this on Facebook!

hambak!!!

Posted by: Klet Makulet,

Hambak!!! Yan ang madalas kong i-shout sa mga chatbox o kaya sa mga kausap ko sa YM.

Nawala kasi ako ng medyo may katagalan. Napasubsob sa pagkarir sa thesis na walang kasiguraduhan. Ni hindi ko pa alam ang resulta ng exam dahil wala akong oras na kunin sa office ng dean ang aking papel. Mataas naman daw ang nakuha ng aking kaklase. Ako kaya?


Kakasubmit ko lang kahapon ng first three chapters ko. Sigurado akong madaming guri-guri nanaman yun. Malamang pulang ballpen ulit ang gagamitin ng adviser ko kasi sablay nanaman ang aking ginawa. Mga tatlong linggo na lang bibitayin na ako. Proposal na, ni hindi pa kami pinipirmahan sa registrar's office. Kasi naman, kelangan pa daw namin kumuha ng 3 prerequisite subject para sa course namin bago kami pirmahan. Hello??!! Ilang taon na kaming nageenroll sa university na yan, at sinabi sa amin na wala kaming kailangang kunin na subject pa para makatuloy sa course na yan tapos ngayong patapos na kami ay iipitin? Pera-pera nanaman ba ito? Tsk tsk tsk.

Nagbabalik nanaman ako sa pagkareklamadora ko. Unang post after 12 days, laman ay reklamo. Tama nga yata yung post ni gillboard... madalas reklamo at problema ang laman ng blog ng mga babae... kaso lalake ako. Nyah!


2
Hayaan mo isumbong natin yan kay BONGBONG! Sumbong sumbong kay Bonggang Bonggang Bongbong. Dito ka na magsumbong diretso pa ang aksyon
Hahaha kanina nakita ko siya sa school. Hmp! Tapos di ko pa nakausap adviser ko sa thesis. Waaaaa napagod lang ako. :-<
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com