Madalas nakakabasa tayo ng mga kwento ni Inday na madalas na ginagawang kalaguyo ng kanyang amo na lalake o kaya naman ay minamanyak. Kinukwento ito sa paraang nakakatawa ngunit hindi ko naisip na ang ganitong bagay ay mangyayari o nangyayari sa totoong buhay.
Mga ilang araw lang ang nakakaraan nang ang isa sa mga Inday namin sa bahay ay muntik nang ma-rape ng kapitbahay. Hindi man kagandahan ay may katawan namang pagnanasahan. O malamang ay talagang nakaramdam ng kakaiba itong lalaki na bigla siya hinatak at niyakap at pinaghahalikan.
Ang kwento ni Inday ay nagmamakaawa daw siya na tumigil na at sabi ay "Kuya, huwag po, kuya" habang ramdam na ramdam nya ang pagkalalake nito sa kanyang likod dahil hinila siya habang nakatalikod at pilit siyang pinauupo habang niyayakap. MAbuti na lang at dumating ang anak ng may-ari ng bahay na pinagdalhan noong kapitbahay namin at bigla siyang itinulak at nagmadaling umalis.
Nagmakaawa si Inday sa inaanak nung lalakeng kapitbahay namin na iuwi na siya sa amin. Umiiyak siyang nagsumbong sa aking kapatid at nanay. Dahil nagmamalasakit, tinawag nila ang lalakeng salarin at umamin naman at ang sabi "lambing lang daw yun." Pilit pang inabutan ng pera, na limandaang piso ang halaga, ang kawawang si Inday na hindi naman ito tinanggap.
Tinawag ang asawa ni salarin ngunit sa halip na ang asawa ang kastiguhin ay si Inday pa ang sinisi at sinabing sinungaling ito.
Dinala namin ang reklamo sa pulisya upang mapa-blotter. Acts of lasciviousness ang hatol dahil sa hindi daw kasi nailabas ang birdie ni kapitbahay. So, kailangan pala nailabas para maging rape? Pinilit din sina Inday na magharap sa baranggay upang mag-ayos.
Sa puntong ito, babae nanaman ang talo. Si lalaki, malamang marami pang mabibiktima dahil ang asawa ay kunsintidor.
Ilang Inday pa kaya ang walang labang gagawan ng kalaswaan. Ilang Inday pa ang babayaran para lang hindi magsalita... at sasabihing huwag na sana itong ipagkalat.
Hindi lang si amo o si kuya ang makakagawa nito... hindi lang din si Inday ang maaaring biktima...
creepsilog
5 years ago
Post a Comment