this on Facebook!

Ayoko Po

Posted by: Klet Makulet,

Sabi ni Lord, bawal daw tumanggi sa grasya, kaso hindi ko nakikitang grasya yung binibigay sa akin, lalo na at hindi ko naman talaga kayang tanggapin ito.



Ilang linggo na din ang lumipas nang ako ay ipinatawag ng nakatataas na boss para sa isang bagong misyon sa buhay, gagawin daw akong reyna (joke!). Hindi pa man natatapos ang kanyang inoofer, alam ko na ang sagot ko. Bukod sa bagong misyon sa trabaho at malamang magandang salary, inooffer din sa akin na lelevel-up daw ang beauty ko.

Isa lang ang naisagot ko, "AYOKO PO."


Kanina, nakausap ko ang taong tumanggap dun sa level up na posisyon at inoofer pa din sa akin ang bagong misyon. Ang sabi niya, may basbas na daw ito ng presidente. Sa isip ko, ayoko pa din. Tama na ang makatulong ako, hindi ko kasi kaya talaga na gumawa ng isang trabaho na hindi taos sa puso ko.

Masyadong mabenta ako ngayon. Hinihintay ko pa ang isa pang offer. Magiging leading lady daw ako ni Piolo Pascual (in my dreams) at ni Coco Martin (kahit sa bangungot papayag na ako matuloy lang) pero pending pa ito.

Kung anuman ang plano sa akin ni Lord, alam ko na yung iba ay palabok lang, at alam ko may mas maganda pa Siyang plano sa akin. Minsan masarap din na tumanggi lalo na at alam mo naman na hindi yun para sa iyo.


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com