this on Facebook!

Over over na to!

Posted by: Klet Makulet,

Hitsamper! (It's unfair!) At sabi ko nga sa wall post ko "Life is never unfair. It just so happen that you are being surrounded by people who is so unfair and makes your life so miserable." O ha! Pag tinatamaan ako ng sama ng loob nakakapag-English ako at nakakagawa ako ng maiksing statement na ganyan. Minsan lang yan.



And yes, totoo po, nakakaranas ako ngayon ng unjust treatment sa present work ko. Kung tutuusin hindi ko ito ginusto. Nananahimik lang ako dun sa isang sulok ng building namin at nag-eenjoy sa tahimik na buhay bilang tagapakinig ng mga buntong-hininga at mga hikbi, mga hagikgik at mga halakhak, pati na ang nakakabinging katahimikan. pero ngayon, kahit nasa sulok pa din ako, nasa kabilang sulok naman at ngayon ibang tunog na ang naririnig ko. Araw-araw ay stressed ako. In fairness, namamayat ako. Pero aanhin ko ang kapayatan kung ang damdamin ko naman ay nasasaktan (nakanaman nakaganun!)

Kidding aside, bukod sa mas stressful ang trabaho ko ngayon, pakiramdam ko ay para akong mga bangus sa lawa ng Batangas na bumaba ang presyo dahil sa pagbabago ng panahon. Syet! Lumalansa na ako! Mula sa ilang daang presyo, ngayon ay halos singkwenta na lang, halos ibigay na nga maubos lang. Hay naku.

Bakit ba naman kasi naglalagay ng mga bossing na parang hindi alam ang ginagawa. At kung bakit ba naman kasi napakabait ko at hinayaan ko silang paglaruan ako. Hindi naman ako teddy bear o Barbie doll (char!) o kaya naman ay manikang basahan na paglipas ng panahon, sa halip na tumaas ang presyo, bumababa pa dahil lang sa nagamit na.

Parang gusto ko na tuloy mag-resign. Kung hindi ko lang mahal ang trabaho at ang kumpanya kahit parang pang-atsay lang ni Kris Aquino ang sweldo ko ay tinatyaga ko na. Pero kung ganyan lang din naman at yung mga nasa katungkulan ay hindi kayang pangatawanan ang mga sinusulong nilang "values" parang gusto ko silang sumpain at talagang hanggang dun sa pinaka-gitnang parte ng mundo ay di ko sila tatantanan! Eheksyusmi pow!

Wala na tuloy akong social life. Wala na ako sa sirkulasyon. Hahay! Buhay!


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com