this on Facebook!

Long stressful Sunday

5
Posted by: Klet Makulet, 5 comments

Naka-set ang alarm clocks (with s dahit madami sya talaga) ko mula 4:30 hanggang 5:00 ng madaling araw dahil 6:00 daw ay dapat nasa testing center na kami. Makikibantay kunwari ako sa mga magtetake ng licensure exam ng mga teachers.

4:00 a.m. isang "PAK!" ang narinig ko. Napabalikwas ang sa higaan. May pumutok. Walang ilaw pero may daloy ng kuryente sa mga saksakan. Malamang napundi na ang ilaw ko. Magdamag kasi ito na nakabukas pag natutulog ako.

Buti na lang at naka-charge ang aking baboy lamp kaya may ilaw akong nagamit para makalabas ng kwarto. Wala ding ilaw sa buong kabahayan. Napraning na ako. Andami kong naiisip... baka pinasok na kami ng magnanakaw...baka binaril ang katulong namin (exaggerated na)...at kung anu-ano pa.

Gamit pa din ang baboy lamp, lumabas na ako at tumuloy sa bathroom syempre naligo na. Ang hirap. Di naman kasi ganun kaliwanag ang portable lamp na dala ko.

Wala pang 5:30 ay naka-ready na ako. Buti na lang maliwanag na sa daan.

Tumitilaok na ang mga manok, nagtutwitter este twit twit na ang mga early birds, umeebs na ang mga bagong gising na aso at nagpapaypay na ng mga panggatong ang mga nasa bahayan sa iskinitang dinadaanan ko. Naglakad lang ako palabas ng village dahil wala pang jeep nang ganitong oras.

Dumating ako sa site ng maaga. Nawawala pa kami ng kasama ko dahil di naman namin alam ang gagawin. Pare-pareho kaming baguhan.

Sumunod kami dun sa mga di nakaputi. Puti kasi ang damit ng mga examinees.

Pinapasok na ako sa room kahit wala pa ang kasama ko. Magsulat na daw ako. Whatever. Dumating ang maganda kong co-watcher. Siya na ang pinabayaan kong magtrabaho (joke). Sinabi ko na lang sa kanya na bago lang ako at turuan na lang ako.

Nakakatuwa din pala ang mga teachers at soon to be teachers. Para silang bata na mag-eexam. Karamihan sa kanila ay makukulit at pasaway. Makulit kasi matanong. Naiintindihan ko naman. Mabuti nang magtanong kesa magkamali sa pagfifill up ng mga answer sheet nila. Pasaway naman dahil kahit na ilang ulit na naming sinabi ang instruction ay yung gusto pa din nila ang nasusunod. Garsh.

Ilan sa kanila ay naka-ilang re-take na din. Sana nga makapasa na sila.

Unang dalawang set, may nahuli sa pagsasagot. Di ko alam kung super slow ba sya in comprehension. Basta mabagal sya magsagot. Nasa part II na ang lahat, siya naman ay nasa Part I pa din.

Siya din ang isa sa pinakahuling natapos noong last part na. Nakakaantok magbantay. Kahit ngumuya ako ng ngumuya ng meryenda at maglalakad. Antok pa din ako.

After ng 6 to 6 na pagbabantay, nagsimba na kami. Sabi sa akin ng kasama ko, since daw late na kami ay dun kami sa isang simbahan na maliit malapit sa Cathedral dahil late yun magsimula.

Nakakastress. Kasi una, tabing daan ang chapel na yun kaya rinig ang mga bastos na nagbubusina. Ikalawa sintunado ang tunog ng sina-old na organ at sina-old din ang nagtutugtog. At dahil sintunado ang tugtog, sintunado na din ang mga kumakanta. Pati yung pari ay nagkamali mali na ng tono. Nakakastress na nakakatawa. Nagkakasala pa ako syet.

May tumabi sa amin na mag-asawa yata sila kasi may wedding ring ang lalake (di ko makita yung sa babae). Ang likot nila soooooooobbbraaa. Tingin ko may sakit yung lalake. Parang may Parkinson na MR na di ko maintindihan.

