this on Facebook!

Kung kelan... Saka naman...

Posted by: Klet Makulet,

Maraming mga pangyayari sa buhay ng tao na dumadating ang "kung kelan... saka naman..."

Ano nga ba ito? Ito yung mga panahon na kung kailan (state the situation) saka naman (another situation na kabaligtaran sa dapat na mangyari dun sa unang situation) gets mo? Dapat magets mo dahil hindi mo magegets kung hindi mo gets. Gets? Awww!



Magbibigay ako ng ilang mga KUNG KELAN... SAKA NAMAN... moments na malamang naranasan nyo na din. Narito:

* Habang nasa pampasaherong jeep (hindi ko alam kung ganito din ba sa taxi, FX, tricycle at iba pang pampublikong sasakyan) at kung kelan nagmamadali kang pumasok dahil late ka na, saka naman magpapa-gasolina. Idagdag mo pa ang papiso-pisong ibabayad ni manong driver (mala-McDonald's commercial "tweny..twenywan...twenytoo..."). Ganun din sa pag-uwi.

*Tulad kanina na nangyari sa akin. Kung kelan jebs na jebs ka na, saka naman walang jeep na masasakyan pauwi o kaya naman ay walang CR na pwedeng paglabasan ng sama ng loob. Buti na lang malakas ang aking pagma-muscle control at nakaya kong pigilin hanggang makauwi. FYI nagpigil ako ng kalahating oras sa paghihintay ay isang oras sa  byahe.

* Kung kelan mo hinahanap ang isang gamit, saka naman nakikipag-hide and seek ang hinahanap mo. Naikot mo na ang buong bahay hanggang sa salawal ng lola mo, hindi mo mahanap. Kapag naman relaxed ka na at wala ka nang balak hanapin, saka pakaway-kaway pa ang bagay na ito na halos matuklaw ka na dahil andun lang pala.

*Kung kelan dumaan si crush saka naman ikaw tumalikod eh samantalang nagkakandahaba na ang tingin mo sa daan paghihintay sa kanya tapos ganun pa ang nangyari... sayang... (hindi ko ito naranasan...char!)

*Kung kelan feel na feel mong mag-blog, saka naman nagkaroon ng bloggers (writer's) block... kahit na nag-uumapaw kanina yung ideas na ilalagay mo kung nawala naman bigla o hindi mo alam ang uunahin... wala din.

*Kung kelan sinisipag ako magbasa ng mga blog nung mga iniistalk ko, saka naman mga tinamad magpost! Wala tuloy akong mabasa ngayon. Hanubah?!

*Kung kelan gusto kong pahabain itong post na ito, saka naman wala na akong maisip... kayo na mag-dagdag!


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com