this on Facebook!

Use "guava" in a sentence...

Posted by: Klet Makulet,

Naaalala ko pa ang joke na ito na bentang-benta sa mga kaklase ko. Hanggang ngayon bumebenta pa din.

Klet: Use "guava" in a sentence...

Classmates: (iisip ng kung anu-anong sentence na pwedeng gamitin ang salitang guava hanggang mapagod at humirit na ng "sirit")

Klet: i just got a new haircut masaguava?

Classmates: Bwahahahahahaha


Opo totoong bagong gupit ang inyong lingkod. Kumusta ang gumupit? Ayun! Buhay pa naman. Medyo napaiksi (as usual) sa sinabi kong haba ng ititirang buhok. Buti at di naging mohawk ang dating. Lalong bumilog ang mukha ko. Ke-taba-taba ko pa naman. Siopao na siopao nanaman. Bukas malamang ay tutuksuhin nanaman ako ng kapatid ko.

sagot sa joke...Oo masagua nga!!!


Pagkatapos naming magpagupit ng mother ko ay pumunta kami ng mall. Mamimili daw kasi siya ng clorox at sabon. Inulit ko pa ang sinabi niya sa paraang patanong...clorox at sabon? sure ka?...

Paano ba naman. Kapag sinabi niyang yun lang ang bibilhin, malamang sa malamang ay higit pa dun ang iuuwi niyang nabili. At di ako nagkamali.

Dati, ang sabi niya, kamatis lang daw. Naghintay kami ng isang oras sa kanya sa palengke dahil sa akala namin na kamatis lang. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang sandamakmak na gulay. Kamatis lang pala ha!

Ganun din ngayon. Mula sa clorox at sabon ay nakagastos siya ng kulang-kulang dalawang libo dahil may gulay, karne, toiletries, flavor mix, at kung anu-ano pang hindi naman masasabing clorox at sabon. Yan ang nanay ko, walang isang salita! :P

Nanood nga pala din kami ng "And I Love You So" as in pinilit niya ako. Libre na para lang sumama ako. Maganda. Nakakarelate ang nanay ko. Paano katulad siya ni Bea sa kwento... byudang nainlove... yun lang matagal bago kami nagkaroon ng ikalawang tatay. Di ko lang alam kung nagsasalita din ba ang nanay ko ng mag-isa nung namatay ang tatay ko. Sa tingin ko naman ay hindi. May nakakatawa at madaming nakakaiyak... Sa mga di pa nakakapanood. Nood na!


7
nice one! di ko to alam na joke-joke ah!
bago nag lahat gusto kong ipa alam na sinubuka ko ang makulet mong dialogue sa aking mga kaibigan... wahahaha.. natawa naman sila... :D

ang kulet... klet klet ang kulet kulet.. wahahaha... add kita sa blogroll ko.. :)
@sunny - bumenta ba sayo? :P

@patola - weee buti at di naman ikaw napahiya sa joke na yan hahaha. salamat sa pag-add. dagdag din kita sa kachismisan list ko. :D
Use Ice buko and Guava in a sentence; (improved version)

Ice buko?masa Guava? (Ayos ba buhok ko, masagwa ba?
Kuya drake: pwede!!! bebenta din yan! sa susunod lagyan mo na din ng pinya at durian ...

"ICE BUKO? masaGUAVA? PINYAayos ko pa ito sa bakla DURIAN sa parlor!"

(ayos ba buhok ko? Masagwa ba? Pinaayos ko pa ito sa bakla diyan sa parlor!)

wehehehhe humaba na!
nahirapan kaming gawin yang movie yan,naks sam milby eh noh,haha kaya pala gustong panuorin ng ermats mo nakakarelate masyado,hehe
Hari ng Sablay: opo relate na relate siya kasi daw isa rin siyang byudang maagang kumerengkeng... siya mismo nagsabi nyan hahahaha baliw talaga nun. :P salamat po sa pagdaan
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com