Huli ko nang napansin na kakilala ko pala ang babae. Di ko na pinansin. Siya ang babaeng kinaiinisan ko. Medyo nilalandi lang naman nya ang kapatid ko noon (taken na po ang kapatid ko). Di siya nakakatuwa.

Sa peace be with you portion ay sinadya kong di dumaan ang tingin sa kanila kahit na super nagpapapansin siya sa lugar nya. Paano ko nasabi? Napaka-unusual ng posisyon nya lago syang naka-lean sa luhuran. Di naman siya ganun noong di nya pa ako nakikilala. Siguro gusto nyang pansinin ko sya at kausapin. Asa!

Umuwi na kami agad. Sabi ko sa kasama ko malamang di na ako babalik pa doon. Nakakastress talaga.

Ngayon, heto ako. Absent. Sakit-sakitan. Stressed.


Goodbye Ondoy, Hello Pepeng

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Di pa yata nasiyahan ang Ondoy at nagtawag pa ng kakosa nyang bagyo, yung mas malakas pa sa kanya. Parang nakakaloko ah.

Sabagay, sabi nga ni Kuya Drake (blogger) wag sisihin ang isang natural na pwersa ng kalikasan. Ngunit sana naman di sabay-sabay o sunod-sunod. Papahingahin muna ang mga tao sa hirap na dinadanas. O baka ang gusto nila (ng mga bagyo kung nag-iisip man) ay isahang bagsak na lang para wala na ulit masira pang pinag-ipunang gamit.

Ngayon, sa pagdating ni typhoon Pepeng, iniisip ko ang aso ko. Di dahil sa malamang na babaha kundi alam kong mababasa siya ng ulan at matatakot din sa lakas ng hangin. Ngunit doble naman ang nararamdaman ko para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Inisip ko, paano na sila? Kaya pa ba?

Sana nga less rain itong si Pepeng... yun nga lang expect more wind daw, pano naman yun? Liliparin naman ang mga sasalantahin? Susmiyo naman! Sana mabasag ang bagyo sa pagdaan sa mga kabundukan. Sana mataas si Pepeng at di masyadong bumaba sa lupa.

Ngayon ay naririnig ko sa balita na umaapaw na ang ilang mga lawa... ayan nanaman po.

Goodbye Ondoy, hello Pepeng. Please leave us unharmed.


Di pinag-isipang mga salita

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Naikwento na ng kapatid ko ang tungkol kay Jacque Bermejo. Isang Filipina na naka-base ngayon sa Dubai at nagpagalit sa mga kababayan niya dahil sa sinabi niya sa kanyang Facebook account. Ayon sa umano kanya “buti n lng am hir in dubai! Maybe so many sinners bak der!so yeah deserving wat hapend!” Sinabi kong umano dahil ayon sa bagong statement nya na na-hack daw ang kanyang account at di siya ang nagpost noon. Sino kaya? Hmmm.

Kung totoo man na siya nga yun. Tulad noong isang post ko tungkol kay Tracy Borres ay parang katulad nang kay Jacque. Maaaring di makataong salita na nanggaling sa isang kababayan na katulad ni Candy Pangilinan na binaba ang pagkatao ng mga Igorot na parang di rin sila tao nang humirit siya ng joke na "Tao Po Ako, Hindi Po Ako Igorot." Tao lang din sila at di sila perpekto. Pero di ko sila pinagtatanggol. Alam kong mali. Sabi ko nga, tulad nakararami at malamang kasama ka na din doon pati na ako, nakakapagsalita tayo ng mga bagay-bagay nang di nag-iisip.

Naalala ko yung biglang sinabi ng yaya ng pamangkin ko "maigi at nabawas-bawasan ang tao sa Manila" na nung pinansin namin at parang napag-isip isip niyang mali pala yun. Malamang, naisip ko, dahil di kami nasalanta ay nakakapagbitaw siya ng ganoong mga salita. Siguro kung may kakilala siya doon o kapamilyang nadamay sa bagyo at baha ay di niya masasabi yun at malamang isa na din siya sa galit kay Jacque Bermejo pero hindi.

