And so this is Christmas, and what have you done?
Di ba kanta yan? Ah oo! Ako? Anong nagawa ko? Eto nag-aalaga ng bata wahehhehehehe.
Gumawa ako ng regalo at tumanggap ng regalo. Take note: "Gumawa."
O eto ang ilan sa mga regalong natanggap ko... kung anong laman? Sikret!!! Kung anu-ano lang waheheheheh.
At heto naman ang ilan sa mga gips ko na ginawa.. di nyo naisip yan no?! bleh! Syempre, ako lang ang may utak na kakaiba na iisip na magregalo ng ganyan wakokokoko.
ayun lang .. kung panget, weno .. inggit ka lang! hekhekhek
Gifts-Gifts-Gifts
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsMagandang Pasko nga Po!!!!!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsInaasahan na namin ito--ang pagdagsa ng mga namamasko ngayon.
Mga batang halos kita na ang ngala-ngala sa pagsigaw ng "Magandang Pasko nga po!"
Noon, kami ay ilan sa mga bukas-palad na marunong mamahagi ng kaunting pera sa mga namamasko. Pero ngayon, hindi na. Di naman sa ayaw nang magbigay, kung hindi parang naging negosyo na sa ilan ang pamamasko at halos hilahin na ng mga magulang ang kanilang mga anak (kahit umuulan ha!) makapamasko lang.
Noon kasi, ang mga namamasko sa amin ay mga kilala namin. O kahit di kilala, mga bata lang. Kumbaga, kaligayahan ang dulot noon. Ngayon, parang di ka na matutuwa kung hindi maiinis ka lalo na kung nagbigay ka na pero sasabihan ka pang kuripot.
Mga kilala lang namin halos ang binibigyan at mga inaanak.
Kanina, habang nagpapakain ako kay Poknat (ang aso kong war freak), may dalawang ale at siguro tatlong bata ang napatapat sa bahay namin. Magandang pasko daw. Since wala talaga akong maiaabot (dahil nahiram na ang pera ko at alangan namang magpabarya pa ako) sabi ko "Pasensya na po, inaanak lang." Umapila pa ang ale, "Kahit bigas?" Nyeee limos na ang hinihingi. Tiningnan ko pero parang hindi naman sila yung klase ng tao na naghihikahos (mukhang bago pa nga ang damit).
Meron namang mga bata na halos pabulyaw (as in pagalit) ang pagsasabi ng magandang pasko para lang mapansin sila.
Meron pang isang grupo na pati baby ay dala-dala sa gitna ng ulan para mamasko. Grabe!
Naiintindihan ko. Minsan kelangan gawin para may maidagdag sa panggastos. Pero ang gamitin ang mga bata, mali na yun.
Sabi ko nga, kung mga bata maaari pang bigyan. Pero kung gagamitin ng mga matatanda para pagkakitaan. Pasensya na ngunit di namin ito-tolerate ang ganun.
Sa susunod na Pasko, kung makakaluwag, mag-iisip ako ng paraan para di na lang pera ang ibibigay at para sa bata lang.
Happy Birthday Mother!
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsPang-23 ang post na ito. Nakalimutan ko lang kasi may kinarir akong forum wahehhehehe.
Usapan namin ng kapatid ko na maghahati kami sa gagastusin sa birthday ng mother namin. Kakain kami sa labas at kami ang manlilibre. Planado na. Pero tinopak ako. Nilapitan ko ang mother namin at tinanong ko kung saan kami sa birthday nya at magpakain naman sya.
Aba, akalain mo kumagat sa biro ko. Nalibre tuloy kami na manlilibre sa kanya wahehehehe.
Nakipagsiksikan kami sa mall para mamili ng grocery tapos kumain kami sa KEPSI (KFC). Ang utak ng kapatid ko, yung mamahalin ang pinili at maraming fixins topak talaga. Napagastos ng sobra ang mother namin sa pagkain. Lampas sa budget nya wakokokoko.
Nakahabol naman kami sa simbang gabi. Nangungulit kami na sana i-announce yung birthday nya. Kaso, natapos na yung misa ay di man lang sya nakantahan. Pero nakasimple kaming mai-chismis na birthday nya kaya may nag-greet sa kanya pati si father ay na-bless pa sya. O divah?!
Sana pag-uwi ni ate (asawa ni kuya) ay makapagtreat na kami kay mama. nakakahiya din naman kasi.
So ayun lang. Happy Birthday Mama!
Grand Eyeball
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsNaks! Parang talagang Grand EB ang mangyayari. Palibhasa kasi ngayon lang ako maglaladlad sa madaming tao pagkatapos ng matagal na panahon (wahehehehehe).
