Ilang araw na lang at matatapos nanaman ang isang taon. Marami nanaman ang magpopost ng "Goodbye 2019, Hello 2020!" o kaya naman ay "2020 please be good to me"
I had a whirlwind experience with year 2019, to be honest. May ilang panahon na naging #blessed ako at may ilan din na #loser. Pero kahit na ganoon, naging masaya averagely ang 2019 ko pero ito ha, patapos na ang taon, di pa din pinatawad ni December ang paghuthot ng natitira kong ipon. Grabe!
Ang bonus, ang ipon, ang pakaipit-ipit na pera ay masasaid na. Sa kaliwa't kanang celebration ba naman, nakalimutan ko na ang paalala na magcelebrate nang ayon sa sweldo hahaha. On the positive note, I did enjoy almost all my of my spendings (except for the last 'eat-all-you-can' namin ni ex-boyfriend. Nakaka-umay!)
For sure, hindi pa ito ang last na pagkakagastusan ko but hey, basta ikakasaya ng pamilya, why not di ba?!
Ikaw, kumusta ang 2019 at ang Disyembre mo?
December ate my money
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsIn pa ba ang BLOGGING?
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsSa panahon ngayon ang uso na daw ay Vlogging or video blogging kung saan ang mga followers ay manonood na lang at makikinig sa ilang minutong update ng kanilang mga paboritong vloggers.
Blogging nga ba ay malapit nang maging "thing of the past"?
Make sense with Adsense
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsWhy do I have Adsense?
More than 10 years and counting
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsI started Klet Makulet blog circa April 2008. I have other blogs made way back early 2000. My reason, just to express myself.
It's my outlet of unexpressed thoughts, hidden feelings, my sort of diary.
Years passed and I slowly began to post a little less than usual.
Dear Other Self
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsI am currently watching Jodi Sta. Maria's movie Dear Other Self. Bigla kong naalala ang Thailand at napaisip din ako... ano nga kaya ang buhay ko kung hindi ito ang napili kong buhay?
Yung adventurous na buhay siguro ang tinatahak ko ngayon dahil yung real me ngayon ay nasa safe and comfort zone pero masaya ako. Totoo.
Siguro lang talagang ito ang buhay na para sa akin. Yung sure. Yung safe. Yung masaya.
So dear other self, siguro sa susunod na buhay ikaw naman ang pipiliin ko para fair hahaha.
Gray hair
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsIlang taon na ba ang lumipas? Noon ako ay napakasipag pa na magpost at makipag-kulitan sa mga bumibisita sa aking blog. Halos hindi na din nadadaanan itong munti kong paraiso.
RAPE!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMadalas nakakabasa tayo ng mga kwento ni Inday na madalas na ginagawang kalaguyo ng kanyang amo na lalake o kaya naman ay minamanyak. Kinukwento ito sa paraang nakakatawa ngunit hindi ko naisip na ang ganitong bagay ay mangyayari o nangyayari sa totoong buhay.
Do you Know Where You are Going To?
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsDo you know where you are going to? Kanta ni Diana Ross na naging theme song ng palabas na Mahogany at tanong ko sa sarili ko pagka-graduate ko ng high school.
Getting old
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMukhang nakakalimot na ako. Maraming bagay na ang hindi ko na naaalala, tulad nito, ang aking blog. Nalimutan ko na ba ang aking kakulitan sa blogosperyo? 2013 pa ang huling post ko.
Kasagsagan kasi noon ng mga blog at mga forum pati na ang aking pagiging bata kung kaya naging madaldal ako sa mundong halos iilan lang ang nakakakilala sa akin ng personal. Pero hanggang dito na nga lang ba ang mundo ni Klet Makulet?
Kamias Smoothie
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsKamias o Averrhoa bilimbi sa ibang bansa na madalas na nakikita na namumutiktik sa bunga sa bakuran o sa paligid lang.
Kahapon nga ay namalengke kami at nakita ko itong kamias at gusto kong tikman ang lasa ng Kamias smoothie. Lo and behold nakahanap ako ng pantapat ko sa green mango shake.
Ang ingredients lang naman ay kamias, ice, water at nasayo na if you want to add milk (although sabi nga nila ay kontra ang gatas at maasim so nasa inyo na yon) blend everything and meron ka nang kamias smoothie. Enjoy!