this on Facebook!

Wag tumanggi sa grasya

Posted by: Klet Makulet,

Nakakagulat ang mga pangyayari nitong nakaraang weekend. Ito yung kinakatakot ko. Ang kamatayan. Nakapangingilabot ang pangyayari.

Kaya nga ngayon, dapat di na pinapairal ang arte sa katawan. Wag tumanggi sa grasya.



Di man kami nasalanta ng bagyo, though inulan at hinagupit din kami ng hangin yun lang nga at mataas ang lugar namin kaya di kami binabaha (thank you Lord), naging malaking aral sa akin yung mga napanood ko para pahalagahan lahat ng nasa paligid kahit na mumunting bagay.

Last Sunday, nakapag-mass ako ng 7:30 a.m. dahil di natuloy ang LET. Nakijoin ako dun sa mga magbabantay sa mag-eexam yun nga lang itong mga nasa kinauukulan eh di man lang nagsabi na di matutuloy ang examination at unang inanunsyo na sa Metro Manila lang ang walang exam. So, kanda-gising kami ng super aga para malaman lang namin na cancelled pala.

Anyway, tapos na yun. Dahil nga super aga namin dapat na nasa mga testing centers, di na ako nakapag-almusal at syempre di rin ako nakatulog sa pag-alala sa mga mahal sa buhay na nasa Manila na nastranded sa baha. Kaya after ng mass, nagplano akong kumain. May sumama sa akin. Pero ang sabi ko kailangan kumain din siya dahil ayoko na kumakain ako nang pinapanood lang ako.

Nagkasundo kami na kahit fries ay kakain siya pero biglang nagback-out siya nung umoorder na ako. Ako naman na may extrang pera noong panahon na yun ay nagmagandang loob na ibili siya (for free yun) ng balak niyang bilhin sana. Kasi nga sabi niya ay sayang ang pera kaya di na lang siya kakain.

Nung umupo na kami biglang bumanat na di daw nya kakainin yung inorder ko at ako na lang daw ang kumain nun. Sa totoo lang nung time na sinabi nya yun, gusto ko syang murahin sa inasta nya. Parang mali ako sa ginawa kong pagmamagandang loob. I don't see the point kung bakit umaarte siya ng ganun. Until now talaga naiinis ako pag naaalala ko yun.

Sinabi ko na kanya yun. Nakasanayan ko na yun palagi na kapag kasama ko siya o kung sino pa man na ininvite ko na kumain ay ililibre ko as long as may money ako. Kung wala, di ako kakain para di naman pangit na ako lang ang nag-eenjoy. Ilang beses kong inulit sa kanya na kainin na nya yung binili ko. Nagtitimpi ako ng galit. Alam kong maliit na bagay lang pero iniisip ko na napakaraming tao na nangangailangan ng food to eat pero heto siya at nagiinarte sa di ko alam na dahilan.

Huling sinabi ko sa kanya "Kulasa(di tunay na pangalan) sinasabi ko sa iyo pag di mo kinain yan iiwan ko yan dito masasayang lang yan. Kung nanghihinayang ka sa pera mong panggastos, mas manghinayang ka diyan sa binibigay ko." Poker face na ako at talagang pigil sa panggigigil.

Natakot yata sa akin. Dahil di ko na kinakausap ng matino. Nagtatanong siya at sinasagot ko pero halatang wala na ko sa mood. Nakataas na din ang kilay ko at ramdam kong namumula na ako sa inis. Kinain na niya yung food. Kahit paano ay nabawasan yung galit ko that moment.

Until now, cold treatment ang drama ko sa kanya. I know alam nyang masama loob ko sa kanya. I told myself, di na ako uulit na manlibre o magabot ng kahit na ano pa sa kanya. Yun ang kapalit ng ginawa nyang kaartehan sa akin. Siguro nga dahil umangat na siya sa buhay at di na siya yung taong palaging nangangailangan ng tulong. Siguro nga umakyat na sa ulo nya yung kung anong karamdaman meron ang mga nakakaangat mula sa hirap.

Napakaaga pa para magmataas. Saka di lang ito yung time na talagang sumama ang loob ko sa kanya. Di ko magets kung bakit biglang nagshift yung ugali niya sa napakabait to someone na parang di ko na kilala. Kung sumagot sa akin parang di ako nakakatanda sa kanya. Anyway, bahala siya. Sinira lang nya yung na-invest kong pagpapahalaga sa kanya bilang friend.

Sana matuto syang lumingon sa pinanggalingan.

---------------------------------------------------------
May sense ba sinabi ko? Parang naguluhan ako sa post ko ngayon wahehhehe


--------------------------------------------------------

Sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy sana makaraos kayo sa hirap na pinagdaanan nyo. Sa mga di naman nasalanta sana makatulong tayo sa kahit na anong paraan na pwede tayong tumulong... Kailangan nila tayo.


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com