Do you know where you are going to? Kanta ni Diana Ross na naging theme song ng palabas na Mahogany at tanong ko sa sarili ko pagka-graduate ko ng high school.
Alam ko nga ba kung saan ako pupunta? Litong-lito ako sa desisyon ko lalong-lalo na sa kursong kukunin ko noon sa kolehiyo. Mula sa pagiging doktor, na diniscourage kahit pagiging nurse dahil nakakadiri daw ang gagawin ko, hahawak daw ako ng poops blah-blah-blah, tapos dressmaker/fashion designer (na gusto ko lang magdrawing ng damit pero ayoko ng trabaho), tapos gusto ko nang maging engineer o kaya naman ay architect para related sa interest ko pero bawal daw akong lumayo ng school kaya nauwi ako sa course na interesado din naman ako ngunit malayo sa hinagap ko na magiging kurso ko at nagtuloy ako ng pag-aaral sa school kung saan nag-aaral na ako mula kinder at magtatapos din ng college (Loyalty award!)
Do you like the things that life is showin' you? Do you get what you're hopin' for? Gusto ko nga ba? Mukhang okay naman ngunit lahat ay parang nakakagulat ang mga pagbabago. Malayo sa hinagap ko, malayo sa plano, malayo sa tunay na GUSTO ko.Naalala ko ang sinabi ni Bea Alonzo sa pelikula nila ni John Lloyd na "The Mistress," sabi niya “Di dahil gusto mo, makukuha mo.” Totoo naman. Makuha man ay hindi sa panahon na ginusto ko.
Now looking back at all we've planned, we let so many dreams just slip through our hands. Maraming opportunities akong pinalampas, maraming chance na hindi ko pinahalagahan... maraming nasayang. Maraming planong magaganda pero hindi man lang nasimulan o natupad.
Nagsisisi ba ako? Hindi. May mga pangyayari man na hindi ko ginusto ngunit narealize ko na patungo pala ito sa isang mas magandang bukas. May sorpresa palang naghihintay sa akin sa bawat araw at pagkakataon na hindi ko nakuha ang gusto ko o nagawa ang plano ko. Minsan sinasabi ko sa buhay ko "surprise me!"
Ikaw, lalo na kung bagong graduate ka, do you know where you are going to?
creepsilog
5 years ago
Post a Comment