Sa darating na December 27 ay mag-fi-field trip akong mag-isa bandang Metro Manila at makikipagkita sa mga adiktus supremo (Ang Adiktus Supremo ay isang grupo ng mga forumer na dati ay super addict sa isang forum at madalas addict din sa kitikitext.)
Sa pagpapatuloy. Dati ko nang na-meet ang apat sa kanila (si teng, estong, libay at uno), ang bago kong makikilala at paglaladlaran ay sina ilyn at si ... si ... ay wala na pala si Ms. Mabini lang pala (toingks!)
Heto ang problema ko. Nakalimutan ko na kung paanong lumuwas ng Maynila ng mag-isa. Buti na lamang at sa Mega Mall kami mag-a-eye-to-eye ng mga baklush.
Isa sa pinakadahilan ko kung bakit ko susuungin ang isang malaking challenge na ito (ang pagluwas ng mag-isa) ay dahil 1) inaamag na ang exchange gift namin ni Teng 2) Inaamag na ang pasalubong ni Kuya Geoff (Dayatot) kay Ilyn at baka ibigay pa kay Kisses nya wheheheh 3) may manlilibre sana ng KFC bucket meal kaya lang nagkataong may naunang date (hmp! takot lang magastusan ng 500 wahehhe) 4) Wala na yatang dahilan. Tama na muna hekhek. Basta marami pang iba.
Sa ngayon, iniinsomia ako sa kakaisip kung saan ako pupulot ng pamasahe dahil naubos na ang 13th month pay ko at ang buong sweldo ko na advance nang ibinigay sa amin ahuhuhuhu.
Sana may mag-sponsor sa akin (sipol) at mabigyan ako ng libreng sakay at pagkain weeeee.
Sa ngayon, yun lamang muna at sana maalala kong ikwento dito ang masaklap kong magiging kapalaran sa Maynila weheheh.
Christmas Party: Retro
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsWhen we say Retro, it's like a fashion from the past.
And that is what our Christmas Party theme for this year, Retro look.
I was a bit reluctant to follow what they've said kasi ba naman alam kong madaming KJ (kill joy) at di susunod sa usapan na dapat isuot.
Anyway, 80% were in their retro fashion and we all admire those who put much effort para lang maging makatotohanan ang pagiging retro nila (isa na yata ako dun heheheh.)
Suggestion ko lang kahit huli na ang lahat, sana 50s, 60s and 70s din sana ang tugtog. Paano ba naman Soulja Boy, The Ayer, Low... Inaasahan ko kasi yung mga kanta ng Bee Gees like Night Fever, Staying alive, tugtog ng VST & Co. at iba pa.
Magiging puro reklamo na ito kung isasama ko pa ang food lalo na ang caterer. Pero tapos na yun .. tama na. Ang masasabi ko lang, NAUBUSAN KAMI NG PAGKAIN tsk!
Congratulations to our masters of ceremony Sir EM and Sir EM (pareho palang EM yun hahaha kaya pala parehong loko-loko.) Masaya ang party dahil napakagaling nilang mag-entertain. They were like stand-up comedians na magaling mang-okray ng mga nanonood at magaling sa mga punchlines.
Games. The "Hep, hep, hooray!" thing is still in and we even changed it to "hooray! hep-hep" just to make it even more difficult.
The IT group were so generous to give away 10 (2GB) flash drives in one of their games. Sayang!
All in all, nag-enjoy ako. Sana, nag-enjoy din kayo sa mga Christmas Party nyo.
----------------------------------
Kanina, may Christmas party din kami (sa mga support staff naman) medyo naging copycat lang ng konti ang mga M.C. dahil siguro they were trying to get the same effect that the 2 EMs get yesterday.
Thanks to the exchange gift even if we didn't win again in the raffle draw. May ilang taon pa akong itatagal dun hehehehe.
Yun lang at antok na ako (*bow*)
Bagong gamit
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsLast Saturday, my brother, his wife and I went to our little 168 mall here in Lucena, ang Unitop weheheheh we call it "U-T" para di halatang mamimili kami ng mumurahing gamit wehhehehe.
But before that, nag-Pacific Mall muna kami. Dumaan sa CD-R King at bumili ng mp3 player, gift for my brother's goddaughter (Kate). Ang mura na ng mga MP3 player at mga USB dongle no? Yung dating one thousand plus ang amount, ngayon ay 200 na lang wahehheheh.
Ayun, bumili sila ng 2GB mp3 player (with FM radio, voice recorder, e-book reader, at phonebook) worth 600+ lang (san ka pa!) Ang mura no? Kaya nainggit ako at bumili ng 4GB na mp3 player (black) yun nga lang di ko na-check mabuti kaya di ko napansin na may mahabang line sa LCD nya. Ibabalik ko yun bukas at papapalitan.