Hindi ako natutuwa kahit joke. Kasi unang panood ko pa lang doon sa video footages sa TV ng mga binaha at lalo na yung isang grupo na inanod sa ilog at nagkawatak-watak nung humampas ang kanilang kinatatayuang bubong ay parang naiiyak na ako.

Parang isang pangkaraniwang panlalait ito sa mga may kapansanan o mga "chaka" o mga "jologs" o mga "hampas lupa" na nakikita sa paligid. Simpleng banat na walang balak manakit pero iba yung epekto.

Malamang sa makakabasa nito, maaaring may magalit sa yaya ng pamangkin ko. Pero di ko rin masisisi nga, dahil di nga niya nararanasan yun. Pero sana di rin tayo makigaya sa kanila na ipagdasal na sana ganito at ganun sila para malaman nila yung pakiramdam.

Yung mga tumutuligsa, kung ang pagtuligsa ay sa paraang masama, anong pinagkaiba ninyo sa kanila? Wala. Pareho lang kayong di nagiisip sa mga salita. Pareho lang kayong masama. Sa halip na lait-laitin mo din ay pagsabihan sa matinong paraan o ipagdasal na lang siya na sana maliwanagan ang utak niya at magsisi sa sinabi. Di ka na nang-away di ka pa nagkasala. O di ba?


Wag tumanggi sa grasya

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Nakakagulat ang mga pangyayari nitong nakaraang weekend. Ito yung kinakatakot ko. Ang kamatayan. Nakapangingilabot ang pangyayari.

Kaya nga ngayon, dapat di na pinapairal ang arte sa katawan. Wag tumanggi sa grasya.



Di man kami nasalanta ng bagyo, though inulan at hinagupit din kami ng hangin yun lang nga at mataas ang lugar namin kaya di kami binabaha (thank you Lord), naging malaking aral sa akin yung mga napanood ko para pahalagahan lahat ng nasa paligid kahit na mumunting bagay.

Last Sunday, nakapag-mass ako ng 7:30 a.m. dahil di natuloy ang LET. Nakijoin ako dun sa mga magbabantay sa mag-eexam yun nga lang itong mga nasa kinauukulan eh di man lang nagsabi na di matutuloy ang examination at unang inanunsyo na sa Metro Manila lang ang walang exam. So, kanda-gising kami ng super aga para malaman lang namin na cancelled pala.

Anyway, tapos na yun. Dahil nga super aga namin dapat na nasa mga testing centers, di na ako nakapag-almusal at syempre di rin ako nakatulog sa pag-alala sa mga mahal sa buhay na nasa Manila na nastranded sa baha. Kaya after ng mass, nagplano akong kumain. May sumama sa akin. Pero ang sabi ko kailangan kumain din siya dahil ayoko na kumakain ako nang pinapanood lang ako.

Nagkasundo kami na kahit fries ay kakain siya pero biglang nagback-out siya nung umoorder na ako. Ako naman na may extrang pera noong panahon na yun ay nagmagandang loob na ibili siya (for free yun) ng balak niyang bilhin sana. Kasi nga sabi niya ay sayang ang pera kaya di na lang siya kakain.

Nung umupo na kami biglang bumanat na di daw nya kakainin yung inorder ko at ako na lang daw ang kumain nun. Sa totoo lang nung time na sinabi nya yun, gusto ko syang murahin sa inasta nya. Parang mali ako sa ginawa kong pagmamagandang loob. I don't see the point kung bakit umaarte siya ng ganun. Until now talaga naiinis ako pag naaalala ko yun.

Sinabi ko na kanya yun. Nakasanayan ko na yun palagi na kapag kasama ko siya o kung sino pa man na ininvite ko na kumain ay ililibre ko as long as may money ako. Kung wala, di ako kakain para di naman pangit na ako lang ang nag-eenjoy. Ilang beses kong inulit sa kanya na kainin na nya yung binili ko. Nagtitimpi ako ng galit. Alam kong maliit na bagay lang pero iniisip ko na napakaraming tao na nangangailangan ng food to eat pero heto siya at nagiinarte sa di ko alam na dahilan.

Huling sinabi ko sa kanya "Kulasa(di tunay na pangalan) sinasabi ko sa iyo pag di mo kinain yan iiwan ko yan dito masasayang lang yan. Kung nanghihinayang ka sa pera mong panggastos, mas manghinayang ka diyan sa binibigay ko." Poker face na ako at talagang pigil sa panggigigil.

Natakot yata sa akin. Dahil di ko na kinakausap ng matino. Nagtatanong siya at sinasagot ko pero halatang wala na ko sa mood. Nakataas na din ang kilay ko at ramdam kong namumula na ako sa inis. Kinain na niya yung food. Kahit paano ay nabawasan yung galit ko that moment.

Until now, cold treatment ang drama ko sa kanya. I know alam nyang masama loob ko sa kanya. I told myself, di na ako uulit na manlibre o magabot ng kahit na ano pa sa kanya. Yun ang kapalit ng ginawa nyang kaartehan sa akin. Siguro nga dahil umangat na siya sa buhay at di na siya yung taong palaging nangangailangan ng tulong. Siguro nga umakyat na sa ulo nya yung kung anong karamdaman meron ang mga nakakaangat mula sa hirap.

Napakaaga pa para magmataas. Saka di lang ito yung time na talagang sumama ang loob ko sa kanya. Di ko magets kung bakit biglang nagshift yung ugali niya sa napakabait to someone na parang di ko na kilala. Kung sumagot sa akin parang di ako nakakatanda sa kanya. Anyway, bahala siya. Sinira lang nya yung na-invest kong pagpapahalaga sa kanya bilang friend.

Sana matuto syang lumingon sa pinanggalingan.

---------------------------------------------------------
May sense ba sinabi ko? Parang naguluhan ako sa post ko ngayon wahehhehe


--------------------------------------------------------

Sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy sana makaraos kayo sa hirap na pinagdaanan nyo. Sa mga di naman nasalanta sana makatulong tayo sa kahit na anong paraan na pwede tayong tumulong... Kailangan nila tayo.


Death becomes her

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Tulad ng mga characters sa movie na Death Becomes Her, if I have an opportunity to drink the live-forever potion, iinumin ko din yun.

Wala naman siguro akong thanatophobia, masyado lang akong maisip. Lalo na kapag masyado kong iniisip yung mga maaaring mangyari in the future.

I know, mamamatay din naman ako. Di pa nga lang ako handa. At lalong di ako handa na mawala yung mga mahal ko sa buhay. Parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. At di ko rin matetake kung di maganda ang pagkamatay ko.

Masyado kasing napapadalas yung mga eksena sa TV na puro namamatay sa aksidente at sa sakit. Ang creepy creepy sa pakiramdam.

Naalala ko pa noong nagkaroon ng isang sharing session. Tinanong kami kung ano ba yung greatest fear namin. Sinabi ko na takot nga akong mamatay o mamatayan. Napaka-hypocrite ko naman kung sasabihin kong hindi. Yun naman ang totoo. At karamihan naman sa mga nabubuhay sa mundo ay ayaw mamatay not unless yung mga may suicidal tendencies siguro eh di takot mamatay kahit ang totoo nagkukunwari lang sila.

Gusto ko pa kasi na maenjoy ang buhay ko. Kung pwedeng umabot ng hundred years or more tatanggapin ko. Kung magiging immortal ako payag ako. Wag lang akong magiging engkanto pero pag fairy na cute at mabait eh why not hehehe.

Pero sa kabilang banda, talagang ganun nga. Kailangan kong tanggapin. Sana lang when that day comes, fulfilled na ako o nagawa ko na yung gusto ko sa buhay. Wag muna ngayon at lalong wag bukas. Make me and my loved ones live longer...Amen.


Pasado

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Isang linggo ko din akong kating-kati nang malaman ang grade ko sa comprehensive exam na dumagdag sa kalyo ng daliri ko dahil sa walang kamatayang essay tungkol sa kung anu-anong bagay.

Pakiramdam ko pa nga babagsak ako dahil sa kalokohan ko sa sagot ko dun sa tanong na "What is your philosophy in life?," Di ko alam kung naikwento ko na ito last time, ang isa sa mga sagot ko ay "Life is beautiful" at ang explanation ko, "... so am I."

Yun yon eh! kakaba-kaba ako. Kahit alam kong kasalanan ko talaga pag bumagsak ako dahil sa kalokohang yun.

Awa ni Bro, pasado ako. Wooooohooooo!!!

Noong Saturday ko pa nakuha yung result. One week after official na nirelease ang mga grades. Medyo nanliit pa ako sa nakuhang grade nung kaklase ko. 90% daw siya. Nainggit ako. Kasi alam ko na di ako aabot sa ganun kataas na grade.

Pero umasa ako na kahit na di ganun kataas basta mahalaga na pasado ako. Kahiya-hiya naman kasi na ako lang ang babagsak.

Nung inabot sa akin ang result. 91% (blush) Pero di ko pinagmayabang. Nahiya pa nga akong sabihin sa iba yung result ko. Basta sinabi ko na lang na pasado ako. Dito ko lang pinagmayabang kasi wala lang. hehe.

Isa pang nakakatuwa, yung first three chapters ng thesis ko ay okay naman. Kaiba din sa inaasahan ko, konting polishing na lang --edit edit-- tapos pwede na daw ako magpa-schedule ng defense.

Kung ako ang papipiliin, ayokong mag defend ng proposal. Kasi 10k pesosesoses ang mawawala sa akin. Wala namang kapalit yun. Basta ibabayad lang sa mga wala namang naitutulong na mga tao. Bat kasi naman nauso yun dun sa school na yun. Tsk tsk. Pera pera talaga.

Anyway. Matapos ko muna ito at haharapin ko na ang mas malaki-laking gastusan. Ang pagpapamudmod ng questionnaire at kung anu-anong mga bayadin. Good luck ulit sa akin!


Toingks!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Kapag wala kayong magawa at di makapag-isip ng ibo-blog, try ninyong sumali sa isang bagong forum na itinatag din ng kapwa natin Pinoy--ang Toingks Forum.




Itinatag ni Toingks ang forum noong Abril 2009 ngunit ang blog nito na Entertainment and News update ay matagal nang naitatag.

Itinatag for fun, for friends, for infos, for entertainment and for everything na pwedeng gawin dun. Kitakits mga tol!


hambak!!!

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Hambak!!! Yan ang madalas kong i-shout sa mga chatbox o kaya sa mga kausap ko sa YM.

Nawala kasi ako ng medyo may katagalan. Napasubsob sa pagkarir sa thesis na walang kasiguraduhan. Ni hindi ko pa alam ang resulta ng exam dahil wala akong oras na kunin sa office ng dean ang aking papel. Mataas naman daw ang nakuha ng aking kaklase. Ako kaya?


Kakasubmit ko lang kahapon ng first three chapters ko. Sigurado akong madaming guri-guri nanaman yun. Malamang pulang ballpen ulit ang gagamitin ng adviser ko kasi sablay nanaman ang aking ginawa. Mga tatlong linggo na lang bibitayin na ako. Proposal na, ni hindi pa kami pinipirmahan sa registrar's office. Kasi naman, kelangan pa daw namin kumuha ng 3 prerequisite subject para sa course namin bago kami pirmahan. Hello??!! Ilang taon na kaming nageenroll sa university na yan, at sinabi sa amin na wala kaming kailangang kunin na subject pa para makatuloy sa course na yan tapos ngayong patapos na kami ay iipitin? Pera-pera nanaman ba ito? Tsk tsk tsk.

Nagbabalik nanaman ako sa pagkareklamadora ko. Unang post after 12 days, laman ay reklamo. Tama nga yata yung post ni gillboard... madalas reklamo at problema ang laman ng blog ng mga babae... kaso lalake ako. Nyah!


Salamat po

Posted by: Klet Makulet, 1 comments

may nakalimutan akong pasalamatan noong nakaraan na nagpunta ako sa Pambansang Aklatan. Habang nakasakay ako sa lrt (sa area ng mga lalake) ay may gentleman na nagpaupo sa akin kahit na mukhang gusto na talaga niyang umupo. Nakaputi siya na t-shirt na may parang Dr. Marty yung nasa baba ng malaking tatak Maui ata yun di ko rin sure. Tapos checkered na black, beige and white ang short nya na uso ngayon sa mga guys at naka-chucks siya na di hi-cut. Salamat dude. Mabuhay ka!



Salamat sa maliit na butas na ginawa ng tito ko sa kisame ng kwarto ko at may dagang maliit na naligaw at napasuot doon. Kinagat tuloy ako. As of now, di pa naman ako nakakaramdam na mamamatay ako sa kagat nya. Nginatngat lang nya ang dulo ng index finger ko. Kasi naman ako turo ng turo sa dagang naglalaro tapos nagsinungaling pa ako at sinabi kong mabait siya. Ayan nagalit. Salamat na din nakapaglinis ako ulit ng kwarto.


Salamat at tapos na ang exam namin. Wala pa yung result. Next week pa daw. Palibhasa kasi di nila macheckan yung puro essay. Di rin daw ipapakita yung mga test papers namin at scores na lang ang ipopost nila. Tsk... something fishy... sana pasa ako kahit mukhang ihohocus-pocus lang nila yung result.

Salamat kay Dr. A.L., kung hindi dahil sa kanya di ako maliliwanagan sa tamang paggawa ng thesis. Tama naman yung ginawa ko pero may ilang mali din na ginawa ko. As usual internet muna ang hinarap ko bago ang thesis. Ang bait ko talagang estudyante.

Salamat at may pera pa ako. May ugali kasi ako na suksok ng suksok ng pera sa kung saan (iba sa pagiging burara) nasusurprise na lang ako na may pera pala akong nakatago. Tulad kanina, may 100 pesos pala ako dun sa isang pocket ng bag ko. May pangkain na din ako.

Salamat sa birthday ng katulong namin, nakatsibog nanaman ako ng madaming madami. Lalo na akong di kakasya sa uniform ko. Salamat din sa mother ko at ipinaghanda niya si Inday (di tunay na pangalan).

Salamat at patapos na ako sa entry ko na ito. Yun na muna. Salamat po!


Ngarag!

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Galing ako ng Divisoria. Mga 6 a.m. pa lang nandun na kami. Excited no?

Mamimili kasi kami ng para sa birthday party ng pamangkin ko. He's turning 1 this coming October. Cars ang theme.

Medyo marekutitos. Kelangan Cars talaga. Medyo mamahalin ang gusto nila.

Kahapon pa naman ay natapilok ako. Kaya kanina para akong pilay na halos hilahurin ko na ang paa ko sa paglalakad. Akalain nyo ba namang libutin namin ang halos tatlong malalaking mall doon! Buti at di na nila inisip na pasukin pa ang Tutuban Mall.

Balak ko na sanang mamili ng pangbibigay ko sa Christmas (super advance) kaya lang dahil nga may ibang hinahanap kami ay di ako makasimple ng pamimili. Buti na lang at nakabili ako ng dalawang baboy coin bank sa isang tindahan na tinigilan namin.

Kahit papaano ay nakapagpalubag sa loob ko kahit pagod, ubos ang pera at puyat.


About my exam... 2 weeks pa daw ang result. Kainis! Ang hirap .... magsulat... at magsagot na din puro essay!

-------------------------------------

Ngayon ko lang nalaman. Nawala na pala mommy ni Uno...online friend namin... ngayon ko lang nalaman. Walang nag-inform sa akin. Sayang kung kelan ako nasa Maynila. Condolence sa kanya at sa pamilya niya. Siguro talagang kailangan na niyang magpahinga.May she rest in peace. Amen


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com