Ang tagal ng pag-cope ko sa mga problema kaya matagal din na nawala ang baliw side ko. Ah hindi, baliw pa rin pala ako kaso hindi na lang masyadong halata...halatang halata pala.
Baliw again. At ang matindi pa, dinala ko sa trabaho nang bonggang bongga. Pati mga kausap ko balasubas kong sinasagot. Kahit hindi tinatanong sinasagot ko. Hindi ko lang alam kung ako nga ba ay seseryosohin pa nila.
Ang totoo nito, tapos na ang ilang kalbaryo sa buhay ko. Natanggap ko na rin na ito na nga ang talagang kapalaran ko at ilang buwan na lang babalik na ulit ako sa dati kong trabaho. Panandalian lang ito kaya pagtyatyagaan ko na at lulubusin ang pagkakataong binigay. Marami nga naman ang may gusto ng posisyon na binigay sa akin pero ako ang umaayaw. Pero syempre, kung ayaw talaga, bakit ko ipipilit sa sarili ko di ba?
Ang mahalaga sa akin ngayon, totoo na ang ngiti at tawa ko. Kumbaga sa sinakitan ng tyan, nakaraos na ako. Masarap na ang pakiramdam ko.
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
August 8, 2011 at 1:47 PM
Post a Comment