this on Facebook!

Getting old

Posted by: Klet Makulet,

Mukhang nakakalimot na ako. Maraming bagay na ang hindi ko na naaalala, tulad nito, ang aking blog. Nalimutan ko na ba ang aking kakulitan sa blogosperyo? 2013 pa ang huling post ko.

Kasagsagan kasi noon ng mga blog at mga forum pati na ang aking pagiging bata kung kaya naging madaldal ako sa mundong halos iilan lang ang nakakakilala sa akin ng personal. Pero hanggang dito na nga lang ba ang mundo ni Klet Makulet?


ANO KA HILO?! Nakalimot lang ako ngunit hindi pa ito ang katapusan ko!

Maaari ngang ako ay tumatanda na o malamang tamang sabihin na nagmamature na din ang isip, hindi na puro kakulitan ang gustong sabihin kundi mga seryosong bagay na (seryoso daw oh!) pero feeling bata pa rin ako. Medyo wala na ngang sense itong tinatype ko. Parang may maipost lang (hehe halata ba?).

Ang totoo, namimiss ko ang blogosperyo, kung saan malaya ako. Malaya sa sasabihin at iisipin ko. Kung saan hindi nakakabit ang "propesyon" ko. Na kapag nabasa ito ng kakilala ko ay ang sasabihin, Klet, ikaw ba yan? O baka matanggal ako sa trabaho dahil sa mga nakasulat ditong ka-eng-engan.

Naalala ko nung nakipag-meet ako sa isang blogger at parang hindi ako naging si Klet sa personal, bigla akong nahiya, parang impostor. Pero okay lang, ganun talaga kasi ako pag first time, lalo na at medyo nasapawan ang aking beauty ng mga ka-meet-up ko. Isang syanang katulad ko ay kaharap ang mga medyo sosyal na tao, nanliliit lang kasi ako noon.

Tama na ang paliwanag. Basta hindi pa ito huli, tumanda man ako ng ilang taon, ilang bilbil man ang nadagdag sa katawan ko at ilang wrinkles pa ang makita sa mukha ko, ako pa rin si Klet, young at heart pa rin.

Kumusta na pala kayo? Namiss nyo ako? :)


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com