this on Facebook!

Ngarag!

Posted by: Klet Makulet,

Galing ako ng Divisoria. Mga 6 a.m. pa lang nandun na kami. Excited no?

Mamimili kasi kami ng para sa birthday party ng pamangkin ko. He's turning 1 this coming October. Cars ang theme.

Medyo marekutitos. Kelangan Cars talaga. Medyo mamahalin ang gusto nila.

Kahapon pa naman ay natapilok ako. Kaya kanina para akong pilay na halos hilahurin ko na ang paa ko sa paglalakad. Akalain nyo ba namang libutin namin ang halos tatlong malalaking mall doon! Buti at di na nila inisip na pasukin pa ang Tutuban Mall.

Balak ko na sanang mamili ng pangbibigay ko sa Christmas (super advance) kaya lang dahil nga may ibang hinahanap kami ay di ako makasimple ng pamimili. Buti na lang at nakabili ako ng dalawang baboy coin bank sa isang tindahan na tinigilan namin.

Kahit papaano ay nakapagpalubag sa loob ko kahit pagod, ubos ang pera at puyat.


About my exam... 2 weeks pa daw ang result. Kainis! Ang hirap .... magsulat... at magsagot na din puro essay!

-------------------------------------

Ngayon ko lang nalaman. Nawala na pala mommy ni Uno...online friend namin... ngayon ko lang nalaman. Walang nag-inform sa akin. Sayang kung kelan ako nasa Maynila. Condolence sa kanya at sa pamilya niya. Siguro talagang kailangan na niyang magpahinga.May she rest in peace. Amen


2
Gudlak sa resulta ng exam mo, alam ko namang matalino........yung katabi mo!hahaha joke lang! Alam kong matalino ka naman

Ingat
Wala! kainis nga eh puro maiingay hahaha.. di ko kayang mangopya kasi malabo mata ko..bingi din ako... waheheheh kaya walang silbi ang mangopya...puro essay pa. :P
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com