Bumili na din ako ng Memory Card reader worth 160 weheheheh. Mumurahin, ganun talaga pag naghihirap.. magtyatyaga lang sa ganung klaseng mga gamit.
Next stop, UT. Sa sobrang mura ng mga binebenta, kahit di talaga kailangan ay napapabili ako (Siguro ganun din yung iba).
Ang mura ng mga stationary kaya halos binili na lahat ng ate ko yung magaganda at ipangreregalo daw nya sa officemates nya. 6.50 lang pero mukhang 30 pesos sya whehehehe.
Ako naman, bumili lang ng plastic layer at aluminum bowl for our dogs (kainan nila) nakatipid ako ng halos 300. Kung bibilhin ko kasi yun sa SM o sa iba, yung plastic layer pa lang baka 350 na (4 layers yun at matibay naman) tapos yung kainan ng aso ay 80 ang isa x 3 = 240 pero 17 pesos lang ang isa (laking tipid!) Bumili din ako ng construction paper worth 170. Siguro mga 300+ yun sa National Bookstore. Ipapa-cut ko na lang yun at gagawing memo pad (pwede din i-regalo sa iba wehhehehe)
Laking tipid!
Manny and Oscar's Match, a mismatch?
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsSince Manny Pacquiao's game last Sunday is still the talk of the town, even in blogs, then I'll be joining them. Maiba naman?!
Mismatch. That is how they describe the fight between Manny Pacquiao and Oscar dela Hoya. Not because Manny is smaller and weigh less than Oscar, but the Mexican-American boxer's skills in his last fight was a no match to the "Pambansang Kamao."
Many people, including some Pinoys, have anticipated that Manny will have a hard time knocking down dela Hoya inside the ring. Manny proved them wrong or should I say, Oscar proved them wrong.
Oscar is slow with his moves, too light with his punch, and seem to be surprised with Manny's speed and intensity of his blow.
Sabi nga ni Manny "nakakaawa" daw si Oscar, (siya pa ang naawa ha!) but its a game he has to continue. Sabagay nga naman, kung maawa ka, ikaw ang talo.
Kung napanood mo ang laban, iisipin mong baguhan lang si dela Hoya compared to Pacman. Biruin mong laspagin ang "handsome" face ni Oscar hanggang pumutok na ang ibabang mata nya. Weheheheh ampangit ng pictures! Heto ang isa.
David and Goliath and labanan and in the end, David won over the giant. Small but terrible. (Dapat si Manny na din ang "El Terrible" at di na si Erick Morales.)
And now, Manny's team is about to set another match between Hatton or Mayweather meeting in the same weight class.
Another mismatch? Manny not matched with Hatton and Mayweather, or is it the other way around?
After the Seminar
Posted by: Klet Makulet, 0 commentsA week after... Anyway, according to my co-participant, seryoso ang convention na yun kasi di siya katulad nung mga naunang convention na napakagulo. First national convention ko ito after ilang years na rin kaya talagang excited ako. MRT... Natuto akong sumakay ng MRT nang mag-isa. Dati kasi lagi akong may kasama. Ang totoo nyan, naiwan ako ng MRT (napagsarahan ako ng door huhuhuh.. mga walanghiyang lalaki kasi ayaw mag-move sa loob) May mababait pa rin palang mga lalaki sa panahon ngayon. Kung anuman ang dahilan niya, I salute him. Nakatayo kasi ako, and may seat na vacant, he offered it to me. Sa lalaki na naka-red t-shirt with quicksilver na print sa likod, THANK YOU VERY MUCH! Ipagpatuloy mo yan. Mabuhay ka! (Humanga din ang kapatid ko sa kanya, meron pa daw palang ganun ngayon) Yung seat nga pala ay di ko inupuan, may bading akong katabi, sya na lang ang umupo. Kinakabahan kasi ako na lumampas o mahirapang lumabas pag umupo ako. Buti na lang at di ako lumampas at nahirapang bumaba. Pastor... May isang pastor na kasama kami sa seminar, di ko alam, pero sabi nya pari sya (sorry pero malabo, para siyang lasengero wahhehehehe) he is asking for the perfect formula (uuyyy pag nabasa nya ito alam na nyang siya ito hekhek) to be used para daw masagot ang mga problema ng kanilang client. Heller! Lahat kami ay nagsasabi nang walang perfect formula dahil maraming factors and syempre kumbaga sa gamot may binabagayan yun. I recommend him to attend more seminars and learn more (naks ang yabang ko waheheheh) Yun lang muna.. masyado na akong seryoso dito waheheheheh. Adios!
I wasn't able to update immediately kasi super dami ng trabaho.
about the seminar: