this on Facebook!

Teacher, teacher I have a question!

Posted by: Klet Makulet,

Mula kagabi at hanggang ngayon puro mga nakakalokang sagot ng mga teacher ang naririnig ko. Natatawa lang ako.




Isang teacher at isang DJ ang magkausap.

DJ: Anong tinuturo mo?
Teacher: Elementary Science
DJ: Sige nga, (gustong sukatin ang kaalaman ng kausap) what is invertebrate?
Teacher: These are animals without a back bone.
DJ: (humirit ulit) Magbigay ka ng isang phylum
Teacher: Hindi ko pa kasi yun topic ngayon, nasa vertebrate at invertebrates pa lang kami. General subject po kasi ako, May Social Studies...ganun.
DJ: Ang Manila Bay ba ay lawa o dagat?
Teacher: Naku hindi kasi ako taga-dito kaya hindi ko alam.



Teacher at estudyante
Estudyante: Ma'am naconfiscate po yung ID namin kanina
Teacher: Talaga? (kunwari naaawa)... buti nga sa inyo.


Estudyante: Sir, nasan po kaya si Mr. Galang?
Teacher: Nasa Earth (sabay tawa ng malakas)


Wala lang... ang babaw lang ng kaligayahan ko. :P


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com