No. I am not going to commit suicide not even a suicide note. Naipost ko lang ito dahil sa naging takbo ng usapan namin ng aking beau.
Alam ko na lahat tayo ay hahantong sa ating tinatawag na kamatayan pero ayaw na ayaw ko na pinag-uusapan ang kamatayan ng kapamilya o ng mahal sa buhay (direkta man o hindi) dahil nadedepress ang ganda ko sa ganyang klase ng usapan. Naluluha din ako dahil ayaw kong isipin ang mga ganun.
Naiinis ako kasi buhay pa ay iniisip na ang katapusan. Kahit na nga ba sabihin pa na inihahanda lang ang sarili sa mga bagay na hindi inaasahan pero yung maging topic of discussion ang mga ganung bagay at natataon pa na may sakit ang nanay nya, talagang nanlalambot ako.
Pwede kong pagtripan ang idea ko sa kung paano ako mamamatay o kahit ano pa yan basta sa akin lang. Ayoko ng sa mga mahal ko sa buhay. Ayoko na mauuna sila. Gusto ko ako muna, ayokong makaramdam ng kawalan. Hindi sa ayaw kong masaktan, hindi ko lang talaga kaya.
P{ero sa ginagawa ko ngayon, sa post na ito, sa death note na ito, para akong nanlulumo dahil hindi maiwasang maglaro sa isip ko ang mga di magagandang isipin tungkol dun. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil ito ang laman ng post ko.
Tama na nga!
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
Post a Comment