Life is beautiful" at ang explanation ko, "... so am I."

Yun yon eh! kakaba-kaba ako. Kahit alam kong kasalanan ko talaga pag bumagsak ako dahil sa kalokohang yun.

Awa ni Bro, pasado ako. Wooooohooooo!!!

Noong Saturday ko pa nakuha yung result. One week after official na nirelease ang mga grades. Medyo nanliit pa ako sa nakuhang grade nung kaklase ko. 90% daw siya. Nainggit ako. Kasi alam ko na di ako aabot sa ganun kataas na grade.

Pero umasa ako na kahit na di ganun kataas basta mahalaga na pasado ako. Kahiya-hiya naman kasi na ako lang ang babagsak.

Nung inabot sa akin ang result. 91% (blush) Pero di ko pinagmayabang. Nahiya pa nga akong sabihin sa iba yung result ko. Basta sinabi ko na lang na pasado ako. Dito ko lang pinagmayabang kasi wala lang. hehe.

Isa pang nakakatuwa, yung first three chapters ng thesis ko ay okay naman. Kaiba din sa inaasahan ko, konting polishing na lang --edit edit-- tapos pwede na daw ako magpa-schedule ng defense.

Kung ako ang papipiliin, ayokong mag defend ng proposal. Kasi 10k pesosesoses ang mawawala sa akin. Wala namang kapalit yun. Basta ibabayad lang sa mga wala namang naitutulong na mga tao. Bat kasi naman nauso yun dun sa school na yun. Tsk tsk. Pera pera talaga.

Anyway. Matapos ko muna ito at haharapin ko na ang mas malaki-laking gastusan. Ang pagpapamudmod ng questionnaire at kung anu-anong mga bayadin. Good luck ulit sa akin!


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com