this on Facebook!

Help: Birthday Holiday!

Posted by: Klet Makulet,

Medyo maiksing panahon na lang ang natitira para sa paghahanda sa aking nalalapit na kaarawan. I-greet nyo ako ha? (May 26) Okay? (kapag hindi ninyo ako binati, hindi ko na kayo bati! *pout*)



Heniway, heto ang problema ko, dahil hindi na matutupad ang plano ko na mag-Jollibee Kiddy Party, na matagal ko nang wish, ay magpapaparty na lang ako sa bahay namin. Ang problema, hindi ko alam kung paano ko ito magagawang successful at magagawang masaya ang mga piling panauhin.

Baka pwedeng bigyan nyo ako ng idea sa mga sumusunod:

* Food (time of party is from 6pm till 8pm so pang-dinner)
* Souvenirs
* Attire ng aattend (irerequire ko pa ba ito? After office hours kasi)
* Cake
* Balloons
* With clown?
* Pabitin o Pinyata?
* Games

Ano pa ba?

Syangapala, tight budget, gusto ko lang talagang matupad ang kiddie party na ito bago ako mag-debut (char!)

Like nyo ako sa Facebook Page ko: Klet Makulet


2
cguro magpapansit ka na lang. hahaha. pampahaba ng buhay
Kikilabotz given na yun hahahaha may pansit na may spaghetti pa :P
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com