Ang mga lalake, kung makapagpara-paraan sa mga babaeng type nila, kakaiba kung dumiskarte.
Kanina, nagwatak-watak na ang isang grupo ng mga teen-agers at itong si lalake ay bumuntot sa isang babae.
BABAE: O bakit ka nandito, di ba dun ka dapat sa kanila?
LALAKE: E sabi nila dito daw ako eh!
Stig! Dinahilan pa ang mga barkada.
Naalala ko din yung dati kong manliligaw (na boyfriend ko na ngayon), dinaan ako sa mga hypothetical questions. Sinimulan sa mga situation na tinitingnan niya kung ano ba ang pananaw ko sa buhay pagdating sa relasyon tapos hanggang sa kung sakali daw "kunwari na siya ay manligaw sa akin" blah blah blah... Ako naman si tanga, sagot naman ng sagot...
Meron din naman na kunwari nakikisabay lang yun pala, naghahatid na.
May mga kunwari nagpapatanong pero sila naman talaga ang nagtatanong.
Nautusan lang daw sila pero sila naman ang nagbigay nung bulaklak o kung anuman.
Merong "Hi daw" pero sila naman din yun...
At maraming marami pang iba....
Guys...STYLE NYO BULOK!
Pero kinikilig kami at gusto namin ang bulok nyong style... :P
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago
May 11, 2011 at 8:22 AM
May 11, 2011 at 11:04 PM
May 16, 2011 at 12:50 AM
May 16, 2011 at 9:03 PM
Post a Comment