Paumanhin muli sa matagal na pagkawala ko sa blogosperyo. Ang totoo nito, tulad ng dati, wala naman talaga akong balak na mag-post ngayon. Ang balak ko lang ay tingnan kung ano na ba ang latest sa mga buhay-buhay ng mga tinatamad din na blogista pero heto, napatipa ako sa mga letra at naengganyong magkwento.
Bakasyon grande ako nitong nakaraang mga araw. Ilang araw din akong nag-leave sa trabaho para gawin ang taunang pagpunta namin sa lupang sinilangan ng aking ina at kapatid (ang sa akin ay nasa kuta ng mga abu sayaff) , ito ay ang Nueva Ecija.
At kahit na ito ay taunang gawain, may mga bagong nangyayari. Tulad ngayon, naisama ko na din sa wakas ang aking boylet at hoping na forever and ever amen na ito. At dahil kasama si boylet, hindi ako natigang... sa kausap (mga isip nyo linisin nyo!) dahil sa taun-taong pinunta ko dun, madalas loner ako dahil simula nang nag-asawa ang kapatid kong lalake, nakatuon na ang isip nya sa asawa nya at sumunod pang mga taon sa anak din nya. Ngayon, may kasama ako palagi sa mga lakwatsa, sa pagbili ng mga inumin at chicha, sa pagtambay at pagtunganga, sa panonood ng tv, sa pagtulog (syempre hiwalay na higaan di pa pwede strict si mother at lola at lolo baka makurot sa singit), sa paggising, sa pagsisipilyo, sa pagligo ay hindi ko kasabay (hehehe), sa pagkain, at may nauutusan at lalung lalo na, may kausap at kaaway ako at syempre kalandian din. Hansweeeeeet!
Ang pinunta namin sa Nueva Ecija ay para sa dalawang okasyon lang pero nadagdagan. Una, kasal ng pinsan ko. Pamatay ang handaan at ang sabitan ng pera. Muntik pa akong mawalan ng perang pangsabit, buti na lang bagong pera yun, walang kapareho kaya nahanap ko kung sino ang nakapulot. Ikalawa ay fiesta, nakapag-color game din sa wakas! Nanalo ako ng ilang beses kaso dahil gahaman sa pera, ayun, natalo din pero okay lang kasi ganun talaga ang sugal. masaya naman ako. At yung dumagdag, bisperas ng fiesta ay namatay ang kapatid ng lolo ko (sumalangit nawa ang kaluluwa niya). malungkot pero may konting comedy talaga kung minsan sa mga ganung pangyayari.
Bitin pa. Gusto ko pang mag-color game, kumain ng sandamakmak na baboy at gulay na ulam, gusto ko pang namnamin ang boylet ko, este yung panahon na kasama ko sya, at syempre ang bakasyon... yung walang trabaho at tambay mode, tanghaling gising, kain-tulog mode, nood lang ng TV at basta buhay tamad.
Pero kailangang bumalik sa sibilisasyon. Bukas papasok na ulit ako. Sa uulitin!
creepsilog
5 years ago
Post a Comment