Sa panahon ngayon ang uso na daw ay Vlogging or video blogging kung saan ang mga followers ay manonood na lang at makikinig sa ilang minutong update ng kanilang mga paboritong vloggers.
Blogging nga ba ay malapit nang maging "thing of the past"?
Tulad nitong Klet Makulet blog ko na ito na minsan ding naging buhay na buhay at naging active sa posting at pangungulit sa mga bisitang naging curious kung makulit nga ba ang post ko at later on ay na-dismaya dahil nonsense pala ang laman hahahaha. May nagbabasa pa ba?
Sa palagay ko, buhay pa rin ang blogging. Ito ay buhay pa rin para sa mga tao na ang hilig ay pagbabasa at hindi pakikinig o panonood. In pa din ito sa mga tao na hindi confident o ayaw ibulgar ang kanilang mga itsura at mga boses sa video (kaya ang ilan ay gumagamit ng application para hindi sila ang magsasalita).
Hanggat may nagbabasa at habang nariyan pa ang blogosperyo, nandyan pa din ang blogging.
Ikaw, blogger ka ba o vlogger? ano ang masasabi mo?
creepsilog
5 years ago
Post a Comment